Biglang nanlata si Aine sa narinig na balita mula sa anak. Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Nagising siya dahil sa tawag ni Gwain mula sa London. Ibinalita nito ang pagpanaw ni Lola Gerry. Sinabi ng anak na kailangan nitong sumama sa Pilipinas para duon mailibing ang matanda dahil iyon ang nais nito. Naglakad siya papunta sa veranda at niyakap ang sarili. Patuloy ang pag-daloy ng luha niya. "Babe?" napapikit si Aine. Hindi niya nilingon ang asawa. Hindi niya alam ang sasabihin dito. "Babe?" niyakap siya nito mula sa likuran. "What's wrong, huh?" naramdaman niya ang labi nito sa ulo niya. "Tell me Babe. Perhaps I can help," hinarap siya nito at iniangat ang mukha niya. Nagulat si Ajerico ng makitang tigmak ng luha ang asawa. "Hey...what's wrong?" pinunasan niya ang luha ni

