Kabanata 4

1762 Words
Naalimpungatan siya galing sa mahimbing na pagkakatulog nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Kinapa niya ito sa kaniyang ulunan upang tingnan kung sino ang pangahas na tumawag sa kaniya. "H-Hello?" "Bruha!" Nilayo niya kaagad ang cellphone sa tapat ng kaniyang tainga. Kung kanina ay hilong-talilong pa siya ngayon ay gising na gising na ang diwa niya. "Ano?!" sagot niya dito matapos makahuma. Kumunot ang noo niya na para bang nakikita siya nito. Hinilot niya pa ang kaniyang noo dahil sa tingin niya ay sasakit ang kaniyang ulo bigla. "Anya, pwede bang magpasama sa'yo sa mall? Gala naman tayo!" excited nitong sabi sa kabilang linya. Tumaas ang kilay niya sa tinuran nito. Nadisturbo ang tulog niya para lang sa malling. Ngayon na nga lang siya nakapagpahinga mula sa tambak na trabaho ngunit, mukhang mapupurnada pa. "Tumawag ka dahil lang doon? Naku! naman, Carla! Magpasama ka nga sa mga boylet mo. Gusto kong magpahinga!" yamot niyang saad. Tumawa naman ito sa kabilang linya na lalong nagpainis sa kaniya. Napaka-insensitive talaga nito kung minsan. Nagtataka tuloy siya kung bakit hanggang ngayon, magkaibigan pa rin sila. "Look! Anya, minsan lang naman ito. Sulitin muna natin ang G.C.Q, Please..." sabi pa nito na halatang nagpapaawa lang sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. Mukhang wala narin naman siyang pagpipilian kaya sumang-ayon na lamang siya dito. "Tssk, Fine!" sagot niya at pinutol ang tawag nito. Mabilis siyang bumangon at nag-unat muna nang konte bago napagpasyahang maligo. Pakanta-kanta pa siya na parang hindi nasira ang umaga niya kanina. Habang nag-aayos ng sarili ay pumasok ang Pappi niya sa loob ng kaniyang kwarto. "May naghahanap sa'yo sa baba," bungad kaagad nito habang tinititigan siya nang mariin. "Sino naman, Pappi?" "Aba! Puntahan mo!" mataray nitong sabi sa kaniya at umalis agad. Nagtataka man ay mabilis niyang tinapos ang pag-aayos. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang balikat na buhok habang floral dress naman ang kaniyang suot. Isinuot niya rin ang kaniyang salamin. Tinitigan niya muna ang sarili sa full body sized mirror niya bago lumabas. "Pappi, sino ba kas- " Natigil ang lahat nang sasabihin niya nang bumungad sa kaniya ang kaniyang boss. Prente itong nakaupo sa couch ng kanilang sala. Ngising-ngisi ito habang ang mga mata ay nakatitig sa kaniya. Cargo shorts at isang puting t-shirt lang ang suot nito taliwas kapag nasa opisina ito. Napansin niya rin ang tattoo nito sa may braso. Napamura siya. Kung anu-ano na namang kahalayan ang naiisip niya. "Hey," "Oh! Ito Sir, magkape ka muna," Pagkatapos maibigay ng kaniyang Pappi ang kape kay Andrius ay siya naman ang binalingan nito. Pinagtaasan siya nito ng kilay sabay kurot sa kaniyang tagiliran. "Hoy! Natulala ka na d'yan!" She blinked many times to be sure that her eyes did not played on her. Nang makahuma sa pagkabigla ay kaagad ang pagsimangot ng kaniyang mukha. She thought her bestfriend ruined her morning, ngunit may mas sisira pa pala ng araw niya. "Ano naman pong ginagawa niyo dito? Walang pasok ngayon!" "Hoy! Anya... Mahiya ka naman," eksaheradong wika ng kaniyang Pappi. Pinandilatan pa siya nito sabay kurot muli sa kaniyang tagiliran. Napangiwi siya dahil doon. "Is there any problem?" 