Prologue

270 Words
"Dude, we found them," at inilagay ni Carlo ang file sa ibabaw ng lamesa niya. Tinignan niya kaibigan na naupo sa harapan ng lamesa niya. Ipinatong nito ang isang blue folder. Kinuha niya iyon at binasa. Napasandal siya sa swivel chair habang hawak hawak ang larawan ng dalawang taong matagal na matagal na niyang hinahanap. Tinitigan nya ang babaeng nakangiti sa larawan habang naka-angkla sa braso ng isang binatilyo. "After my long search, I found you. This time, I will not let you go," tumayo siya mula sa kinauupuan at tumanaw mula sa glass window nya na tanaw ang buong siyudad ng Chicago. "Anong balak mo ngayon Iñigo? She's happily married to that Villaluz guy," paalala ni Carlo sa kanya. Liningon nya ang kaibigan at nginitian ito.  "I'm Iñigo Marcus De Luca. She was mine before. And she's still mine up to this moment," and he smirked. "She WAS yours," diniin pa talaga ni Carlo ang "was". "Ang daming babae dyan na naghahabol sa iyo, bakit pa sa isang babaeng taken na at may tatlong anak." "I'll take her and Gwain. Yung kambal, kay Villaluz." "You'll take her by force? That is not you Iñigo!" napatingin siya kay Carlo na napapailing. "You know me, Carlo. Hindi ako ganoon. Ang daming babae eh. They all come and go. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon, siya at siya pa rin." Tinignan nya ulit ang larawan ng nakangiting mag-ina. "You'll gonna be mine again Lalaine. You and Gwain. This time, I will make everything right," mahinang sambit niya. Saglit na dumaan sa mata niya ang sakit.  Sakit na gawa ng nakaraan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD