"Benjie!" nagulat siya sa naabutang bisita sa salas nila.
"Lalaine!" ngumiti ito at niyakap siya. Ganun din ang ginawa niya.
"Sang lupalop ka nakarating?" Benjie is a seaman. Sa cargo sya. They've been friends like forever. Sobrang crush nga niya ito to the point na halos mag-tapat siya ng nararamdaman sa lalaki. Buti na lang, di niya ginawa.
"Sa South America kami galing. Eh may mga nakita akong damit. Kaya bumili ako," iniabot ni Benjie ang paper bag kay Lalaine na agad namang binuksan ito at napatili ng makita ang mga floral dresses.
"Ang gaganda Benj!" ipinatong niya sa katawan at tinantya kung bagay sa height niya. "Sobrang thank you talaga!"
"Huh? Anong thank you? Eh ipagbebenta ko yan sayo," napatingin si Lalaine sa binata na nakakunot noo.
"Weh....di nga?" di siya kumbinsido.
"Oo nga sabi! Mahal kaya ng bili ko dyan no! Di na nga kita tutubuan," hindi nakita ni Lalaine ang ginawa niyang pagngiti. Abala kasi ang dalaga sa pagbabalik ng mga damit sa paper bag habang di maipinta ang mukha.
Nakataas ang kilay na hinarap siya. Kunwari ay nagulat siya sa inakto nito.
"Wala akong magustuhan," iniabot sa kanya ang paper bag.
"Wala? Eh sabi mo kanina magaganda?" naaaliw siyang tinutukso ito. Laging nanunulis ang nguso. May papadyak padyak pa.
"Alam mo namang limited lang lagi ang pera ko, tapos aalukin mo ako ng mga yan na for all I know, dollars ang isisingil mo sa akin," ng di kinukuha ng binata ang iniaabot niya ay padaskol na ibinaba iyon sa lamesita.
Nagmamaktol na naupo sa sofa. Maiiyak na yata.
Kinuha ni Benjie ang paper bag at naupo sa tabi ni Lalaine. Ipinatong niya ito sa hita ng kaibigan.
"Sayo yan," sumandal siya sa sofa at humalukipkip.
Nanlalaki ang mata ng dalaga at pinaghahataw ang braso ni Benjie.
"Aray naman Lai! Ikaw na nga ang may regalo, ikaw pa ang nangbubugbog!" pilit siyang umiiwas dito dahil hindi pa rin tumitigil.
Nakikita niyang inis na inis ito sa kanya habang sinusuntok suntok siya.
Napahiga siya sa kinauupuan at si Lalaine, nasa ibabaw.
"Ang sama talaga ng ugali mo! Lagi mo na lang akong iniinis!"
Kinabig niya ito palapit sa dibdib niya.
"Yun lang kasi ang pwede kong gawin eh," hinigpitan niya ng yakap.
Tahimik lang si Lalaine. Hinaplos niya ang buhok ng dalaga. May narinig siyang click mula sa pinto pero hindi niya pinansin.
Mas importante ang yakap niyang dalaga ngayon.
"May boyfriend na ko Benj," napangiti ang dalaga pagkaalala sa nobyo.
Napahugot ng hininga si Benjie.
"Ku....kumusta naman sya as your boyfriend?" niyuko niya ang dalaga na nakatunghay na pala sa mukha niya.
"Ang gwapo niya! Maalaga. And I love him so much!" umayos na ito ng upo kaya sumunod na siya.
"Eh ipinakilala ka na ba sa family niya?" tumango naman si Lalaine.
"They are all good people. Kaya siguro ganun din si Iñigo. Six months na kami," kinuha ulit ang paper bag at pinakialaman ang laman nito. "Thank you nga pala!" hinalikan siya nito sa pisngi.
Ngumiti lang siya. Mukhang ito na ang huling punta niya sa bahay na iyon.
~~//~~
"Lai, may sakit ka ba?" sinapo ni Jen ang noo nito. Matamlay kasi ang dalaga.
Tumango ito. Bumalik ulit siya sa pagkakayukyok sa upuan.
Bigayan na kasi ng class card kaya wala na silang klase.
"Sana hindi ka na pumasok. Kami na lang ang kukuha para sa iyo," sabi naman ni Nett.
"Okay lang. Wala naman akong lagnat. Masama lang talaga ang pakiramdam ko ilang araw na nga eh."
"Alam ni Iñigo?" si Lala.
"Uhuh. Busy din yun. Graduating na kasi. Di na nga kami masyadong nagkikita," lumungkot siya sa isiping iyon.
"Guys, baba muna tayo. Gutom na ako," lumapit si Quel sa amin kasunod si Cha at Mhalen.
Hinawakan siya ni Boyet para biglang tumayo pero umikot ang paningin niya kaya bumuway siya. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
~~//~~
Pagkatapos ng nangyari sa school, di nya malaman ang mararamdaman. Pabiyahe siya papunta sa bahay nina Iñigo dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya.
"Manang, kumusta po?" bati niya sa mayordoma. Nakangiting sinalubong siya nito ng yakap.
"Okay naman ako ineng. Ba't ngayon ka lang ulit nakadalaw dito?"
"Dami pong ginagawa sa school. Sina Lola po at sina Tito at Tita?" inilibot ko ang paningin.
"Naku, umuwi ang Lola ninyo sa Palawan. Ang Tito at Tita mo, nasa Chicago." ipinagpatuloy nito ang naudlot na pagdidilig ng halaman kanina.
"Ganun po ba? Eh si Iñigo po?" nginitian niya ng matamis ang matanda.
"Naku hindi pa bumabangon. Alam mo naman ang nobyo mo. Alas dos ang bangon lalo na at walang pasok sa eskuwelahan."
"Akyatin ko na po ha," ng tumango ang matanda ay masaya siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng kwarto nito.
Huminga siya ng malalim bago kumatok. Ng walang sumasagot, sinubukan niyang buksan ang seradura ng pinto. Nakahinga siya ng maluwang ng bumukas iyon.
Madilim ang kwarto. Konting liwanag lang ang pumapasok mula sa makakapal na kurtina ng bintana.
Pilit niyang inaaninag ang papunta sa kama ng nobyo. Carpeted ang buong kwarto ni Iñigo kaya hindi maririnig ang yabag niya. Nanduon pa nga ito. Napangiti siya.
"Hon, gutom na ako," hindi siya pwedeng magkamali sa narinig. Boses iyon ng babae!
"Later Baby," inaantok pa na sagot ni Iñigo.
Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang katawan. Pumikit siya. Sumasakit ang lalamunan sa pagpipigil na may lumabas na hikbi sa bibig niya. Tinakpan niya ang bibig.
Pagdilat niya, naglakad siya papunta sa bintana at hinawi iyon.
Parang gusto niyang mamatay ng oras na iyon! Si Iñigo, may katabing babae sa kama at kapwa hubad! Natatakpan ng kumot ang mga katawan.
"f**k! Manang why did you?.....Lalaine!" bigla itong napabangon kaya natanggal ang kumot na dumabalot dito. He's totally naked! Napapikit ulit si Lalaine.
"What is it Hon? Nakakasilaw," bumangon na din ang babae at lumingon sa gawi niya. Biglang nanlaki ang mata nito.
Dinampot ni Iñigo ang boxer shorts at ang t-shirt at mabilis na isinuot. Si Lalaine naman, hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan.
"Lai, let me...."hahawakan sana niya ang nobya ngunit umiwas ito.
"Explain? What is there to explain ha Iñigo?" she looked so hurt.
Iniwasang tignan ni Iñigo ang mata ng dalaga.
"Putang Ina mo Iñigo! Ang kapal ng mukha nyo!" akmang susugurin niya ang babae pero madiin siyang hinawakan nito sa braso. Napalingon siya nobyo.
"Not here Lalaine," matigas ang pagkakasabi nito.
Parang wala siyang narinig at malakas niya itong itinulak. Nagulat ito kaya napabitaw sa kanya at napaupo sa sahig.
Tumuntong siya sa kama at hinaltak ang buhok ng babae. Nagtitili ito.
"Aray! Bitiwan mo ang buhok ko b***h!" lumalaban hindi alam kung paano tatanggalin ang mga kamay niya sa mahaba nitong buhok.
"Ang kapal kapal ng mukha mo! Alam mong nobyo ko si Iñigo, isinisiksik mo pa ang sarili mo," naramdaman niiyang may kumapit na dalawang matitipunong braso sa baywang niya para ilayo siya sa babae.
Narinig niyang nag-uubo ang malandi!
"Tin! Are you okay?" dinaluhan ito ni Iñigo to her horror! Sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya.
Di naman sumagot ang tinatanong habang dinadalahit ng ubo. Panay naman ang hagod ni Iñigo sa likod nito.
Nilingon siya nito. Nagbabaga ang tingin!
"See what you'd done? May asthma si Tin. Nakakasama sa kanya ang pagsigaw at pag-iyak!" tuluyan na siyang hinarap nito.
"At ako Iñigo? Wala lang? Hindi masama na maramdaman ko ang mga ganitong bagay? Okay lang na masaktan ako?" galit siya. Galit na galit. Hindi lumalabas ang luha niya.
"Di ba sabi ko, wag ka ditong mag-eskandalo. Umuwi ka, mag-uusap tayo," pilit na pinakakalma ni to ang boses at hinaltak siya palabas ng pinto bago iyon ibinalibag.
Doon na bumalong ang luha niya.
"Hija," narinig niyang tawag ni Manang Martha sa kanya.
Nilingon niya ito ng tigmak ang luha. Nilagpasan niya ito.
Lakad takbo ang ginawa niya. Naririnig niyang patuloy siya nitong tinatawag.
~~//~~
"O, kumain ka muna," inilagay ni Lea ang juice at tinapay sa harapan ni Lalaine. Napatingin siya dito. Maga ang mata.
"Thank you po," mahinang usal niya.
"Ano ba ang nangyari sa iyo at ang aga aga mong nagawi dito?" buti na lang at wala siyang lakad ngayon ng tumawag ito. Alam niyang may mabigat na dalahin ito sa dibdib.
Uminom muna ito ng juice at tumingin sa kanya.
"Tita....Bu...."
"Oi! Naligaw ka?" boses ni Benjie. Sabay silang napalingon dito.
Naka shorts na pang basketball. Pilit itong nginitian ni Lalaine.
"Oo. Namiss kasi kita," tumayo siya at yumakap sa kaibigan. Pinipigilan niyang umiyak sa harap nito.
"Sus! Namimiss mo lang ako kapag nag-aaway kayo ng boyfriend mo," nahihimigan niya ang tampo sa boses nito.
"Hindi kaya! Hindi naman kami mag-kaaway,"tanggi niya.
"Oo na, sige na. Hindi kayo mag-kaaway. Pero namamaga ang mata mo," she saw concern in his eyes. Humakbang ito palapit sa ina at humalik sa pisngi. Ganoon din kay Lalaine.
"I'll leave the two of you here. Basketball muna ako," tinignan niya si Lalaine. "Alam ko namang si Mommy ang sadya mo eh. Sige na, usap kayo. Di ako nagtatampo," at kinindatan niya ang kaibigan bago tuluyang tumalikod.
"What really brought you here," napalingon siya sa tanong na iyon ni Lea.
"I'm pregnant, Tita," she saw the shock on her face. Natigilan ito.
"Anong sabi ng nobyo mo?" kapag dakay tanong nito.
Umiling siya.
"Di pa po niya alam. Nag-away kami kanina eh," ikinuwento niya ang nangyari.
"Kayo pa lang po ang sinabihan ko," napatungo siya. "I want to tell Benj...."
"Don't!" putol niya sa sasabihin pa nito.Napatingin siya sa mukha ng matanda.
"Tita?" nagtataka siya sa inaakto nito.
"Don't tell Benj. We will tell him in due time. Sa ngayon, atin muna ito. Ihahanda ko lang siya. Ako na din muna ang magsasabi sa Tito Fred mo," hinawakan nito ang kamay niya. Nagsusumamo.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango.
"Alam mo ang pinagdaanan ni Benj. Hindi birong dasal ang ginawa nating lahat para umayos ulit ang buhay niya. Giving this news to him, I'm afraid, bumalik siya sa dating gawi," bakas ang takot sa mukha nito.
Ngumiti siya ng pilit. Although gustong gusto niyang sabihin iyon sa kaibigan, hindi niya pwedeng suwayin si Lea.
"Kapag nakaakyat na siya sa barko ulit, I'll tell his father. At least, kasama sya ni Benj sa mga oras na iyon. At least, mababantayan niya ang anak ko," nag-iisa lang kasi si Benj. Nalulong ito sa bisyo. Halos hindi umuuwi. Halos dalhin na nila iyon sa rehab.
Hindi lingid iyon sa kaalaman ni Aine. Sobrang dasal ang ginawa niya noon. Hiniling niya na ibalik lang sa kanila si Benj ulit, hindi na niya ipipilit dito ang nararamdaman.
"Although hindi ko po maintindihan ang dahilan kung bakit natin itatago ito sa kanya, makakaasa po kayo na wala siyang malalaman," she smiled.
"Just stay stong hija. Sabihin mo sa family mo, sila ang higit na makakatulong sa iyo.
Niyakap siya nito. Gusto na naman niyang umiyak.