Anya POV "Miss Anya. Na-install na po namin lahat ng kailangan para sa Annual Ball. Pati po sound system at interior ng buong Monterio Hall ay ayos na po. Two days work time and we're finally done, Miss." imporma sa kaniya ng HR head. Binalingan niya ito at tinanguan. Masyado siyang abala ngayong isang linggo na lamang ay Annual Ball na ng Monterio Empire. Kasalukuyan nga siyang nasa Monterio Hall para tingnan mismo ang trabaho ng team. Nasa kalahati pa lamang ito sa interior decorating and furnishing ngunit nagandahan na kaagad siya sa kinalabasan niyon. "Noted, Ms. Flores. I will inform the CEO, ASAP. Anyway, good job to your team." sagot niya dito. Inilahad niya ang kamay sa babae at nginitian ito. Tinanggap naman kaagad ang pakikipag kamay niya at ngumiti din ito sa kaniya. Mag