'Insensitive!' hiyaw ng mahadera niyang utak. She wants to roll her eyes on him but, she forbid herself from doing it. Instead, she walked closely to her boss and sit infront of him. She calmed herself and looked at him, intently. "Ano pong ginagawa niyo dito? Wala pong pasok ngayon, Sir!" Napangisi siya sa isip nang makitang napangiwi ito sa kaniyang sinabi. Pumornal din ang hitsura nito habang hindi mapirmi ang mga mata. She emphasized the word po para inisin ito. "Tssk, Fine! I just want to ask if you could come with me," Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito ngunit, hindi siya nagpahalata. Kakaiba talaga ang trip ng boss niya. He want her to decline Montreal tapos ito pala ang mag-aaya sa kaniya. So weird. "Hindi pwede! May pupuntahan ako," sagot niya kaagad. Ibinaba niya pa nang bahagya ang kaniyang salamin para tingnan ito ng pailalim. Nang hindi man lamang siya natinag ay napabuntong-hininga na lamang ito sabay tayo. Nagpaalam muna ito sa kaniyang Pappi bago umalis. Ni hindi man lang siya tiningnan nito. Napabuntong-hininga siya, pagkatapos. She had to restrict herself to be close to any man. Ayaw na niyang masaktan at umasa. Napagtanto niya kasing boys will always be boys. Papakiligin ka, and that's it. "Anong drama 'yon? Ba't mo tinanggihan? Echosera kang bata ka! Haba ng hair? Feeling maganda?" sabi ng kaniyang Pappi sabay upo sa bakanteng silya. Pinandilatan pa siya nito sabay pinameywangan. "May lakad ako Pappi kasama si Carla. At saka, kanino ka ba panig Pappi? Ba't parang kanina ka pa inis sa akin?" "Yung mukhang 'yon! Nireject mo, Anya? Ke-gwapo. Maganda din ang katawan. Tiyak good performance 'yon sa kama," sabi pa nito sabay on sa t.v nila. As usual, K-drama na naman ang pinapanood nito. "Pappi ang bastos mo. Virgin pa po ako!" Pairap na wika niya dito. "Dapat lang! Dahil ang mga babaeng katulad mo, katulad din ni Mr. Monterio ang dapat bumiyak!" sabi nito sabay tawa. Napailing na lamang siya sabay labas ng kanilang bahay. Nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay bumungad kaagad sa kaniya ang maraming missed call ng kaibigan. Kanina pa pala ito sa mall na kanilang tagpuan at halatang inis na ito. 'Blame it to Andrius' sabat ng mahadera niyang utak. Habang lulan ng taxi at suot ang facemask ay napaisip siya sa mga inaakto ng kaniyang boss. Naninibago kasi siya dito. Bukod sa plain business lang naman ang obligasyon niya dito ay hindi parin niya maiwasang mag-isip nang kung anu-anong bagay. She knew, Andrius is a manwhore. She has to distance herself from him. Agad niyang hinanap ang kaibigan pagkarating sa mall. Iilan lamang ang tao kaya mabilis niya itong nakita. Agad niya itong nilapitan sabay ngiti dito habang papalapit. "Sorry, late ako." "Jusko! naman, Anya. Akala ko puputi na ang buhok ko sa'yo kakahintay," reklamo nito at sumimangot sa kaniya. Hindi na niya ito pinansin at marahang naupo sa katapat nitong silya. "Sorry," Kumain muna sila bago nagsimulang maglibot sa mall. Kung saan-saang stall ng damit ang pinupuntahan ng kaibigan. Wala itong pakialam sa gagastusin nito. Bukod sa mayaman ay maganda din ito. Maldita minsan pero mabait naman. Kahit naiinip ay hinayaan niya ang kaibigan sa gusto nitong puntahan. Nakasunod lamang siya dito at tatango kung tatanungin. "Anya, maganda ba mga 'to? Bagay ba ang kulay sa akin? What do you think?" "Ayos naman. Isukat mo na, bilis!" walang ka buhay-buhay niyang tugon. Pumasok ito sa dressing room at nagsukat. Habang siya naman ay naupo na sa may gilid ng store. May bakanteng silya doon na pwedeng pagpahingahan. Anya was bored and tired when someone entered the premises. It's not actually someone because she exactly knew who it was. Napasimangot siya at biglang may nalasahang pait sa kaniyang pagkatao. She felt betrayed and disappointed at the same time. Andrius Monterio was holding a woman's hand. Masaya pa itong nakikipag-usap dito. In her own point of view, mukhang namamasyal din ang dalawa. Maybe, Andrius was pampering her woman too. "Tssk! May pa-invite-invite pa siya sa akin. Napaka talaga..." bulong niya habang nakatanaw sa mga ito. "Honey, can I just check these clothes? Gonna go to the dressing room, 'kay?" sabi ng babae sabay halik kay Andrius sa labi. Biglang nag-init ang bumbunan niya sa nakita. Nanlaki din ang kaniyang mga mata nang hindi lang basta halik ang pinagsaluhan ng mga ito. They were french kissing each other. Nang magsawa ang dalawa ay saka pa lang naghiwalay ang mga ito. She looked at Andrius intently. Pakiramdam niya ay sumakit ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Nang siguro'y naramdaman nitong may nakatitig dito ay lumingon ito sa gawi niya. She abruptly hide herself in the pile of hanged clothes. Nang silipin niya ito ay wala na ito roon. She sighed on relief but, when she turned her back to start walking, ganoon na lang ang pagkagulat niya. "Gotcha!" Andrius Monterio is smirking like an idiot at her back. In one swift move, he is holding her waist. Lumapit ito sa kaniya na tila ba hahalikan siya habang, siya naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang ulo dahil sa posisyon nila. "W-What are you doing?" she stuttered. "Nothing! Just want to feel you. Though, I want to kiss your bad mouth," sabi nito sabay titig sa kaniyang mga labi. Napalunok pa ito nang ilang beses bago napailing. Nainis siya sa sinabi nito kaya naman ay tinitigan niya ito. Mata sa mata. "You can't kiss me. You just french kiss, your girl!" mataray niyang wika dito. Tumaas naman ang kilay nito sabay ngisi. "So you saw it, huh. Well, not when I want to," "An-" He did. Andrius Monterio is kissing her. Her boss is kissing her lips. He kissed her lips like it was the sweetest candy he had ever tasted. Anya was shocked. She was caught off-guard. Nang matapos si Andrius sa paghalik sa kaniya ay dinilaan pa nito ang sariling labi. Ngising-ngisi ito habang siya naman ay nanlaki ang mga mata. "Bastos!" tanging nasabi na lamang niya dito. Pinakawalan siya nito at lumayo ng bahagya. Namumungay ang mga mata habang may nakakalokong ngiti sa labi. "I want to kiss you more, baby. But, not here," Andrius Monterio started walking out of the boutique. Hawak-hawak nito ang kaniyang kamay at wala na yatang balak na bitawan. Nakasunod siya dito dahil doon. Nilingon niya ang boutique at nakitang palinga-linga ang kaibigan niya sa loob. Glass wall iyon kaya nakikita niya ito mula sa labas. Malamang hinahanap na siya nito. Hindi nga siya nagkamali ng may tumawag sa kaniyang cellphone. Kahit nahihirapan ay sinagot niya ito. "Nasaan ka ba?! Bruha ka! Kanina pa kita hinahanap!" "Nasa lab-" "No phonecalls when you're with me," May diin nitong sabi habang titig na titig sa kaniya. Nasa labas na sila ng mall at naghihintay na lamang sa sasakyan nito. Napakurap siya dahil may nababanaag siyang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito habang titig na titig sa kaniya.Emosyon na ito lamang ang may kakayahang magpangalan. She sighed. Namalayan na lamang niya ang sariling tumatango dito. Siya, na nagsabing lalayo sa mga lalaki ay napapasunod ni Andrius nang ganito. She built a wall but it's useless, when it comes to her boss. Kinutusan niya ang sarili. She's literally f****d up. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD