ILANG ARAW mula ng mangyari ang matinding pagtatalo sa pagitan namin ni Troy, talagang sinisiguro kong hindi siya makikita sa tuwing dadaan ang binata sa mansiyon upang i-check ang kalagayan ko, bagamat hanggang ngayon ay masakit pa rin ang mga salitang binitiwan ni Honeyboo. Nasa ganoong pagmumuni-muni ng bumalik sa reyalidad dahil sa isang tawag mula sa telepono.
"Who the hell is calling in the middle of my dramatic scene. Gosh!" mabilis inabot ang cord upang sagutin ang nasa kabilang linya.
"Hello!" using my harsh tone.
"J-Jana, my dear..."
"Nikki?"
Napadiretso nang sandal sa kama matapos marinig ang dalaga.
"Sorry if I disturb you," hinging paumanhin nito.
"No, I should be the one who apologize, I thought its--- anyway, what's up?" hindi na lamang tinukoy kung sino ang inaakalang tumawag.
"Don't you remember what I told you last week at the welcome party? It was about your invitation, dear."
"I see."
"Ipina-deliver ko diyan. I'm sure in no time you'll receive those cards." masiglang saad ni Nikki.
"Thank you so much, girl! You're such an amazing organizer!" I praised her.
"No problem, dear." anito saka sandali kaming nag-usap dalawa ukol sa ilang mga detalye ng debut bago nagpaalam sa kabilang linya. Halos buong maghapong nagkulong sa silid imbis sumama sa kaibigan na karaniwang ginagawa tuwing weekend. I feel bored tho' I have to emphasize my "tampo" to everyone until someone knock at the door.
"Señoreta?" I rolled my eyeballs when I heard Inday.
"Señoreta?"
"Yas, Inday? Nandiyan na!" I've felt so annoyed because of her persistence. After a while, I went to the closed door and hurriedly opened it so that Inday wouldn't be angry at the knock on the door.
"Why ba, Inday?"
"Penatatanong ni Manang Cily kung kakain daw po kayo, señoreta?" anito.
"Just bring me food here in my room,"
"Sege po. Ay, kaweyt la'ang po señoreta! Mayroong nagpapabegay po kase sa'ken neto," iniabot ng kasambahay ang isang mamahaling sobre.
"Thank you, I'll wait for my food tho!" bilin kay Inday bago umalis upang magdala ng pagkain sa kuwarto.
Nang makaupo sa gilid nang malawak na kama'y kaagad binuksan ang sobre kung saan tama ang hinalang naglalaman nga nang imbitasyon na sinasabi ni Nikki para sa nalalapit na kaarawan. Nirikisang maigi ang mga nakasulat sa mismong card saka tinago ang mga ito sa side cabinet, tila hindi mabura sa balintataw ang maaaring maging reaksiyon ni Troy sa mga kalokohang naiisip. 'This is the time of my vengeance Chuaboy! Tingnan ko lamang kung hindi lumuwa yang singkit na mata mo!'
'I will never like you nor love you, huh? Let us see if you'll not going to binge in my gorgeous body tomorrow!' *insert evil grin*
Hindi maiwasang makadama ng bahagyang kalungkutan nang muling sumagi sa utak ang mga katagang binitiwan ng binata, ngunit sa huli'y piniling tapangan lalo ang emosiyon upang 'di maging hadlang sa misyong gagawin.
KINABUKASAN, maagang tumungo sa isang kilalang dress shop upang mamili nang susuutin para sa'king pakikipagtuos. Ilang oras nagtagal ang paglilibot hanggang abutin ng dapit-hapon ngunit napagpasiyahang gawin ang mga paghihiganti kay Troy ng mag-isa. I didn't contact my bestfriend Samantha to go with me anywhere.
Maya-maya'y naisipang umuwi upang mag-ayos ng sarili dahil: 'Luluhod ang mga ilaw at deejay sa mala-diyosang kagandahan ng isang Jana Buenaventura-Xi. Like, duh?!
I checked the wall clock and made sure that everything about my schemes were all in perfect order which begins from my invitation cards up to my fabulous outfit. Kasalukuyang nakaharap sa salamin saka sinisigurong maayos ang hilatsa ng mukha sa mga pinahid na kolorete at maging ang pagkakapusod ng buhok. 'Nana, brace your goddamn self!' Kapagkadaka'y lakas-loob na lumabas sa sariling silid upang bumaba ngunit nasalubong si Yaya Cita'ng rumehistro ang gulat sa mukha.
"Harujuskong bata ka! Anong nangyari sa'yo? Namatanda ka ba, hija?" nakasapo ang ginang sa kaniyang dibdib.
"Yaya, what the hell are you saying? Isn't amazing? Like, duh?" kuntodo irap saka umikot na parang modelo sa harapan ng matandang babae.
"Anong ginawa mo sa pagmumukha mong bata ka, ha? Naku, kapag nakita ka ni Don Eduardo, tiyak kami na naman ang malalagot sa'yo! Para kang naengkanto ng sampung kulasisi sa daan, hija!"
"What's "kulasisi" ba? Yaya, this is called the new millennium fashion sense. Like, duh?" I glared.
"Mayroong gatas pa 'yang labi mo hane, para maglagay-lagay ka nang ganiyang kakapal na kolorete sa mukha. Tignan mo sa salamin 'yang suot mong singnipis na yata ng lampin ng bata, ha?" litaniya ng katiwala rason upang matawa sa mga pangaral ni Yaya Cita na hindi naman masyadong halata ang pagiging konserbatibo.
"This is the trendsetter, Yaya Cita. By the way, I'll be going na!" nilambingan ang salita upang makalusot sa tagapag-alaga.
"Saan ka naman pupunta, aber? Ganiyan pa 'yang suot mong bata ka!"
"Don't worry, Yaya Cita. I'll be using my car!" I assured the old woman.
"Sinong magmamaneho sa kotse? Aba'y wala si Kardo, hija,"
"I can drive on my own so everything is perfectly fine yaya. Bye,bye!" hindi pinakinggan ang huling reklamo ng matanda saka tuluy-tuloy na tumungo sa nakaparadang sasakyan sa garahe. Buti na lamang nakuha ang susi kay Mang Kardo kanina dahilan upang mabilis nakalabas ng mansiyon, miski ang guwardiya ay hindi umubra sa mga kagustuhan ko. 'This is it Nana!'
I'm wearing three-inches stiletto, a red-mini dress from Gucci with matchy-matchy of diamond necklace. I also made sure that my handkerchiefs were both comfortably place on their respective position and fixed them in their perfected parameters according to its protocol of social distancing. Nang makarating sa Flip Bar ay kaagad ipinakita ang ID ngunit hindi masyadong nag-abala ang mga bouncer na rikisahin ang mga nakalagay na impormasyon sapagkat naka-pokus ang mga ito sa'king panlabas na kagandahan.
"Excuse me? Can I enter na ba?" malambing na untag sa bouncer.
"Opo,opo Madam! Gusto niyo po bang ihatid ko kayo sa pupuwestuhan ninyo?" natatarantang alok ni kuyang kalbo.
"Uh-uh! No need, boys!"
Dire-diretsong pumasok sa makipot na entrada kung saan sumalubong ang pamilyar na amoy ng Flip Bar tulad noong unang beses na dumayo rito. Literal na masikip, mausok at talagang amoy serbesa ang mga taong nasasalubong. Halos ilang kalalakihan din ang sumisipol, nagbabalak lumapit para siguro makipagkilala, at mga matang kulang sa purga o sadyang minsan lamang makakita ng maganda. 'Duh?'
Hindi pinansin ang kanilang malisyosong tingin sapagkat iisa lamang ang pakay kung bakit napagawi sa ganitong klaseng lugar: 'My Sweetest Revenge.'
Maya-maya'y umupo sa stool saka umorder ng tinatawag nilang mojito. I tried to imbibe a bit of punch and save some s**t of confidence to execute my vengeance effectively or even without any loopholes. Sinunud-sunod ko ang pagtungga hanggang sa hindi namalayang nakararami na pala, nang makarinig ng kumusyon sa mga kalalakihang pumasok sa naturang bar. 'There you go, HOMIGEN is finally here, Nana!'
KALAUNA'Y sinagad ang natitirang laman ng kopita bago gumawa nang hakbang patungo sa mga kalalakihan kung saan prenteng nakapuwesto sa pinakamalaking couch. I catwalked in getting my way near to them. Sa bawat madaanan ay nakakakuha nang atensyon, lalo sa mga kalalakihang naroroon maging mangilan-ngilang nagtatrabaho sa bar.
"Hi miss, can I get your IG account?" anang isang lalaki.
"Oh, sorry! I don't talk to strangers. Excuse me?" I glinted and straightly walked away from the lad.
"Just your complete name is enough..." habol na saad nito ngunit umiling-iling dito. Samantala, mayroong sumipol sa bandang gilid subalit tulad ng binatang lumapit ay hindi rin binigyang-pansin kahit mababanaagan ng interes ang karamihan, rason upang mag-expect na ganoon din ang magiging reaksyon ng mga binatang pakay sa gabing ito. 'And there you have it, Jana Buenaventura-Xi. All their eyes is on you sexy lady!' Bahagyang tumikhim ang lalaking napupusuan ng aking pinakamamahal na kaibigan.
"Hi?---Are you looking for someone?" nag-aalinlangang tanong ng binata tila hindi ako namumukhaan.
"Don't you remember me?" I hardly tried to be seductive as I could and presented my hand for some formal introduction, but they just stared at me as if I were living in outer space.
"Uhm, nope?" Kuya Lyndon bitten his lower lip.
"I am Jana Buenaventura-Xi, and we met last week at Ayala's welcome party--" wika ko subalit naputol ang dapat sanang sasabihin sapagkat nagsitanguan ang mga kaibigan ni Troy maliban dito na sadyang kababakasan ng kaseryosohan ang mukha.
"Gotcha! You're one of my cousin's friends, if I'm not mistaken. By the way, where's your best friend?" tanong ni Kuya Lyndon.
"Oh, I wasn't able to bring Samantha 'cause she's very busy, I guess?"
"You wanna join us?" sabad ni Kuya Derreck.
"Nope, actually I came here for this..." I opened my small LV pouch and distribute my invitation cards to them.
"I want to invite you to my upcoming debut and seems your schedule is so hectic hence, I came here to give you these cards."
They're all nodding except Troy Chua who was gazing at me thoroughly.
"I'm expecting all of you to attend on my birthday. And that would be three weeks from now." pagbibigay abiso sa HOMIGEN na kaagad namang sinang-ayunan ng mga kaibigan ng binata.
"So you mean you're still seventeen? Paano ka nakapasok dito? Did you use your fake ID again?" Kuya Richmond teased me but I just playfully smiled and put my point finger on my ledges.
"Shh, secret..." I winked.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Troy marahil sa kapilyahang ipinamamalas puwera sa binatang halos umusok yata ang bunbunan sa mga naririnig mula sa'kin. Hindi yata kaila sa HOMIGEN ang mga nangyari noong unang araw na tumapak sa Flip Bar.
"By the way, I'll gotta go now" paalam ko.
"Why don't you stay here?" ani Kuya Alex.
"No thanks, I'd prefer to be alone in my table." sinabayan nang pagtalikod sa mga ito.
'Nana, walk like a hot model amid your imaginary rampage! This is your most captivating moment so nailed it, girl!'
Pagpapalakas sa loob habang todo effort sa pagka-catwalk at bibe-walk malapit sa dancefloor. Nang makarating sa kinapupuwestuhan ay kaagad umorder ng hombre tequila para masabi lamang na umiinom, dahil baka mapansin ng HOMIGEN na pawang palabas o joke lamang ang lahat. (tho' it is partly a joke time for me)
Hindi halos hiwalayan ng mga tingin ni Honeyboo ang aking bawat kilos rason upang mas hinusayan ang pagpapa-sexy sa pag-upo, iniksian ang laylayan ng mini-dress saka inusli ang bahaging puwetan. 'Looking at my sexy body now, bruh? Be careful Chuaboy! Your two cheeky eyes might fall on the floor. Like, duh?'
Kunwaring iniinom ang mapait na tequila habang nanunuod sa mga kabataang nagsasayaw sa gitnang entablado ngunit ang totoo'y wala sa mga ito ang aking buong atensyon. Maya-maya ay mayroong lumapit na estranghero at niyayaya akong isayaw, ngunit tinanggihan ang binatang lango yata sa alak dahil sa pagiging bokal sa mga salitang binibitawan. He's a typical rich kid with some sort of bad calibre.
"Hey babe, may I dance with you?" umupo sa tabi ang binata.
"No thanks, I'm not good at dancing."
"Tara, tuturuan kitang sumayaw." pamimilit nito.
"Nope, sorry."
"Napaka-pakipot mo naman, miss. You must be thankful 'cause I was the one who initiate the moves, knowing that a lot of women desire to catch my attention." he bragged.
"Marami naman palang gustong makipagsayaw sa'yo? Bakit pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa walang interes sa'yo?"
Kababakasan nang pagkapikon ang ekspresiyon ng binata kaya imbis patulan ay ako na mismo ang kusang lumayo, ngunit mahigpit na hinila palapit sa katawan nito dahilan upang maamoy ang bad breath na bunganga ng unggoy. 'Ugh, yuck!'
"Let me go, you asshole!" pilit kumakawala sa binata.
"C'mon, don't make any scandalous scene here, miss --just give me some amazing moves."
"Keep your hands off me, fucker!"
Sa tinding galit ay lumagapak ang aking palad sa kanyang mukha na naging sanhi kung bakit lalong nabagdan sa galit ang lalaki animo bumuwelo para ambahan nito. I merely closed my eyes and waiting for his punch which surely ruins my precious face. Kabaligtaran ang mga nangyari dahil ang inaasahang suntok ay hindi naganap sapagkat may matipunong bisig ang maagap na sumangga rito.
"Kung totoong lalaki ka hindi mo kailangang mamilit ng babae para lamang makipagsayaw sa'yo."
"Who the hell are you, dude?" anito.
"You want me to get you out in this place forever?" matapang na pagbabanta ni Honeyboo kaya nagulantang ang binata saka nagmamadaling tumalilis paalis sa Flip Bar habang tila natitigilan pa rin ako sa mga pangyayari.
"T-Thank--" hindi natuloy ang pagpapasalamat sapagkat mabilis hinila ni Troy palabas ng Flip Bar.
"Bitiwan mo 'ko nasasaktan ako!"
Parang bingi ang binata sa mga pakiusap habang tuluy-tuloy sa pagkaladkad hanggang makarating sa tapat ng nakaparadang sasakyan nito.
"I said f*****g let me go. Ouchy!" maarteng singhal kay Honeyboo saka doon lamang tinanggal ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ko.
"Anong kalokohan na naman ba 'yang pumasok sa kukote mo, Nana!?"
"Why you'd get me here? I'm still enjoying my 'Me' time. Like, duh?" kuntodo irap sa binata.
"Enjoying your 'me' time, huh?" he groaned.
"And, yes!"
"What's wrong with you, young lady? Look at your style in the mirror, you almost seemed like a hooker." sita nito.
"As far as I knew, there's nothing wrong with my dress"
"As far as I am concerned, if I wasn't getting near to you, maybe you would borrow face from a dog. Halos bastusin ka ng lalaking 'yon, Jana!"
"Its your eyes' fault why it became bastusin. Sana hindi ka na lamang lumapit para wala akong utang na loob sa'yo ngayon." halos manggalaiti sa inis dahil sa mga sinasabi ni Troy ngunit imbis pumatol ay marahang bumuntong-hininga ang lalaki bago muling nakiusap.
"Let's thwart this charade, then I'll ride you home."
"No."
"Yes, Jana Buenaventura-Xi!" pinal nitong saad saka binuksan ang pinto ng kotse upang alalayang makapasok ngunit hindi nagpatinag
"Nana, don't be so f*****g immature! Tingnan mo nga 'yang sarili mo!"
Hindi inaasahan ang mga sumunod na pangyayari, nang hawakan ni Troy ang aking beywang upang i-angat at buhatin animo isang sakong bigas dahilan upang magpipiglas ngunit madaling naisakay ng binata sa sariling sasakyan. Nang tuluyang makalulan ay bahagyang iniayos ang nagulong buhok. I glared at him but he'd just glanced on my face while wearing a blank expression.
"Why are you doing this, Nana?"
"Who cares, duh?"
"Such a bratty lady." nahampas ng binata ang manibela.
"I just want to prove myself," mariing saad sa binata kaya't kagyat na lumingon si Troy sa kinauupuan saka kumibot ang labi tila kababakasan ng inis ang ekspresiyon.
"For what? To prove how much you made a lot of wrong decisions in life?"
"It wasn't my plan tho'. You don't consider me as a real woman."
"What?" he frowned, therefore I face the young man, I raised my chest as if challenging a fierce fight.
"
Look at me, Troy. Am I not sexy?" I pouted.
Patamad na tinapunan nang tingin mula ulo hanggang dibdib saka napansing nagtagal ang mata ni Honeyboo sa parteng iyon dahilan upang lalong ipagmayabang ang dibdib subalit walang ganang ibinalik ni Troy ang mata sa harapang-daan.
"How can you prove to me that you're indeed a sexy woman if your boobs are not equal in shape? Tss!"
'What the f**k?' I quickly looked down at my own chest to look at what he said was 'not equal in shape. 'Fudge! No way!'
Nawala sa isipang nakasiksik lamang pala ang dalawang handkerchief sa dibdib upang magmukhang malaki ngunit dahil binuhat ni Troy ay tuluyang na-inflate o tumabingi ang mga ito habang naglakbay sa tiyan ang isang panyo. I could feel that my face has been reddened and I don't wanna show it especially to Troy. 's**t! This is so embarassing!'
**
ILANG ARAW NANATILI sa amerika subalit hindi nabahala sa'king mga naiwan sa Pilipinas, lalung-lalo sa unica hijang si Jana. I trust Troy for my dearest daughter 'coz I treat him as my son that unfortunately I've never had. Nang sabihin ng binata ang problemang kinakaharap ng sarili nitong kompanya, desidido akong tulungan ang lalaki dahilan upang kaagad ipaayos sa sekretarya ang aking mga natanguang appointment. I've heard from the social circle that the patriarchal of Montenegro clan is merely roaming around across the states therefore, I have decided to set a private meeting with him. Marahang inilapag ang kopitang may lamang wine sa tanggapan bago pinagsalikop ang dalawang kamay. Matamang hinarap ang pinaka-ugat ng Montenegro.
"Eduardo, I couldn't just slip these opportunities on my palm just because of your favor, Kumpadre. They had been so dedicated to pursuing this big-time project." sumimsim ng alak ang matandang Montenegro.
"I have given you some positive conditions to consider my offer concerning these favorable reasons, Gustav." seryosong litanya ko.
"I appreciate your convenient deal, however, what we did are full effort just to win this bid."
"Ayoko sanang haluan ng pulitika ang hinihingi kong pabor kumpadre, ngunit mas mataas yata ang nakuha mong benepisyo sa'king kumpanya. Don't wait until you push me till edge Gustav," I warned him.
Lumarawan ang pagsama nang timpla ng kaibigan ngunit ganito lamang ang natatanging paraang naisip upang makumbinseng isuko ang proyekto sa Chua Imperial Inc.
"I shall advance my apology Eduardo but my answer is still no. Thank you for this meaningful conversation." anang matanda saka tumayo at bahagyang tumango bago lisanin ang aking tanggapan sa Amerika.
Matapos ang masinsinang pag-uusap ay tinawagan ko si Troy para ipaalam ang hindi kagandahang balita, subalit bago pa man mangyari ang pag-uusap ay binabalak na tulungan ang lalaki sa kaniyang pinansiyal na estado sa ngayon. I've decided to personally make some deal or agreement between us and give a full assistance with his upcoming projects. It will probably be settled right after I headed back to the Philippines.
**
"MANG KARDO, FOR HOW LONG DO WE NEED TO BE STUCK HERE?" I annoyingly stated to our driver.
"We cannot avoid traffic jams, Señorita" he answered.
'Gosh! Nakaka-badtrip talaga ang EDSA kapag ganitong mga araw!'
Kailangang maunahan namin si Daddy sapagkat ngayon ang uwi ng ama galing amerika ngunit sa kasamaang palad ay bahagya lamang ang usad ng mga sasakyan kaya hindi mapigilang mahulog sa malalim na pag-iisip ukol sa mga nangyari noong isang araw matapos ihatid ni Troy sa mansiyon.
NAKARAAN
"We're here now." anunsiyo ng lalaki kapagkadaka'y mabilis kumilos upang tuluyang makalayo sa lalaki subalit hindi namalayang sumunod si Troy. I can't believe what was happening to me because of the failed handkerchiefs on my boobs. I literally felt so ashamed and so embarrassed. Gustung-gusto nang makapasok sa mansiyon upang hindi na makausap ang binata.
"Hey Jana, stop! let's talk." habol nito ngunit hindi siya pinansin kaya hinila ni Honeyboo pabalik sa gilid ng sasakyan nito.
"We badly need to talk!" singhal ni Troy.
"Wala tayong dapat pag-usapan!" naiiyak sa kahihiyan.
"What seems to be the problem, huh?" biglang humina ang boses ng binata.
"It's nothing---- it's just nothing, bruh!"
"Then why are you acting like that?" anito ngunit halos sumabog ang pinipigilang sama ng loob maging ang mga pinaghalong inis at galit.
"Are you really asking me, huh?" singhal kay Troy dahilan upang paluin ang dibdib nito subalit hindi man lamang natinag ang binata.
"Stop it, Nana," using his serious tone.
"It was all your fault. I hate you so much!" patuloy sa ginagawang pananakit dito upang sa gayon ay maibsan ang napunong galit sa puso.
"I said stop it." sigaw nig lalaki sabay hila palapit sa katawan kasabay nang marubdob na halik galing kay Troy. Halos hindi makagalaw sa panginginig ng tuhod dahil sa mapusok na pag-arko ng kaniyang mainit na labi. ;Could somebody pinch me, please?'
Maya-maya'y naging masuyo ang klase ng kaniyang halik tila dinadala ako sa alapaap rason upang dahan-dahang pumikit upang lalong namnamin ang masarap na pinagsasaluhan. 'Is it really for real or am I just simply dreaming?'
It took a few minutes for our lips to touch, until the young man realized and immediately pulled my body away like Troy usually does when tasting my lips for the first time. But after that magical moment is like the worst reality of being in a one-sided form of love. Sana naging bingi na lamang kahit panandalian upang hindi na tuluyang marinig ang mga salitang lalong makadadagdag sa sakit ng kalooban.
"I'm sorry, I didn't mean it."
Malakas na busina ang nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan, tila hindi namalayang nakahawak ang sariling daliri sa labi.
"Señorita Jana, we're here." putol ng drayber sa pagmumuni-muni.
"Thank god, Mang Kardo. Could you just drop me at the departure area?"
Matamang sumunod ang matanda kapagkadaka'y masiglang bumaba upang salubungin ang pinakamamahal na ama ngunit sa pagmamadali'y hindi sinasadyang mabunggo ang isang babae.
"Ouch!" singhal nito.
"Oops! Sorry, miss!" hinging-paumanhin ko.
"Be careful next time! Ang luwang ng daanan miss! Hindi mo dapat sinasabuhay ang pagiging lampa."
'What the hell? Pasalamat ka nagmamadali ako, kundi pinatulan kitang babae ka!'
Imbis pansinin ang pagsusuplada o pasaring ng bruha'y inirapan lamang ang babae saka binirahan nang alis.
'Slutty hoe. Duh?'
**
ILANG ARAW MULA NG MANGYARI ang tagpong may kinalaman kay Nana ay hindi nawala sa isip maging ang kalambutan ng kanyang labi. 'Bakit ka ba nagkakaganito sa sutil na 'yon, Troy? This isn't a good sign Chua! f*****g wake up with your tyrant nightmare!'
Naihilamos ang palad sa mukha bago ipinagpatuloy ang mga nabinbing gawa sa buong maghapon, nang biglaang tumunog ang phone sa ibabaw ng desk. I picked it up and answered the unknown digit.
"Hello?" using my formal voice.
"Hi, did you miss me?" masiglang saad ng babae, tila pamilyar na boses ang naulinagan mula sa kabilang linya ngunit hindi mawari kung iisa ang nasa isip.
"W-Who's this?"
"Nakakatampo naman nakalimot na yata. Hey, it's Coleen!"
"Coleen? When did you arrive?" I was merely surprised.
"Earlier this morning. I phoned your granny just to ask for your number tho!"
"Really? That's profound!"
"Ang tipid mo yatang magsalita? Is that how you welcome your childhood sweetheart? My god! I came to Los Angeles, Troy!"
Coleen Samonte is my childhood sweet heart though, unluckily she decided to settle in L.A. therefore, we didn't get the chance to meet or continue our relationship. It's been eight years since we've got a formal communication, and that was literally my doomsday because she's my first great love. Ilan taon ding ininda ang sakit magmula nang iwan ng dalaga lalo't pinangarap kong iharap siya sa altar kung sakaling matapos kami sa pag-aaral.
"Hello, still there?" putol nito.
"Yup."
"Good. Let's catch up, please?"
"S-Sure, no problem." simpleng saad dito.