"Sure you don't want to come with me in Milan?" tanong niya ulit sa asawa na nag-aayos ng necktie niya. "Pagbalik nina Mama dito, uwi na din ako. Walang kasama si Gwain e," kakauwi lang kasi ng panganay nila galing sa dalawang araw na school research sa bandang Ireland. They heard knocks. Nagkatinginan sila at napangiti. "Dad!" pumasok si Gwain sa loob ng kwarto nila. Parang hindi nagkita kagabi. They bump fists. "Morning Mom," sabay halik sa pisngi ng ina. "You're going again Dad?!" halatang dismayado si Gwain dahil nag-bibihis na ang ama. "Dumaan lang naman ako dito just to check you and your Mom," inakbayan niya ang panganay. "But Dad, hindi pa tayo nakakapag-bonding!" ginulo niya ang buhok ng anak. "Only few weeks left and your school is over. Isa pa, kawawa naman ang kambal

