Kabanata 3

1741 Words
"Ay! Putang*na..." "What?!" naiinis na baling sa kaniya nang kaniyang boss. Magkatapat lang kasi sila ng mesa kaya lahat nang galaw niya ay nakikita nito. Maging lahat din nang ginagawa nito ay alam niya. She's been working in Monterio Empire for few weeks now at sobrang dami na nang ginagawa niya at gagawin pa. Napapamura na lamang siya sa isip kapag nakikita ang tambak na papel sa kaniyang mesa. Mukhang matagal na kasing walang sekretarya ang boss niya kaya ganoon na lamang kadami ang kaniyang gagawin. Gusto sana niyang magreklamo dito ngunit naalala niyang unang job experience niya ito kaya siguro nag-aadjust pa siya. "Sir, bakit po nandito ang mesa ko sa loob ng office niyo? Pwede bang sa labas na lamang po ilagay ito?" tanong niya dito kapagkuwan. Ibinaba niya pa ang kaniyang thick eyeglasses sa may bandang ilong para mabistahan itong mabuti. Iniwan naman nito ang ginagawa at binalingan siya nang tingin. Tinaasan pa siya nito ng kilay sabay iling. "Tssk! You're under monitoring. You better stay here inside my office and stay with me," Siya naman ngayon ang napataas ang kilay. Kung anu-ano kasi ang sinasabi nitong rules. Ang buong akala niya tapos na siya sa mga batas-batas na 'yan ngunit, itong boss niya yata ang leader sa paggawa nang batas. "Do I need to? Wala na man pong tatanggaping sekretarya niyo maliban sa akin," sagot naman niya dito. Diniin niya pa ang salitang akin dahil totoo naman iyon. Andrius Monterio is a gorgeous and hot C.E.O and very successful at the age of thirty. Kaya naman maraming nag-aapply na maging sekretarya nito ngunit, hindi nakapasa sa HR. Mga aplikanteng ang habol lang ay ang "makatrabaho" ang kaniyang boss. Pleasure with work, 'ika nga. She then, understand the receptionist remarks on her, when she applied for the job. She's perfect beacuse the woman knows she's not the kind of girl Mr. Monterio wants in his bed. Ang mga babaeng tipo nito ay mala-model sa ganda at tindig. While, she's an eye sore. Napangiwi siya sa naisip. Hinding-hindi din naman siya magpapabola sa boss niya kahit ganoon na lang ang kaniyang hitsura. Papanindigan na niya ang pagiging "dalagang pilipina". "Okay, fine!" pagsang-ayon ng kaniyang boss. "But, don't let Montreal to be near you," pahabol pa nito at binalingan muli ang ginagawa. Napakunot ang noo niya sa huling tinuran nito. Hindi niya kasi alam kung papaano niya iyon gagawin. Attorney Montreal is her boss legal adviser. Palagi itong naroon kapag may kailangan sa boss niya. Nagtataka nga siya sa mga ito kung bakit laging nagtatalo ang mga ito, where in fact they had businesses with each other. "Hey! Anya," Speaking of the devil. Attorney Montreal entered the room and walked straight to her. Hindi man lang nito alintana ang presensya ng boss niya na kunot ang noo habang pinagmamasdan sila. Anya remained setted while Kraius Montreal was leaning on her table, smiling like an idiot. Titig na titig ito sa kaniya na para bang siya lamang ang nakikita nito. Namumungay ang mga mata at halatang nagpapa-cute. "What?" Nakataas ang kilay niya. Naiirita kasi siya sa presensya nito nang malaman niyang isa rin itong presko. Nakita din niyang napangisi ang boss niya na kanina pa nakatingin sa kanila. "Ouch!" sabi nito at madramang hinawakan ang bandang dibdib nito. "Why are you keep on hurting me, Anya?" dagdag pa nito. "Hey! Easy Montreal," wika ng kaniyang boss. "My secretary isn't like that, so back off!" Nagulat siya sa sinabing iyon ng kaniyang boss. May tinatago din pala itong konteng bait para magsalita nang ganoon para sa kaniya. Napayuko siya at itinuon na lamang ang atensyon sa ginagawa. "Why bro? Do you like Anya for yourself?" She got apalled on Kraius remarks. Tumayo siya at pinameywangan ang dalawa na parehong magkalapit na pala sa isa't-isa. Parehong pinapainit ng mga ito ang ulo niya dahil sa walang kwentang pinag-uusapan ng mga ito. "Excuse me! With all due respect. Nagtatrabaho ako dito nang maayos. Huwag nga kayong disturbo. Manahimik kayo! At saka, hindi ko kayo type!" inis niyang turan sa mga ito. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo at sinalansan ang mga papel na kanina niya pa ginagawa. Nang mapansing natahimik ang dalawa ay tiningnan niya ang mga ito. Mas lalo lang tumaas ang kilay niya nang makitang parehong nagpipigil ng tawa ang mga ito sa kaniyang harapan. "Never thought... You had that side of yours, Anya. Mas lalo kitang nagustuhan," Nakangising sabi sa kaniya ni Kraius sabay kindat. Napailing siya at binalingan ng tingin ang kaniyang boss. Napailing lang din ito at saka bumalik na sa mesa nito. "Don't talk to Anya like that, Montreal. She may take you seriously," wika nito, kapagkuwan. Napasimangot siya dahil doon. Akala siguro nito ay madadaan siya nang mga ito sa paglalandi. Totoong walang tulak kabigin sa kagwapuhan ang dalawa. Matatangos na ilong at pangahang mukha. Well built body at tanned skin. Kraius has browned eyes while her boss has blue eyes. Halatang may dugong banyaga ang mga ito at mayayaman. But, she's not interested at all. She knew better. She already buried her heart a long time ago. She will never believe in any man again, because boys were the same. Just like her first love. Yes. She had a first love. She's not as morbid as what her bestfriend says. But, there are things in life that she needs to keep private. Things that she already forget about a long time ago. "Are you okay, Anya?" Nagulat siya nang lapitan siya ni Kraius sabay kuha sana sa kaniyang salamin ngunit, napigilan niya ito. Hindi na kasi niya namalayang may mumunting luha na sa kaniyang pisngi. She knew, she's still hurting. Kaya ayaw na niya sanang pag-usapan pa ang mga lalaki. Lalong-lalo na ang pagkakaroon nang interes sa kaniya. But, they triggered her and made her heart felt the pain, again. "I'm fine! Napuweng lang ako." pagsisinungaling niya dito. Inangat niya ang kaniyang eyeglasses at nagpunas ng luha. She wipe her cheeks and blinked many times to compose herself. Nakita pa niyang titig na titig ang boss niya sa kaniya mula sa mesa nito. "You got it bad, Andrius. Keep your mouth shut, if you have nothing good to say!" baling naman ni Kraius sa kaniyang boss. Nilapitan pa nito ang huli at tinitigan. "Why'd you care Anya, so much Kraius? Are you serious about her?" "Yes!" walang ka abug-abog na pag-amin nito. "Tssk!" narinig pa niyang bulong ng kaniyang boss. Anya was just listening to the both of them. Masyado nang okupado ang isip niya para pansinin pa ang pagtatalo ng mga ito. Hindi rin naman nagtagal ay umalis din si Kraius. Kinulit lang siya nito na makipag-date siya dito. Maayos naman niya itong tinanggihan. Ang totoo, hindi talaga siya interesado dito. Nangangalahati na siya sa kaniyang ginagawa nang mapansing parang may nakatitig sa kaniya. Nang mag-angat siya nang tingin ay sumalubong kaagad sa kaniya ang kulay asul nitong mga mata. The blue-eyed devil in the corporate world was looking at her intently. She doesn't know why she felt uncomfortable by his gaze. It seemed, his eyes is looking at her soul too. Tumikhim siya para mawala ang ilang na nadarama. Her boss blinked and looked disheveled by his own act too. Napailing pa ito habang hindi malaman kung ibubuka ang bibig o hindi. "Bakit boss?" tanong niya dito. "Nothing. I just want to ask if you want to eat anything?" sabi nito sabay tingin sa wristwatch nito. Maging siya ay napatingin din sa kaniyang relo. Ala-una na pala nang hapon. Ni hindi man lamang niya namalayan ang oras sa sobrang tutok sa trabaho. Maging ang gutom ay hindi niya na rin alintana. "May baon po ako. Hindi naman ako mayaman para mag-order nang pagkain," sagot niya ng may diin. Tiningnan niya muli ang kaniyang boss at mukhang wala yata itong balak na lubayan siya nang tingin. Napabuntong-hininga pa ito pagkatapos at iiling-iling. "Can you share it with me?" "Huh?!" Tumaas ang kilay niya. Hindi niya makuha ang trip ngayon ni Mr. Monterio. Noong nakaraan lang nagtatalo pa sila sa pagbuhat nito na parang sako sa kaniya. "I said, I want to eat your food. Give me some Anya," sabi nito nang nakayuko. "Hindi ko makuha ang trip mo boss. Noong nakaraan, todo iwas ka sa akin matapos mo akong ihatid. Yung totoo, may mood swing ka ba palagi?" tanong niya dito. Malakas ang loob niyang tarayan ang boss dahil alam niyang hindi siya nito papatulan. Hindi rin siya nito basta-basta tatanggalin dahil si Mrs. Alonzo ang makakalaban nito. She sighed. Tumayo din siya at kinuha ang bag. Binuksan niya iyon at kinuha ang baon. Dahan-dahan siyang naglakad sa mesa ng kaniyang boss habang bitbit ang pagkain sa loob ng plastic container. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang Pappi dahil marami ang pinadala nitong baon sa kaniya. Habang naglalakad siya palapit sa boss niya ay hindi niya mapigilang titigan din ito. Titig na titig din kasi ito sa kaniya habang napapalunok. Gusto niyang mainis sa reaksyon nito ngunit, hinayaan niya na lamang. Umupo siya sa katapat na upuan nito at binuksan ang baon. "Kapag ikaw, hindi kumakain nito. Lagot ka sa akin," sabi niya sabay abot ng kutsara dito. Pinandilatan pa niya ito para mas effective ang pagtataray niya. Napangiti ang boss niya. Isang ngiti na ngayon niya lang nakita mula dito kaya nabigla siya. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Imbes na mainis siya dito ay iba ang naging epekto nito sa kaniya. Kinutusan niya ang sarili. Kung anu-ano na naman ang naiisip niya. Tatayo na sana siya para kumuha ng plastic spoon nang pigilan siya nito. Andrius was holding her hand. He tightened his grip and made her back to her sit. "Eat!" sabi nito sabay lahad ng kutsara na may lamang kanin at ulam. Napakurap-kurap siya bago naproseso ang lahat. Biglang nag-loading ang lahat sa kaniya. Her boss is spoon feeding her. The same spoon that he used while eating. "Are you, crazy? That's indirect kiss!" She's exaggerating but Andrius doesn't mind at all. "So?" sabi pa nito. Nakataas ang kilay at nakangisi sa kaniya. She blinked again. This time she's not nervous about the indirect kiss, but the fact that her heart is thrumping like crazy. She got it bad. 'Putang*ina nga!' @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD