CHAPTER 10

4310 Words
"I AM HERE, DADDY!" I waved my hand before I ran towards the old man. "Hija, I miss you so much!" niyakap ng mahigpit ni Daddyboo. "Me too, Daddy!" "Did you follow my rules? Hindi ka ba naging pasaway noong wala ako?" anito kaya natigilan sa mga tanong ng ama. Ano nga bang lagay ko habang wala si Daddy? I'm just very placid and nothing was new except the epic incident happened between me and Troy. 'I dunno'. Duh?' "Dad, you know how much I miss you thus, I should be the one asking you those queries. Ininom mo ba mga vitamins mo? Baka naman palagi kang nagpupuyat? By the way, how's Merica?" iniba ang usapan sapagkat malaki ang naging epekto ng mga naganap sa'min ng binata rason para ayoko nang maalala pa. "Well, I did a lot of paperwork though States is good in my health." putol ni Daddyboo. Matapos ang umaatikabong kumustahan ay inaya ko ang matandang umuwi sa mansiyon dahil paniguradong aatakehin ng jetlag ang ama. Maya-maya'y eksaktong nakarating sa bahay saka sinorpresa sa mga pinahandang putahe kay Manang Cely bago man lamang makapagpahinga ng maayos sa silid si Daddy. KASALUKUYANG nasa kuwarto habang malalim ang iniisip at kaninang-kanina pa pabiling-biling sa malawak na kama sapagkat hindi dalawin ng antok. Ilang beses na yatang nagre-replay sa utak ang mga pangyayaring naganap sa pagitan namin ni Troy subalit pinilit pumikit at umaasang makakatulog ng mahimbing. Talagang may sa unggoy si Honey boo dahil ang hilig maglambitin sa utak ko. 'Hanggang kailan ba aasa sa lalaking hindi ka gusto, Nana?' Nakatunganga sa kisame kahit dumating ang umaga tila paglubog pa rin ang naging katawagan ng buong diwa't higaan. Napaigtad na lamang nang tumunog ang alarm-clock hudyat na kailangang mag-asikaso upang pumasok sa eskwela. They need to invent some punch alarm clock cause' the laziness is halting me back to bed. 'Oh, please! f*****g help me!' "Senyoreta, giseng na po dahil tenatawag na kayo ni Don Eduardo kala oy umagahan na!" anas ni Inday sapagkat patuloy na pabalik-balik sa higaan at humihingi ng limang minuto kay Inday ngunit sa tagal nang nakahilata'y tuluyan ngang pumasok sa loob ang kasambahay upang abalahin o yugyugin. "Stop it, Inday! I feel so dizzy!" I groaned. "Senyoreta, aba'y natutulog lamang kayo busy na agad-agad?" "Gosh, Inday! It's dizzy, not busy. Duh?" Kalauna'y napilitan tuloy akong tumayo saka nag-ayos upang hindi sapilitang hatakin palayo sa kama ng aming napakabait na kasambahay kalauna'y sandali lamang kumain ng umagahan kasabay ni daddy bago nagpahatid sa XIA. * MAAGANG tumungo sa napag-usapang lugar upang makipagkita sa kababata. I wonder if how does she look right now? It's been a year tho' since we've last seen each other. Ilang sandaling lumapit ang dalaga subalit hindi masyadong napansin dahil nakapako ang mata sa mesa. I keep on tapping my fingers while waiting for her. "Chingkit?" tawag ng babae. "Coleen?" "How are you? It's been a long time! How many years again? Is it twelve or eight?" she frowned. Nagmamadaling lumapit ang dalaga kasabay ng mahigpit na yakap, bago umupo sa nakareserbang upuan sa harap. Malaki ang pinagbago ng kababata magmula sa batang payatot noon ay nagkaroon ng hubog ang kaniyang katawan at kung pagbabasehan ay ang mukha, malaki ang ipinagkaiba ng babae ngayon na kababakasan ng kakaibang ganda. 'But one thing she didn't change as the years went by, and that is how she still calls me by my pet name 'chingkit'.' * SUBONG WAGAS AT EKSAHERADANG KAGAT ang pumuno sa bibig upang maiwasan ang interogasyong nakaabang sa'kin. I'm eating my double burger then pretentiously acting an innocent lady whom wanted to love and just to be loved. Ganiyan ang eksena sa ngayon habang naghihintay ng tsismis ang aking butihing kaibigan. "What now, Jana? Can you end those kaartehan of yours, like hello?" she rolled her eyeballs. "Will you stop bugging at me, Sammy? I'm making some emote scene pa kaya. Like, duh?" sabi ko ngunit muling umirap ang babae. "It bothers me tho'. Puwede naman kasing mag-move on! Bakit kaya 'di mo gawin para hindi ka nagmumukhang zombie?" "What am I going to do if my lips were still bedazzled because of his bussed, duh?" natigilan sandali sapagkat hindi sinasadyang nadulas ang dila ukol sa mga nangyari noong isang araw. "Did you guys what?" napatili ng wala sa hulog si Samantha. 'It's me and my big mouth which was full of mustard and catsup. No way!' "Ah-uh-eh, ang ibig kong sabihin, uh a-ano kasi Samantha iyon tama, yon!" tumango-tango't nagbabasakaling makalusot. She suspiciously arched her one eyebrow which only means that Sammy didn't bite my alibis therefore, I have no reason to deny it. "Subukan mong magsinungaling kung ayaw mong palunukin kita ng lie detector, best!" Samantha warned me. Napabuntong-hininga muna bago sinimulang isalaysay ang namagitan sa'min ng binata matapos niyang ihatid sa mansiyon. "OMG! OMG! I can't breathe because of kilig to the both of you! Ang landi-landi mo, Jana Buenaventura-Xi!" tili ng babae kung kaya maagap na tinakpan ang bibig ng napaka-eskandalosang si Samantha Añorivas sapagkat hindi cafeteria ang tamang lugar para roon. "Shall we eat now, huh? Puwedeng ikalma mo 'yang pechay mo, Sammy?" saway sa kaibigan kahit natutukso nang tumili rin. "Can you demonstrate how? Gamitin mo 'yang burger kung paano ka hinalikan ni Troy para kapag kami na ni Lyndon hindi ako magmukhang inosente." she simply suggested. "What the heck? Kalokohan mo Samantha! We'd just kissed and that's all period." "Ang damot mo sa detalye, ha!" untag ng babae bago kumuha ng maliit na pack ng ketchup saka marahang sinipsip. 'She's kinda weird!' Di pinatulan ang kaibigan sa pamimilit niyang ipagpatuloy ang kuwento sapagkat malamang hindi namin magagawang pumasok sa susunod na klase. 'Ayokong kunsintihin si Sammy sapagkat isa na 'kong samaritano, char! Isang mabuting nilalang na naninirahan sa puso ni Chua.' Nanindigan ang bruha sa pangungulit hanggang sa makarating sa classroom at maging sa uwian. Ang kulit talaga ni Sam at ikaw naman Jana sana naging maingat ka! Ang isang konserbatibong Maria Clara'y nag-iingat mabunyag ang kaberdehan. 'No kiss and tell! Kakaririn ko talaga 'to alang-alang sa'king pinakamamahal na mapapangasawa!' (soonest hubby) PAGKAGALING SA XIA ay kaagad tinawag si Yaya Cita upang itanong kung nakauwi na'ng ama galing opisina. "Yaya Cita, I'm home. Yuho!" sigaw sa buong kabahayan. "Harujuskong nuno sa punso, santelmo, mambabarang, at aswang!" humahangos ang matandang lumapit sa kinapupuwestuhan kaya't natawa sa naging reaksyon ng matanda kung saan kababakasan ng nerbiyos. "Yaya, what kababalaghan are you saying? I just wanna ask if Dad already came home from work." "Nakauwi na si Don Eduardo at may bisita sa silid-aklatan." nakapameywang ang ginang. "Sinong bisita niya sa silid-aklatan tho'?" maarteng tanong dito. Gustung-gusto kong biruin ang tagapag-alaga dahil hindi siya madaling maka-gets kung tinitrip lamang o seryoso ang kausap. I can't control my cackle because of how she spoke about deep vernacular words. "Ikaw talagang bata ka inaasar mo na naman ako! Si Ser Troy at---" "Really, Yaya Cita?" "Ay! Oo si Sir Troy at---" "See you later, Yaya Cita. I love you!" pinaulanan ng flying kiss ang matanda saka nagmamadaling tumakbo papanhik sa hagdan upang makita si Honeyboo kahit pinababalik ni Yaya Cita subalit hindi na pinakinggan ang katiwala. 'I'm very much excited, like duh? Baka gusto niya 'kong makita pagkatapos magpapaalam siya kay Daddy upang kumain sa labas ng kami lamang dalawa? OMG!' Imbis pumunta sa library ay tumungo diretso sa sariling kuwarto, saka inilabas ang lahat ng magagarang damit sa wardrobe kapagkadaka'y nagsukat at humarap sa salamin upang mamasdan kung anong mas babagay na kasuotan sa isang Fine Dining Restaurant. 's**t! I can't breathe! Easy Jana, dapat mong ikalma ang sistema!' "I told you, Nana, he loves you like a love song baby!" I was merely talking to myself in front of the mirror. "Nana, are you free tonight? I asked your Dad to invite you for a dinner date," nagboses lalaki at 'di maiwasang magtatalun-talon sa harap ng salamin dahil sa mga imahinasyong maaring eksena sa pelikula. 'Alright, I'm so ready to face my future husband!' Nang makapagpalit ng mainam na damit ay masiglang tumungo sa tapat ng library saka walang alinlangang binuksan ang pinto kahit hindi kumakatok dahil sabik na sabik nang masilayan ang aking honeyboo . "I'm so ready to go Tro---Dad?" naumid ang dila. 'Hindi 'to maari! Bakit may kasama siyang babae? Anong kaahasang nagaganap sa'king pamamahay? Si Dad at Troy nag-aano' este nag-uusap ngunit may epal sa kabilang bahagi ng mesa. It's not Alyssa the silver lining eyebrow but the atribidang girl at the airport yesterday, if I'm not mistaken? Hindi ko dapat kalimutan ang pagmumukha ng babaeng tila magiging matinik na karibal sa puso ni Troy Chua!' Samantala, awtomatikong naningkit ang mata habang palapit sa'king ama ngunit mabilis pinasigla ang ekspresiyon. "Hija, may kailangan ka?" putol ni Daddy sa pagkatulala. "Uh, Daddy, kasi ano, may---" kumamot sa batok. "Come again, hija? Do we have some unforgotten schedule for bonding?" kababakasan ng pagtataka ang ama. 'Please, Dad! Don't add salt to my wound!' "Don't you remember what you had promised last week? K-kaya nga nagbihis ako pero hindi ko alam na may darating ka palang bisita." pagdadahilan sa ama upang hindi lamunin ng pagkapahiya sa sarili. "No, it's fine little baby. By the way, I want you to meet Coleen Samonte and she's your Kuya Troy's childhood sweetheart. She came from Los Angeles." Dad stated. 'Who cares? I'm still the bida. Duh?' "Nice bumped este meeting you, Miss Samonte!" Inilahad ang kamay sa harap ng dalaga na kaagad namang tinanggap ng bruha. "That's way too formal, you can call me Ate Coleen or just Coleen." she superficially uttered. Di maikakaila sa mukha ng babae ang likas na kaplastikan kaya hindi mabilang kung ilang beses tumikwas ang labi kahit nakangiti rason upang magkasabay na tumikhim ang dalawang lalaking kasama sa library, animo nakararamdam ng tensiyon sa pagitan namin ng babaeng orocan. "Are they look like a lovely couple in the future, Jana?" tukso ni Daddy sa dalawa. 'What the heck does my father saying? Ako lamang ang natatanging bagay kay Troy Chua at wala ng iba!] "Parang gusto kong pumatol sa biro niyo, Tito Eduard." pakikisakay ng babaitang ambisyosa. ]Resbakan ko kaya 'to sa kanto?] Sinabayan nang tawa ng dalawang lalaki ang mga sinabi ni Orocan na lalong nag-trigger sa nararadamang inis sa babaeng kaharap. "Huh? Parang hindi naman Daddy, parang mas mukha kaming bagay ni Kuya Troy," binuntutan ng halakhak upang hindi makahalata lalo ang amang half meant ang birong binitawan ngunit bahagyang natigilan ang tatlo kung saan nakalarawan ang pagkabigla. "What did you say, hija?" he frowned. "Daddy, I'm just joking, duh? Joke, joke, joke!" I awkwardly muttered but behind my mask? I want to kill this b***h in front of me. "I know little baby. I'm also joking around," lumapit ang ama saka medyo ginulo ang buhok na tila paslit. Si Daddyboo nakakainis! Baka lalong hindi mapansin ni Troy kung pati sariling ama ang tingin sa'kin ay isang batang palaging may topak. "Stop doing that to my hair, Daddy! I'm already a full-blown woman now." "But for me, you're still my one and only princess," "I should go Dad." pinaikot ang mata sa mga pinagsasabi ng ginoo. Bago umalis ay marahang tinapunan nang sulyap ang aking mapapangasawa...sana? Masakit man tanggapin subalit kitang-kita sa mga mata ni Troy ang labis na paghanga sa babaeng katabi nito. I could clearly see the evidence of sparkling motion in his eyes while thoroughly gazing upon that Orocan b***h. 'Nana, mukhang nawalan ka lalo ng espasyo sa puso ni Honeyboo. Bakit kung kailan may namumuong dadamdamin saka naman nauwi sa ginintuang ebak? We'd kissed each other like there was no tomorrow in that dusky times. Like, duh?' 'Ang daming panahon na puwedeng sumulpot sa eksena bakit sa panahon ko pa? Noong una, babaeng kilay tapos babaeng Orocan hanggang sa posibleng magustuhan din niya ang babaeng tsonggo! Kailan pa 'ko mauuso o makasisingit? The babaeng singit tho!' ILANG SANDALING lumabas ang mga nilalang sa silid-aklatan at base sa masusing pakikinig ay niyayaya ng ama ang dalawa upang makisalo sa hapunan. 'Wala bang pagkain sa kanila? Troy is fine if he desires to eat the whole stocks in our fridge but with that b***h? No f*****g way. Like, duh?' Anong magagawa ko kung si Daddy mismo ang nangunang mag-imbita upang dito sila lumamon at malamang hindi makatanggi ang mga ito sa ginoo. 'As if she has no option and like 'patay-gutom' with all stuffs and shits!' Matapos ang lahat ay kasalukuyang kasalo sa hapag si Troy at ang babaeng Orocan, ngunit ang pinakakasuklam-suklam na katotohanang magkatabi ang dalawa sa kabilang bahagi ng mesa rason upang ipakita ang pagkabanas sa pamamagitan ng pagdurog sa steak na inihanda ni Manang Cely kung saan nagmistulang matadero ng bakang luto. I abrasively used my pork knife which caused a ridiculous cacophony of brinks over my plate. 'Tinusok ko, nilunok ko and duh walang daplis!' "Do you have any problem with your steak, little baby?" Dad sounds concerned about me. "Nope, Daddy," "Kanina pa kawawa 'yang steak mo hija, aba'y kulang na lamang maging giniling sa pagiging pino." sita ng ama. "Dad, it's so easy for me to chew if it's refined." kaila ko saka bahagyang sumulyap sa kinauupuan ng binata kaya kitang-kita ang malalagkit niyang tingin...hindi sa'kin kundi sa babaeng katabi nito. 'Hindi 'to maaari!' hanggang sa naputol ang pagsesentimyento nang muling magsalita si Daddyboo ukol sa nalalapit na kaarawan. "Did you hear me, Jana?" "Come again, Daddy?" "What I had said was,why don't you invite Coleen?" masiglang panimula ng ama. "S-Saan po daddy? "On your upcoming debut, Nana." he stated. 'What the heck no f*****g way! Ganitong set-up pa nga lamang halos madurog na'ng puso ko? Lalo pa kaya siguro kung sa mismong kaarawan masaksihan kung paano sila langgamin sa lagkit ng tinginan? Baka ikamatay ko na?' "Uhm, y-yeah sure tho!" I softly said. "Wow you're turning eighteen?" this b***h was trying to sound interested in my whereabouts but she's not even a good actress, like duh? 'The boboness is oozing like her orocan attitude and why she keeps on asking about the obvious? May debutante bang twelve years old? No wonder why she came from L.A., not Los Angeles in a literal way, but stands for (L) ang' (A)lam!' "Yes. Hopefully you come and join me on my birthday."'...and I hope not!' "Of course. By the way, do you have your escort?" tanong nito. "I haven't decided yet if who but I'm about to ask my Dad's permission if can Kuya--" "Leave it empty until your birthday 'cause I have someone whom I highly recommend for that position." seryoso ang pagkakasabi ni Daddy. I asked my father who is the person he was talking about yet he didn't bother to mention any names that I am familiar with. "Just wait and see my big surprise on your birthday. Soon you will meet him," he mysteriously muttered. 'Naku, baka pakiusapan ni Daddy si Honeyboo na mag-dirty dance sa loob ng isang malaking cake. Then dad will going to give him inside my room privately. Kung mangyari ang mga bagay na 'yon baka maubusan ako ng pawis at dugo sa pagiging tulala sa kaniyang mala-adonis na katawan!' Maya-maya'y nagpaalam ang dalawa kay Daddy habang nakamasid lamang sa kanila. 'They have those killer smiles to each other, look so in love and worst? The feeling is mutual!' Hindi malaman kung paano haharap sa mundo kung patuloy silang makikita sa ganoong estado? Tipong maiisip pa lamang ay parang kakapusin nang hininga sa tiyak na nararamdaman ng dalawa para sa isa't-isa. KINAUMAGAHAN ay kabaligtaran nang aking nadaramang kalungkutan animo gabi ang araw at alipin ng kasawian. Tama na nga kadramahan dahil kailangang kumilos upang pumasok sapagkat marami pa palang takdang-araling nakaligtaan. 'Did I say assignment? I haven't finish any of my workbooks. Oh no, I'm doomed!' Nakarating sa eskwelahan na lutang ang aking pakiramdam sapagkat sa magdamag na tahimik ang paligid ay kabaligtaran ng aking diwang gising na gising. I couldn't erase and can't help but to wander his different expressions in Coleen's presence. 'Bakit kung kailan may namumuo na kaming samahang maganda saka naman sumulpot sa kung saang plastic factory ang babaeng 'yon?' 'Di maiwasang ibunton sa ibang bagay ang pagkabigong nararamdaman tulad ng mga damo sa quadrangle kung saan inapak-apakan habang naglalakad sa mismong open field. Lutang maging sa mga tao sa paligid saka hindi tumitingin sa dinadaanan hanggang mabunggo ako sa flag pole. "Ouch...Tss!" I scratched my forehead. Mabilis lumigid ang mata sa paligid dahil sa kahihiyang nangyari kanina. I am one of the popular student in XIA therefore, there are a lot of prying eyes on my movement even if its big or just a little. Lumuwag ang pakiramdam sapagkat walang nakakita ngunit isa lamang palang maling akala nang mayroong tumawa mula sa'king likuran. "How's having a head-butt encounter with the goddamn flag pole, miss?" saad ng kung sino mula sa likuran dahilan upang marahas na lumingon sa walang respetong lalaki na aakalain mong literal na tsonggo sa unang tingin. "Hoy ang kapal mo---" 'di mapigilang bumunghalit ng tawa dahil sa hindi maintindihang pagmumukha ng nilalang na nasa harapan. 'Am I gonna be a fortune teller in the future? I'm begging in the universe to put anywhere far from the last descendant of apes. Ang lakas ng loob niyang pagtawanan ang isang Jana Buenaventura-Xi? Lalong lumapit sa lalaki upang laitin este rikisahin kung saang lahi nagmula ang unggoy na 'to. Am I rude? But that is an overqualified human description for him!' "What's so funny, miss? I know that I am a freakin' good-looking man but I won't ask any of your number. However, your strategy seems nice on catching my attention. " 'f*****g ugly boastful man! Ang kapal ng mukha para isipin nitong nagpapapansin sa kaniya? Iuntog ko kaya 'to nang paulit-ulit sa flagpole para matauhan ang timang?' "Excuse me? What the f**k did you say, bruh?" "That you're trying to catch my attention?" he stated. "Di uso salamin sa bahay ninyo?" sarkastikong saad dito kapagkadaka'y kumunot-noo animo inosente sa mga tinutukoy ko at kulang na lamang ipagduldulan ang katagang mukha kang tsonggo para lamang matauhan sa nakakakilabot na tingin sa sarili. "Hindi mo naman kasi kailangan maging katawa-tawa para lamang makipagkilala. By the way, I'm Lemme Yur and I could say that your tactic is quite effective." he winked. 'Saan puwedeng humawak ng mahigpit sa bagyong dumaraan sa'king harapan? Literally speaking, his nomenclature has been justified by his monkey awful face 'cause the word Lemur describes the white specie of monkey in Arizona. Kung hindi ka nga naman minamalas dahil sa dinami-daming makakasalamuha bakit pinaglihi pa sa sama ng loob ang pambungad?' Buong akala'y magtatagal ang usapang walang katuturan buti na lamang ay narinig ang tawag ni Samantha mula sa malayo. "Best!' she called then waved at me. Bahagyang tumingin sa kaibigan ngunit bago ang lahat ay naunang umalis ang lalaking kausap, na ipinagpasalamat ng malaki dahil kung mananatili ang binata nang ilan pang segundo'y baka naglabas na 'ko ng malaking salamin sa bulsa ni Doraemon. "Did you know that guy?" she was shocked. "Nope. I'm not familiar with that kind of face." I grunted. "You should not be." susog ng kaibigan habang nagpatuloy patungo sa silid-paaralan subalit wala ring puknat ang kadaldalan ni Samantha ukol sa lalaking tsonggo. "Who is he?" tanong ko. "Ayon sa'king mapagkakatiwalaang source ay transferee raw yan sa kabilang international school. He is the sole heir of Yur Business which produces high-end cars across Europe. "That's the reason why he is an ill-mannered conceited asshole!" I arched my eyebrow. "At feeling magandang lalaki ang tanga!" Natigilan lamang sa panlalait nang pumasok ang gurong si Ms. Linares upang kunin ang lipi ng mga takdang-aralin, sapagkat nalalapit nang semestral break. Halos dalawang linggong mawawalan ng pasok bago tumalon sa ikalawang semestre. 'I forgot to finish all my tasks!' "Bring out your final requirements before taking your semestral break." anang guro bago lumibot sa buong sulok ng classroom. "Psst, bessy!" mahinang tawag kay Samantha. "What?" ganting-bulong nito. "Can I copy your assignment?" "But how? Baka mahuli tayo ni Miss Linares!" nahihintakutang saad ng dalaga ngunit nakahinga rin nang maluwang ng bumalik ang guro sa harapan. "Ms. Xi?" "Yes, Ma'am?" I was merely nervous. "Answer number one on the blackboard," seryoso ang mukha nito. 'I'm doomed.' Sa hindi pagtugon ay pinatawan ng parusang pagwawalis sa bawat sulok ng classroom sapagkat kahit mayayaman ang mga nag-aaral sa eskuwelahang pinapasukan ay tinatanim ng mga namumunong walang special treatment sa lahat ng mga estudyante. 'Help me, Daddy, I don't know how to sweep this freakin' floor!' Nag-alok nang tulong si Xander Fur at Samantha ngunit hindi raw maari ayon sa guro kaya ang siste'y naiwang mag-isa dahil sa pagiging iresponsable dahilan upang makauwi ng hapon. Halos lahat yata ng natitirang lakas sa buong katawa'y hinigop ng vacuum at walis. 'This is the unluckiest day of my life!' Mag-isang naglakad palabas ng gate hanggang sa marinig ang pagbusina ng isang pamilyar na sasakyan sa bungad ng entrada rason upang lumukso yata hanggang bituka ang sumilid na saya sa puso sapagkat kahit heavy-tinted ang sasakyan ay tumatagos sa aking 20/20 vision ang binatang nasa loob nito. 'He's miraculously going to fetch me!' "Jana, hop in 'coz I'll ride you home," suwabeng saad ni Troy. "Really?" "Your Dad asked me to pick you up. Hindi raw makakarating si Mang Kardo dahil may pinuntahan ang mga ito." paliwanag ng lalaki saka maayos na ipinasok ang ulo sa loob ng sasakyan. Samantala, gumilid sa kabilang bahagi ng kotse ngunit nang akmang bubuksan ay biglaang bumaba ang bintana sa bandang passenger's seat. 'Anong ginagawa ng babaeng Orocan sa puwesto ko?' "Oh, sorry! You can sit at the back..." maarte ang paraan ng kaniyang pagsasalita kaya't talagang nakakainit ng ulo ang kaartehan ng babaeng 'to! Pakunwa-kunwaring nanghihingi ng paumanhin kahit halata namang hindi niya gusto ang presensiya ko. "Faster, young lady!" dugtong ng binata kaya mas nagatungan ang pagtaas ng altapresiyon sa inis. 'Parang ang lagay ay napilitan lamang sunduin ni Honeyboo!' Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga bago lumulan sa bahaging likuran ng sasakyan ngunit habang iniaayos ang upo'y nagkandahaba ang nguso. Bibilugan ko talaga ng kulay red na ballpen ang petsa ngayon. I freakin' swear! "How's your school?" Coleen asked me hence I was a bit surprised with her queries. "It's tiring but fine." "You're still fresman in college, right? When I was at your age, I used to commute from house to my school henceforth, I'll be no longer hassle to someone's life." dumukwang ang babae sa mismong likuran na parang sinasadyang magpatutsada. 'Isang-isa na lamang ingungudngod ko 'to sa dashboard kapag hindi pa tumahimik!' "I beg to disagree, Ate Coleen. We're not even on the same status and maybe because I am a high-maintenance lady who trying to maximize my luxurious life. But don't worry, I'll try your piece of advice some other time..." I simply rolled my eyes. 'Buwisit ang plastik mong bruha ka!' "Eherm! You wanna join us for lunch?" Troy suddenly interrupted our conversation. "No, thanks." I pursed my lips. 'Mas nadagdagan ang pagiging malas nang araw dahil sa babaeng orocan sa harap ng kotse ni Troy Chua!' Habang-daan ay hindi hinihiwalayan nang tingin ang dalawang tao sa harapan na halos kulang na lamang ay malawak na kama dahil sa kanilang pagbibiruan o lampungan, subalit ang pinakamasaklap ay parang selective ang mga dalawa sa kanilang ikinikilos. 'As if I didn't exist in this goddamn car!' Matapos tanggihan ang alok ng binata'y hindi na muling kinausap ni Troy, animo nagmistula akong utot sapagkat nakapaloob ang dalawa sa kanilang nabuong mundo. Kung susumahin, ito yata ang pinakamahabang biyaheng naranasan sa pag-uwi sapagkat ang bawat tawanan at biruan ni Troy at Coleen ay parang tumatarak na punyal sa'king batang puso. It scarred my heart using a double-edged dagger. Sa buong durasyon ng pagmamaneho ng lalaki'y makailang beses naisipang tumalon palabas ng sasakyan upang pigilan ang sakit na nararanasan hanggang sa 'di namalayang nasa tapat na pala ng mansiyon. "We're here, Nana," anunsiyo ng lalaking tila mayroong pagmamadali sa tono. "Y-Yeah, thank you! Hindi ba muna kayo tutuloy para makita si Daddy?" pigil sa dalawa. "No need, Nana. We will be going somewhere else, right Troy?" malambing ang tono. "Yup. Just tell my regards to Tito Eduard." anaman ni Troy. "S-Sure!" mahinang saad animo may bumikig sa lalamunan dahil sa pinipigilang luha. "Bye, Jana." ani Coleen na kababakasan ng pambubuska ang mukha bago itinaas ng dalawa ang kani-kaniyang bintana saka humarurot palayo ang sasakyan kapagkadaka. Halos ilang minutong naestatwa sapagkat hindi malaman kung paano ihahakbang ang paa at sa pinipigilang luha na sadyang rason nang pananakit ng lalamunan . "Keep bleeding---keep, keep, bleeding in love!" Hanep sa eksaktong patugtog ng guwardiyang nasa harapan ng gate ang nararanasan na pighating sumasaloob sa flat na dibdib. 'Nana, ganitong love life ba ang pinangarap mo noong bata ka? Palagi ka na lamang napag-iiwanan kapag may bago siyang kinahuhumalingan!' Nahigit ang hawak sa strap ng bag upang doon ibuhos ang nadaramang kabigatan, ngunit kailangan putulin ang kadramahan sapagkat kaninang-kanina pa talaga nagpipigil. Nakakahiya kasi kung ilalabas sa kulob na lugar at ang masaklap kaharap pa ang taong minamahal at dakilang karibal. 's**t! My paunch is terribly aching!' "Good afternoon, Senyorita! Welcome to Xi's mansion! Where everything is good and yeyemenin." anang guwardiyang nagmistulang receptionist sa isang mall. 'Langhiya! Kanina pa 'ko nakatayo sa harapan ng gate, hindi man lamang napansin ni kuyang guwardiya! "Opo. Salamat!" Matapos malampasan ang guwardiya ay lakad-takbo palapit sa bungad ng mansiyon, ngunit kasabay nito'y patindi nang patindi ang emosiyong namumuo sa'king ibaba kung saan hindi na kayang pigilan ang bugso ng puwitan este damdamin. Nadaanan ang ilang kasambahay subalit hindi ko pinansin ang kanilang masiglang pagbati sapagkat malapit na... 'Kapit, Nana! Kailangan mong umabot sa trono, kundi baka dito na bumulwak ang pangmalakasang granada. Malapit na!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD