"Oi Lai. You will miss half of your life kapag hindi ka nanood ng basketball today," sabi sa kanya ni Mhalen habang nakikibasa ng hawak niyang pocketbook.
"Eh ano naman ang makikita ko doon? Buti sana kung sina Alvin Patrimonio yan, manood pa ako," inirapan ko siya at iniiwas ang binabasa kong libro.
"Sige na naman Lai. Ang corny corny mo talaga! Pinayagan na nga tayong manood ni Dean eh," si Quel. Ang sinasabi tinutukoy na Dean ng kaklase ay ang Dean ng department nila. Nagpaalam naman sila, ganun din sa iba pang professor na mabuti ay pinayagan naman sila. Dalawa lang naman talaga ang klase nila kapag Sabado na tingin nila ay tinatamad magturo kaya pumayag na walang klase.
Napanguso siya. Eh hindi lang naman kasi sina Mhalen at Quel ang nangungulit sa kanya kundi buong barkada. Hindi nga naman sila sila buo kung hindi siya sasama.
Para tantanan na siya ng mga kaklase ay pumayag na siya at hindi niya akalain na sobrang ingay pala sa court na iyon kung saan naglalaro ang Ateneo University at ang P.U.P. kung saan siya nag-aaral.
"Aaaayyyy! Ang gwapo talaga!" halos maalog ang utak nya dahil sa kaliwa, si Cha ang umaalog sa balikat niya. Sa kanan naman, si Mhalen na parehong malalaking babae. Para tuloy siyang stuff toy na inaalog alog at niyayakap kapag nakaka-shoot ang crush nila eh ang liit at payat pa naman niya!
Sino ikamo yung tinitilian ng mga kaklase niya?
Well, yung number 23 lang naman ng Ateneo! Take note ha! Taga Ateneo at hindi taga-PUP!
"Ano ba!" sabay hataw niya ng malakas sa sa dalawa. Talagang nanggigigil na siya dahil sumasakit na ang braso sa ginagawa ginagawa ng mga ito.
"Ang kj mo talaga! Wala kang ka-trill trill!" sinimangutan siya ni Cha.
"Eh kung bubugbugin nyo lang naman ako, sana di na ako sumama!" inirapan naman niya ito.
"Oi Tian, palit tayo ng pwesto!" tawag niya sa lalaking kabarkada na naka akbay sa girlfriend nyang si Quel.
"Ayoko nga! Si Boyet na lang!" Itinulak nito ang binanggit sa pwesto niya. Dahil likas na mabait, nakipagpalit naman sa kanya.
"Go Go Go Rios!" apelyido ng taga PUP na naka shoot. Syempre, dun siya magchi-cheer no!
"Boo!" sabay hagalpakan ng mga bruha niyang kaibigan. Inirapan niya ang pang-aalaska ng mga ito
Isang malakas na pito ang narinig nila for the half time break. Mga nagreklamuhan na sumakit ang lalamunan dahil sa kakasigaw.
"Who wants to go in the washroom with me," itinaas pa niya ang kanang kamay.
Umiling iling sila. Mga hindi nakakaramdam ng ihi. Nagsisimula na silang kumain ng mga biniling food sa nagiikot sa buong arena.
Bawal ang outside food at isa un sa dahilan kaya ayaw nya sanang sumama dahil limitado lang naman ang dala niyang pera eh halos doble pa naman ang presyo.
Naglakad na siya at hinanap ang c.r. na pang babae. Haplos haplos pa rin niya ang mga braso na kinukurot-kurot ng dalawang kaibigan kanina. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa niya. Abala siya sa pagkuha niyon ng bigla siyang mabundol sa isang matigas na bagay.
Parang slowmo lang...
Yung nanlalaki ang mata niya dahil sa kaalamang babagsak sya sa semento...
Yung wala siyang makapitan dahil dingding ang katabi niya.
Goodness! Kahihiyan ang mararanasan niya sa araw na iyon!
Ipinikit niya nang madiin ang mga mata at inantay na lang ang pag-bagsak niya.
Ngunit hindi iyong nangyari dahil may naramdaman siyang mga braso na sumalo sa kanya.
Para siyang tanga na nakanganga dahil na-starstruck sya dito. Ung tipong naumid ang dila niya at parang masusuka dail sa nerbiyos.
Paano ba namang hindi eh sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Nuknukan ba naman kasi ng gwapo!
Gray ang mata nito. At dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoon ang kulay ng mata, hinawakan niya ang mukha nito.
Naramdaman niya ang paninigas ng lalaki dahil sa ginawa niya.
"Aahhh, sorry," agad niyang binawi ang kamay na humawak sa mukha nito.
Tuluyan na siya nitong itinayo. Hanggang balikat lang pala siya!
"It's nothing. Actually, I'm the one who need to say that to you. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh," and he smiled.
'Shemay! Ang gwapo!!!! Feeling ko, hihimatayin na ako! Ngayon lang ako nakakita ng tunay na gwapo na hindi artista. At kinakausap ako.'
Kulang na lang mamilipit siya sa kinatatayuan. Lalo tuloy siyang nakaramdaman na naiihi.
"Iñigo, what took you so long!" may tumapik sa lalaki. Gwapo din in fairness! Pero mas gwapo si Iñigo.
"Kaya naman pala, somebody caught your attention. I'm Gil by the way," he offered his hand to her and she accepted it.
"Dude, kanina ka pa hinahanap ni Coach," sabi ni Gil kay Iñigo na di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan.
"I didn't get your name?" binalingan ulit siya ni Gil.
"Lai." ngumiti siya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi.
"Okay Lai, kung hindi pa kayo nagkakakilala, Lai, this is Iñigo. Iñigo, this is Lai," hinawakan niya pareho ang pulso ng dalawa upang makapag-shake hands.
"Dude, kailangan na nating bumalik sa dug out natin," tinapik nya ulit si Iñigo sa balikat.
"Yah, I heard you. You don't need to tell me twice. Ang ingay mo talaga!" Inirapan nitp si Gil.
'Ay bading yata si pogi! Umiirap talaga?!'
"We have to go Lai. Nice meeting you," ngumiti ito sa kanya kaya feeling niya ay para siyang ice cream na matutunaw.
Kumaway pa siya bago tuluyang tumalikod kasama si Gil. Malayo layo na ang mga ito ay nakatanaw pa rin siya ngunit biglang bumalik si Gil.
"Lai, can I get your number?" ang ganda ng cellphone nito. De-slide! Samantalang sa kanya, pangkaskas ng yelo.
Wala ng isip isip na sinabi niya ang phone number at ng tumalikod ito ay tska niya napagtanto ang ginawa.
"G-Gil!" tawag niya. Ilang beses kong inulit pero hindi na siya narinig dahil humalo na ang dalawa sa karamihan ng tao.
"Gaga! Tanga! Istupida! Bakit mo ibinigay!!!" sabay kaltok sa sarili.
Eh gawain ba ng matinong virgin...take note ha, VIRGIN... na ibigay ang phone number sa taong kakakilala mo pa lang?!
Natigilan siya ng mapansin na napapatingin sa kanya ang mga dumadaan. Ang ibang babae, ang sama ng tingin sa kanya. Inirapan niya ang mga ito nga at naghanap na siya ng C.R. para magbawas.
Sa haba ng pila, nagsisimula na pala ang third quarter ng makabalik siya sa pwesto nila. Yung kilig ko na gusto kong i-share sa kanila, hindi na nangyari.
Nakikitili siya dahil hawak ng team nila ang bola. Biglang naagaw ni 23 at ayun, pasok na naman sa banga!
"Iñigo De Luca, Three Points!" sabi ng announcer.
Napakunot siya ng noo.
"Ano daw ang pangalan nung 23?" tanong niya kay Jen.
"Iñigo. Iñigo De Luca," tapos ay nagtitili na may patalon talon pa.
Bumagsak naman ang panga niya!
Si 23 at si Gray eyes ay Iisa!
Napatingin siya dito. Nag-flying kiss ang binata sa bandang pwesto nila
Lalong nagtilian ang mga babae.
Sya naman ay nag-blush ang mukha dahil feeling niya ay para sa kanya iyon.
BWAHAHAH!