Anya POV "Ayan pa, Mr. Monterio. Buhatin mo yan!" Napabalikwas ng bangon si Anya sa kaniyang hinihigaan. Napakaingay kasi ng kaniyang Pappi sa labas ng kanilang bahay. Sakto pa na nasa tapat ito ng kaniyang bintana. Nang silipin niya iyon ay bumungad kaagad sa kaniya ang napaka gwapong mukha ni Andrius Monterio. Ngunit mas nagulat siya ng makitang buhat-buhat nito ang kanilang paso. Nakahubad ang binata na tanging jogging pants lang ang suot. Naghihimutok ang perpekto nitong katawan at ang mga pandesal nito sa katawan. Nakakapanglaway. Isinirado niya ang bibig na hindi na niya napansing nakaawang pala. Nang suyurin ng kaniyang paningin ang paligid ay hindi nga siya nagkamali. Nakukumpulan ang kanilang mga kapitbahay sa labas ng kanilang gate. Habang ang iba naman ay panay picture ng

