KASALUKUYANG PALABAS NG SILID hanggang sa makasalubong ang aming katiwalang may dala-dalang laundry bin dahilan upang tawagin at itanong kung nasaan ang ama.
"Yaya, where's daddy?"
"Senyorita, nasa silid-akalatan po may kausap na bisita"anito.
"That silid-aklatan tho'. Thanks, Yaya. And please, could you get my dirty clothes inside my room?" I asked a favor right before I left.
Masiglang tumungo sa library upang makausap si Daddy ukol sa fieldtrip na dadaluhan sa kasalukuyang exclusive school na pinapasukan. Hindi natinag kahit alam na may bisita ang ama dahilan upang basta-basta na lamang pumasok sa loob kahit walang pahintulot mula sa matanda.
"Dad?!"
Kalauna'y natigilan sapagkat naabutang seryoso ang pag-uusap ng dalawang lalaki ngunit imbis magpaapekto ay mas inintindi ang pakay sa ama.
"Hija, can we talk later? I have some meeting right now, darling" my father said.
"Dad, please? Please? It's really important to me!" I pouted.
Umiling na lamang ang ginoo marahil nakulitan sa mga inuungot ko datapwat ang ipapaalam sa matanda'y sadyang napakaimportante para sa'kin. Every individual has their different priorities... and for me? Being inside a luxurious trailer and traveling with my friends to provincial places are my deepest goals right now. I believe that my father will grant any of my precious wishes. This is the power of having this kind of life!
Humingi ng paumanhin ang ama sa bisita hanggang sa tumango lamang kung sinuman ang kausap niya sapagkat nakatalikod ang ginoo sa gawi ko 'great'. Lumakad patungo sa kinaroroonan ng matanda na sadyang nakaupo sa swivel chair dahilan upang lubusang makita ang kausap ni Daddyboo.
'Kulang ang salitang gwapo sa lalaking 'to! Gosh Nana, you're only fourteen and yet admiring a classic mature guy like him. This heartbeat tho', this kumakale-kalembang thing could never thwart me from showing any of my affection.
As in no way!
Mabilis naputol ang pagiging tulala sa binatang kasama sa library ng biglang tumikhim at magsalita si daddy.
"What do you wanna say again, little baby?" anang ama na may halong lambing ang boses.
Bakit bigla yatang nahiya akong tawagin sa endearment ni daddy? OMG Nana are you feeling embarrass because of this guy in front of you? Hindi ka dating ganito Nana! Keep your kilig inside!
"Little baby?" muling tanong ni daddy na siyang pumukaw sa nilipad na utak sa kung saang lupalop ng kahalayan.
"Ah-eh-ah D-dad I'm going to ask your permission if could I go with my friends in Batangas. We'll going to join the fieldtrip in school." nilaparan ang ngiti upang hindi makatanggi ang matanda.
"Is that all? 'Yon lamang pala ang gusto mong sabihin inabala mo pa 'ko iha"
"But Daddy, it's very, very important well at least for me. All my classmates are so excited about this activity Daddy, therefore, I won't miss it for the world!"I animatedly said.
"Fine, fine okay if that's what you want my, little baby"
"Oh my! Thanks, Dad, do you mean it?" I asked him for assurance hence doing the cross-finger gesture.
"Yes, Nana" he uttered with clarity.
"As in yes na yes, Daddy?"
Tumango lamang ang matanda bilang hudyat na sumasang-ayon sa mga hinihiling ko.
"You're really the best Daddy in the whole world!" anas ko saka niyakap ang ama't hinalikan sa magkabilang pisngi dahil sa sobrang kagalakan. Kapagkadaka'y dumako ang tingin sa kausap ng matanda upang ngitian sana ang lalaki, subalit nabura ang positibong reaksyon sapagkat kabaligtaran ang iginawad ng binata at ang malala'y iniwas niya ang kanyang mga mata. Woah! He's suplado pala. Sayang ang gwapo pa naman!
"I'll be leaving now, Daddy. So, you could continue your business meeting with him" matamang tumingin sa binatang seryosong-seryoso ang mukha.
Ang gwapo sana kaso mukhang hindi dinadatnan ng redtide, I like his chinito eyes, well, the lips are velvet like a devilish red apple and oh..the pale skin. Parang mga korean star na kinaka-adikan ng mga kaklase ko. Isinantabi ang paglalarawan sa utak saka humakbang palabas ng library ngunit muling tinawag ng pinakamamahal na ama.
"Wait, little baby"
"Yes, Daddy?"
"I forgot to introduce my new business partner; he is Troy Chua and one of your Kuya Michael's friend. He could also be your kuya ~~ By the way, Troy this is my daughter, Jana Buenaventura-Xi but she mostly preferred calling her Nana" gaya nang naunang reaksyon ay tumango lamang bilang tugon, kumpara sa dating business partner ni Daddy na si Kuya Michael na sobrang masiyahin at palabiro kung kaya hindi nakapagtatakang kasundo ko ito.
Teka? Bakit naging kuya, hindi ko naman kapatid? Bakit parang hindi matanggap ng sistema ang mga narinig mula sa ama? He looks like a walking statue or worst the great wall of China! Parang mapapanis ang laway mo kung makikipag-usap ka sa binata dahil hindi kumikibo. Naku baka mahawaan si Daddyboo ng pagiging tuod niya! Bakit hindi ko rin maintindihan ang sariling pusong tila nagbe-breakdance o summersault sa pagkabog?
"H-hi?" I greeted him.
I could promptly felt if how my cheek flushed because of his presence, right before a lovely smile formed on my kissable lips and then decided to leave the library at peace. Ayokong manatili sa loob dahil baka mahalata ni Daddy ang pagiging interesado sa binata at kapag nagkataon malaking kahihiyan ang aabutin ko. Bago tuluyang lumabas ay nahagip ang mga pinag-uusapan tungkol yata sa'kin bilang nag-iisang anak ni Eduaro Xi.
"I apologize for my daughter. Nana is very hard to reject because she might end up being rebellious" anang matanda.
"I understand Mr. Xi, millennial youth in today's generation are feeling entitled to everything especially with her case as your only daughter"
Anong pinagsasabi ng chinitong 'to? Halos buong pagkatao na yata ang hinusgahan ng lalaki bilang persona non grata! Sapakin kaya kita diyan para manghiram ka ng mukha sa aso? Kapag nagkaroon nang pagkakataon, gagantsilyuhin ko 'yang mga mata mo para forever and ever cheenky. Tse!
"You're damn right, hijo! She's really difficult to handle" binuntutan nang tawa ni Daddy ang mga sinabi ng binata ukol sa pagiging pasaway ko bilang nagmamagandang anak.
SIMULA NG MAKILALA ang binata sa silid aklata'y hindi na natahimik ang mundo ng isang batang paslit. Tipong buhay na buhay sa pagiging maganda ngunit tila tinatakasan nang bait kapag hindi nasisilayan ang kanyang mukha. Kulang na ipagduldulan ang pangalan niya sa bawat lamang loob at dugong nananalaytay sa'king katawan. Ang sinisigaw ng isipan ay walang iba kundi si Troy Chua. Troy Chuawawawawah! Dinig na dinig ang malupit na pag-echo sa kamalayan at busog na utak. Tanging ang binata na lamang ang laman ng sistema mula noon hanggang ngayon! I'm deeply in love with my father's business partner for more than four years in a row. Pulos Troy Chua ang bukambibig sa kaklase, kakilala o kaibigan kahit 'di nila nasisilayan ang binatang bumihag sa pihikang puso.
"Alam mo besh, ang cute talaga ni Troy Chua!"
"Grabe, muntik na 'kong makalunok ng rainbow dahil sa kaniya"
"Akin lamang si Troy Chua!"
Buti na lamang hindi nagsasawa ang mga tenga nila sa kakabigkas sa pangalan ng lalaking chinito. Madalas inaalala ang mga panahong nasisilayan ang kanyang kaguwapuhang taglay sa mga unang beses na naramdaman ang signal no. 10 na bagyong dumaan sa paslit na puso. I'm very madly, deeply, heartily, wholeheartedly fell from his enchanting charm. Ganito ka-super duper ang pagkakalarawan ko sa pag-ibig para sa lalaki sapagkat siya lamang ang naglabas nang lahat-lahat sa'king damdamin. He see me as bratty hellish gal though I'm just being childish in my own cutest way. Most humanity among the social circle judged me as boisterous young lady who literally infamous of being sucker for attention. Ganyan na lamang kapanglaw ang damdamin sapagkat hindi maintindihan ng karamihan. I wonder why of all people, the man I used to love would be my number one avid basher because Troy thought me as whimsical spoiled brat. He doesn't like my guts or presence except my angelic face...of course. This is totally unfair! I was being misjudged because of how they see my external personality without even digging the bright side of being Jana Buenaventura-Xi. Ang pinakamasakit? Sa dinami-daming nagpapakamatay para lamang mapansin ay kay Troy Chua pa tumibok ang maligalig na puso. Kung tutuusin ang haba ng buhok ni chinito gwapito ngunit nagtutumining ang sampal na katotohanan. It's really hard for me to accept the unreasonable notion that the high and mighty Nana foolishly begging, chasing, and humbly taking herself for granted by Troy Chua. The certified womanizer, stone-hearted south bachelor, and one of the famous member of HOMIGEN. Datapwat kailangang panindigan sapagkat mas malakas ang paniniwalang hindi susukuan ang lahat ng pagsubok na kahaharapin masungkit lamang ang kanyang pihikang puso. I believe that someday, Troy will treat me similarly to how I treated and placed him in the highest and sacred part of my ticker. The man is not just my father's business partner yet he will going to be the lifetime partner of Jana Buenaventura-Xi in the soonest future.
NAPUTOL ANG PAGMUNI-MUNI nang sumingit ang matalik na kaibigan sapagkat halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng musika na nanggagaling sa deejay.
"Are you sure about this, Nana?" she straightly drank up her mango juice.
Kasalukuyang nasa high stool bar kung saan naka puwesto ang bartender at maging iba't-ibang klaseng inumin na sadyang naka-display sa liquor rack.
"What are you saying?"
"Girl, are you traveling in outer space, huh? Just give me heads up or DM me on Instaman. Gosh, Nana!" she rolled up her eyes.
"Come again?" anas ko
"Ang sabi ko kung sigurado ka na sa pagiging stalker ni Troy Chua"
"Yes. If I were you? I'm just going to shut up my mouth and support your dearest friend in any possible way" I said therefore she exaggeratedly covered her mouth and glared at me.
Ayokong mawala sa paningin ang lahat ng kilos ni Troy dahilan upang tumambay sa mga lugar kung saan naglalagi ang binata. I nearly became an FBI agent for almost four consecutive years because of Honeyboo!
"You're insane, Jana. If your Dad will find out about this naughtiness he'll gonna kill you for sure. Huwag mo ko idamay, ha?" she mumbled.
"Could you just be nice to your best friend, Samantha? Or take all the comestibles on the menu then I'll pay, as in skies the limit, besh!" maarteng saad sa kaibigan.
"Fine, I surrender! Gosh! you're crazy, girl!" Samantha justly sipped her beverage then I folded my arms across my chest.
Tinablan sa mga reklamo ng dalaga ngunit inaamin sa sariling kabaliwan ang lahat ng ginagawa. Sinong gugustuhing lumagay sa kapalaran ko? Ang maging buntot ng isang binatang tingin sa'ki'y maldita, pasaway, at pilya, na pipiliting makuha ang anumang magustuhan o kaya trip-trip lamang ang lahat. If I will be able to dictate my feelings then I could rather choose where shall I beat my ticker. This is blatantly worst; to the extent that I even asked for Samantha's cooperation with my "Oplan Stalking". This is our first time here at Flip Bar because of one greatest mission: watch over Troy Chua 'til dawn, just to make sure that he will not going to flirt with any other women. Buti na lamang hindi sinusukuan nang nag-iisang matalik na kaibigang lukaret dahil kinukunsinti ang lahat ng kabaliwang naiisip ukol sa lalaki. I even wrapped up with my nerdy suitor to create some fake ID's just to enter in this kind of wild place here in Metro. Hindi kasi maaaring pumasok sa Flip Bar ang mga minor kagaya namin ni Samantha. For god sake! I even told them my valid reason yet the bouncer shoo us away hence we ended up being strayed feline on Eastwood. Hindi sila naniniwalang magdidisi-otso na sa darating na dalawang buwan. Sa susunod na lamang daw gumawi sa bar kapag nag-debut na. It was exasperating thus they insulted Jana Buenaventura-Xi. These bunch of people are obviously assholes that's why I think of some erronious solution to my problem. It's a matter of life and death or whatever happens I still need to execute this witty insanity oh..I mean scheme.
Ilang oras kaming nakatunganga sa mga taong walang ginawa kundi umindayog at sumigaw sa gitna ng dancefloor hanggang sa pumailanlang ang lively music na mas ikinadagdag nang ingay.
"Why don't we dance or even join the crowd? This is the most ennui gimmick I've ever experienced although it's my first time to be in this kind of cool place" susog ni Samantha.
Kunsabagay may punto ang kaibigan dahil sayang nga kung hindi rin susulitin ang mga pagkakataong tulad nito. Tutal hindi naman siguro magseselos si Troy kung makikipagsayaw sa ibang boylet.
Nana, your imagination is a real quick fantasy.
Nagpahatak sa matalik na kaibigan patungo sa gitna ng entablado hanggang sa nagsimulang makisama sa mga kabataang naroroon. We were dancing and enjoying the groovy music until yucky thing happened. The foul smell made me feel like a walking consumer of bacteria. Ugh he amoy baul tho'
"Bff, this is the best night ever! There are lots of cool guys here" Samantha uttered while dancing erotically at the corner.
Honestly, they are very much awful! This bunch of perverts who were f*****g made some friction of their small kiddo d***s on our back. Yikes!
"Para kang tanga Nana, bakit hindi mo 'ko gayahin?" singhal nito.
"Eww. Samantha Añorivas, can't you see these yucky boys dancing around us? They're jerking their kiddie meal beyond our hips" halos mapangiwi ang itsura sa ginagawa nila.
"Come on, Nana! They're cool!"
"Big N and O and I'm not desperate at least with these boys behind our back. If Troy Chua will do these nasty things then I can assure you that it's very huge"
"Woah! Ang berde mo girl! Ang sabihin mo, ilang taon na lamang kamo magpapalit na kayo ng mukha" saad ng kaibigan subalit kalauna'y biglang natigilan si bruha.
"Oh My Gosh, Jana Buenaventura!" nanlalaki ang mga mata ng dalaga.
OA, ha?
"Why?"
Samantha abruptly covered her mouth with some melodramatic gesture as if seeing her ultimate crush who was making out with some college gal.
"Speaking of damnation hoodoobells devil!"
"Bakit nga?" inis na tanong dito.
"Your honeyboo~ look over there!"
Halos hindi magkandatuto sa marapat gawin ng makita ang binatang kasama ng HOMIGEN. He was wearing a trouser jeans and a simple white fitted shirt underneath the color dirty brown coat. Jaw-dropped is the only description of my mouth while he was walking through the white velvet sofa. Oozing with s*x appeal ang magiging future husband ko!
"Let's go there!" kagyat hinatak ang kaibigan malapit sa couch kung saan nakapwesto ang mga HOMIGEN.
"Girl, why are we here?" reklamo ng dalaga.
"Fool. How could we watch over Honey Boo if we were far from them?"
"Ewan, baliw ka talaga Nana!"
"Shh. shaddap!"
Wala akong pakialam kung maubos ang allowance sa pagbabayad ng malaki o kahit upahan ang lahat ng mesa sa paligid ng lalaki basta masilayan lamang si Troy Chua. Samantala, dahan-dahang umupo paharap sa kabilang dako habang ang kaibigan ang nagsilbing mata sa buong barkada ng binata; sapagkat ayokong mabuko dahil baka malagot na naman kay Daddy. Mapapansing halos tumulo ang laway ng kaibigan sa kakamasid sa mga kalalakihan sa likod dahilan upang sawayin ang dalaga't ipaalam sa kanya ang totoong pakay.
"Stop observing other men and just focus on our target mission" anas ko.
Iwinasiwas ang palad sa mukha ni Samantha'ng mahahalata ang pagiging tulala, dahil kahit anong kaway ang gawin sa harapan ng dalaga'y consistent ang kalandian kaya naisipang tampalin sa noo si Sam.
"Hey, that's touchy!" she immediately reacted.
"You should concentrate and inform me about any suspicious hoes around" anas ko saka umirap.
"Will you stop acting like a f*****g SWAT, Jana? There's no threat so far" ganting irap ng kaibigan.
Makalipas ang sampung minuto, nanatiling nakamasid ang dalaga subalit mababakas ang pagkainip sa itsura ng kaibigan.
"What now, Samantha? Does he have any skeptical actions"
"Nothing. Could you please calm down, Nana?" payo nito.
"Buti ka pa nakikita si Honeyboo!" pagmamaktol sa kaibigan.
"Eng-eng mo bakit hindi ka umupo sa tabi ko? What's the use of this thick hoodie?"
"Bakit ngayon mo lamang pinaalala sa'kin ha? Aber?"
"Tss. OA ka, girl"
Dali-daling lumipat sa tabi ng kaibigan upang masilayan ang pinakamamahal na binata. Medyo matagal kaming naka-standby habang walang sawang pinagmamasdan ang gwapong mukha ni Troy kahit medyo madilim sa naturang bar.
"And then?...what's next, Jana?" banas na saad ni Samantha kapagkadaka.
"Bff, just give me the chance to see him and I promise not to ask any favor from you for more or less... three months"
"Nana, masyadong maliit ang Flip Bar para hindi mo makita ang chinitong 'yan. Libreng lumibot, ha? Kung gusto mong tubuan ng ugat 'yang puwet mo puwes hindi ko kailanman pinangarap maging puno" litanya nito.
"Gosh! Okay fine, you're free to dance all night!"
"Salamat, nakahalata rin ang magaling na babae!" irap ng dalaga.
"Go on now! Tsupi, before I change my mind"
Akmang tutungo ang dalaga sa dancefloor ng walang patumangging umabante sa gawi ko.
"Don't do anything stupid, Nana...please?" banta ng kaibigan.
"Fine, I got it"
Inunahan yata ni Samantha sa pagbabanta, dinaig ang daddy sa pagiging istrikta? Kunsabagay hindi lingid sa kaibigan ang ilang gulong kinasangkutan dahil lamang sa pagsunod sa binata.
"I'm just reminding you to stay away from any trouble"
Instead of taking her advice seriously what I did is my popular make-face mannerism. Tuluyan ngang naglaho sa paningin ang babae tila sumiksik si Samantha sa crowd upang makisiya sa mga taong naroroon. Samantala, hindi nagsasawa ang paningin kakamasid sa chinito gwapitong nasa harapan, tipong kahit habang buhay ay kakayaning pagmasdan ang kanyang kabuuan. Kyah! He's totally handsome to the maximum level of hotness.
"Hey buddy, did you see that woman? I guess she's hitting on you" akbay ng kaibigan nito.
"I think so,"
"You bet she'll go near me"
"Sure, I want your mustang" saad ni Honeyboo tila may binabalak.
Wala yatang segundo ng mayroong lumapit na babaeng tukmol sa dalawang binata. I immediatley prepared my laser eyes alert and
adjusted my vision to the f*****g hoe. Sabi nga nila ang mundo ay malawak na bilihan ng sapatos kailangan maging alerto kundi mauunahan ka sa'yong kapareha. The woman look so cheap though she was wearing branded clothes, like duh?
Bahagyang lumakas ang tugtog na nanggagaling sa deejay dahilan upang lumakas ang kanilang mga boses para magkarinigan. Hindi sinasadyang maulinagan ang kanilang paghaharutan kung saan niyayayang sumayaw ang binata. the f*****g slut! Ito namang si Troy nagpatinaod sa kalandian ng babaeng 'to? Ugh isang lapastangan sa pagmamahal na inaalay ko. Maya-maya'y sumunod sa dalawa habang nakikipaggitgitan sa mga taong nagsasayaw dahilan upang masaksihan kung paano lingkisin ng ahas na babae si Honeyboo.
Aba'y ang lagay ganun na lamang ang lahat?
I've decided to make some vengeful notion therefore, I crammed in the amid part of dancefloor then suddenly pushed the maiden who blocked my way. Nagkunwaring hindi sinasadya dahil kung hindi gagawa ng paraan ay baka tuluyang mangalahati si Troy sa kamay ng babaeng anaconda.
"Hey, are you trying to hurt me?!" sigaw ng babaeng nakabunggo dahil sa pakikipagsiksikan para lamang makarating sa pakay.
"Tumabi ka kung ayaw mong lumipad sa mesa!" singhal sa babaeng tila nasindak sa litanya ko.
Hindi imposibleng gawin ang ganoong karahasan dahil bad vibes sa mga ginagawa ni Troy. Sa dami ng taong itinulak este nagsasayaw sa dancefloor ay pinilit makapunta malapit sa dalawa hanggang sa pumwesto sa bandang likuran ng babaeng kasayaw ni Honeyboo. Kapagkadaka'y naalarma sa mga naririnig mula sa babaeng malandot. Sinasabihan si Troy nang mga kaharutan sa buhay kaya naisipang kumembot ng wagas saka inusog-usog ang babae gamit ang puwet na 'di hamak na mas pretty pa rito.
'Such a flirtatious w***e!'
"f**k, ouch!" reaksyon ng babae
Maya-maya'y narinig mula rito ang mga mahahalay na terminology kung saan malandi lamang ang nakakaalam.
"My place or your place right after this?"
"Your place? I guess?" pakikisakay ng lalaki dahilan upang lalong makaramdam ng inis.
Playing flames? I'm innocent yet my brain was being enthralled with secular things likely their connotations. Alam sa sarili ang mga tinutumbok ng babaeng kasayaw ni Honeyboo.
'You wanna play?'
I sneered with what I'm thinking just to thwart the lewd scheme of this f*****g ugly lady. Gumilid sa dalawa ngunit tinayak na hindi mapapansin saka isinagawa ang binabalak na kalokohan upang masugpo ang kakatihan ng babae.
'Play with my killer stilettos damn maiden'
"Damn, it hurts" napasigaw ang babae.
"Hey, are you okay?" anas ni Honeyboo sa nag-aalalang tono.
"No!"
Halos mangiyak-ngiyak ang reaksiyon ng dalaga marahil sa sakit ng kanyang paa ngunit hindi man lamang ako natinag habang kuntodo ang pag-indayog saka sinasabayan ng tawa.
"Hey you b***h!" duro ng babae sa mala-anghel kong mukha.
"Yes?"
"Do you have any problem with me? Kaninang-kanina mo pa ko binubunggo , tapos ngayon sinadya mong apakan ang paa ko"
singhal nito.
"Me? Can't you see that many people are here, so why are you pointing a finger at me?
"Akala mo hindi kita napapansin, ha?" maangas na saad ng babae.
"Excuse me? Engot ka ba? Ang dilim-dilim paano mo nalaman kung sino ang nakatapak sa mukhang luya mong foot? Itigil mo kasi
'yang kaharutan mo para hindi ka nadadali!" sinabayan ng irap.
"What?!"
"Hey, hey enough" awat ni Troy subalit pareho kaming hindi nagpatinag.
"What I mean is...the hell I care about your forsaken life poor girl!" I even swagged my hands in front of her.
"Hindi ko yata gusto 'yang tabas ng dila mo miss, ha?" anito.
"And so?"
"And so, you're picking a fight, huh?" she folded her arms across the chest.
"Once you hurt me your life will be miserable so if I were you? I'm going to back off!"
Hindi ako masyadong maangas kaya ang tawag sa ginagawa'y reverse psychology dahil ang totoo, natatakot masira ang mukha kapag kinalmot ng babaeng maharot.
"Then I will grant your request, b***h!"
Hinablot ng babae ang hibla ng buhok dahilan upang magkagulo sa gitna ng dancefloor saka humawi ang mga tao upang bigyang espasyo ang kaguluhang nagaganap. Parang naging sabungan ang FlipBar sapagkat nakapalibot ang mga kabataan at ang malala'y nagchi-cheer pa sa'ming dalawa.
"f*****g stop both of you!" away ni Troy
Hindi malaman ang gagawing iwas sa babaeng war freak ngunit ang isang Jana Buenaventura-Xi ay hinding-hindi patatalo kaya nakatikim din ang hitad nang sipa't tadyak sa tagiliran. I never imagined myself doing these desperate things for the sake of guarding my honeyboo. I'll gonna tell this to my future kids, and I'm sure they will be proud of me because I have fought my unrequited love for their future daddy.
"Nana!" tawag ng matalik na kaibigan.
"My god! What happened here?"
Dumaluhong si Samantha upang hatakin ang babaeng nakadagan sa'kin.
"Hey, are you okay?"muling anas ng dalaga habang inaayos ni Samantha ang nagulong buhok dahil sa pakikipagrambulan ko.
"Let me go! I'm gonna kill that b***h!" walanghiyang sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ng bouncer.
I stuck out my tongue just to trigger the woman yet I didn't fail from her epic madness.Ipinagpasalamat na inilabas ng bouncer ang
babaeng nag-aamok matapos malumanay na kausapin ni Troy subalit kalauna'y dumako ang matalim na titig ng binata sa gawi ko.
"And the two of you, what the hell are you doing here?" nameywang ang binata tila nanghihingi ng balidong rason.
Hindi makahuma sa tanong ni Troy dahil ang totoo'y walang maisip na rason kung bakit naririto ang katulad naming menor de edad. I couldn't utter or even mumble any words as if I swallowed my tongue right at this moment. Bahagyang siniko ni Samantha na parang nagsasabing saluhin ang anumang paliwanag kung bakit nakatambay sa ganitong klaseng lugar.
"No one will answer my question, huh?"
"Are you the sole owner of this bar?" I'm hiding my quivered voice not to show any weaknesses.
"No, but I could throw you out in this place!" singhal ng binata kahit maraming taong nakakarinig.
Para kaming mga artistang pinagpipyestahan kahit tapos na'ng kaninang eksena dahilan upang makaramdam nang kahihiyan sa ginagawa ni Troy.
"She did it first. It's not my fault!"
"Still not the right thing to do. Anong pumasok sa kukote mong bata ka para makipag-away?"
"Why? Aren't we allowed to have some fun?"
"Is this what you called having fun? Paano ka nakapasok dito?" he confronted me.
"I have my connections Troy Chua so what's your problem?" nameywang din sa lalaki.
Namataan si Kuya Michael na kumindat lamang tila nasisiyahan sa nangyayaring pagbabangayan. Samantala, kasama ng binata ang ilang HOMIGEN sa puting couch animo walang pakialam na parang nanonood ng koreanovela sa mga eksenang nasasaksihan.
"That's the f*****g problem with you Jana! You're using everybody for the sake of your capricious desires"
"You've just misunderstood me, Troy!" seryosong saad sa lalaki.
"Really? then you aren't good in acting like an angel from above. Tumayo kayong dalawa't ihahatid ko kayo sa mga pamamahay ninyo" singhal nito.
"No, we're going to stay here!" tutol ko sa binata.
"Are you going with me or I'll tell your dad what f*****g happened here? Choose the lesser evil young lady!" inis na inis ang kanyang boses.
"No, you can't do that!" hindi malaman kung magmamaktol o susunod sa lalaki.
"I am capable of doing those mishaps, Jana."
"But, Troy--" I frowned.
Tumayo ako saka nagpapadyak dahil sa kawalang pag-asang nararamdaman dahilan upang sapilitang magmartsa palabas ng Flip Bar, ngunit bago tuluyang lumabas ay tinapunan siya ng mala-asidong tingin na ginantihan naman ng lalaki nang "follow-me-look" bago naunang lumabas sa entrada ng bar. Nagtutulakan kami ni Samantha kung sinong unang papasok sa sasakyan ngunit inunahan ng kaibigang maupo sa backseat, kaya nanlaki ang mga mata dahil walang pagpipilian kundi makatabi si Troy sa harapan. I gulped with the thought of being so close to him. I honestly felt suffocated because of my wild heartbeat everytime when he was near. Hindi kami nagdala ng sariling sasakyan sapagkat nagpahatid lamang sa drayber sa naturang lugar kaya hindi hassle sa lalaki.
Habang tinatahak ang daan pauwi ay namayani ang katahimikan sa loob ng kotse, saka inuna ni Troy ihatid ang matalik na kaibigang si Samantha. Tahimik na bumaba ang kaibigan kapakadaka'y sumulyap ang dalaga tila nag-aalala bago tuluyang pumasok sa pamamahay.
This is the most heart-stopping moment I've ever wanted to come: Interrogation Time.
Sunud-sunod ang malalim na buntong-hiningang pinakawalan ni Honeyboo habang tahimik na nagmamaneho. Maya-maya'y binasag ng lalaki ang hindi mapigilang reaksyon sa kaninang nangyari.
"What are you doing in such kind of place, Jana?" he dangerously asserted.
"I already told you the reason" nangingiming sagot sa binata habang walang tigil ang kakakutkot sa mga daliri upang doon ibuhos ang kabang nararamdaman.
"Don't fool me 'coz you're lying"
"Okay fine. I-I... ahm I-I just want to guard those hoes not to go near you" I sincerely confessed.
"Guard what? Sinong may sabing bantayan mo ko?"
Troy Chua defiantly hurting my heart in the kind of tone he used while lecturing me some good etiquette using his wrath words. Dinaig si Daddy sa pangaral at pangsasabon sa mga kalokohang ginagawa para lamang mapansin niya.
"Those are just one of my obligations as your future wife"
"Pft. What the hell are you talking about? Are you nuts?" he chuckled.
"No, I'm telling you the fact so better be good to me"
Lalong lumapad ang pagkakangisi ni Troy tila hindi siniseryoso ang mga sinasabi ko sa binata; pinipigilan ng lalaking kumawala ang malakas na tawa.
"Then why are you laughing, huh?" padaskol na humarap sa binata.
"Stop claiming that I'm the one for you. It will never happen, Jana Buenaventura-Xi" binuntutan ng tawa.
"No and no and no even if you keep on denying it. Walang mali sa nararamdaman ko Troy, sadyang hindi mo pa lamang na-rerealize 'yang totoong nararamdaman mo para sa'kin" I confidently uttered whilst glared at him.
"Look, young lady, the feeling shouldn't be manipulated it must be truly felt. Before you say those sweet words to me then stop being an immature spoiled brat" he taunted me.
"How many times do I have to tell you that I'm not f*****g immature spoiled brat!" halos maputol ang litid dahil ipinagsisigawan sa lalaking mali ang iniisip niya tungkol sa'kin.
"Really? I've already heard that a hundred times but your actions speak louder than your voice" patuyang dadag ng binata.
Naihilamos ang palad dahil sa pagkadismayang nararamdaman sapagkat umakyat yata lahat ng dugo sa ulo. Nakaka-highblood pala makipag-usap sa mga lalaking chinito. Yung tipong gusto mong buntalin ngunit 'di maari?
The cheeky man seemed to break my heart because of his initial reaction when I confessed my genuine feeling towards him.
In short, he doesn't takes me seriously!
"I'm serious, Troy Chua!" hinampas ang balikat ng lalaki dahil sa galit.
"Don't hit me! I'm driving!" singhal nito.
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko!" I immediately folded my arms across the chest.
"Sure, I'll lend my ears to you baby just save your hellish tantrums later. Honestly, you're just spilling out nonsense, Jana." pikong saad ng binata.
Damang dama ang galit subalit ni hindi pinapansin ng binata habang patuloy na binabaybay ng sasakyan ang palikong daan patungo sa mansyon.
"Kung ayaw mo kong paniwalaan hindi ko problema 'yon. Basta mahal kita simula noon hanggang ngayon"
"Pft."
"Troy Chua, will you please just for f*****g once believe me from what I say?" nanggagalaiting sigaw sa binata.
Ikinagulat ang ginawa ni Troy sapagkat marahas nitong kinambiyo ang sasakyan, kung hindi naka-seatbelt siguro malamang nanghiram na'ng mukha sa dashboard. Marahas lumingon sa binata upang singhalan sana si Troy sa kanyang ginawa ngunit umurong yata ang dila sa kaseryosohang mababakas sa kanyang kabuuan.
"Hindi mo alam ang salitang pag-ibig dahil bata ka pa" saad ni Troy na may halong diin.
He verbalized those phrases with conviction therefore I sarcastically grinned.
"Bata man sa'yong paningin ngunit cute pa rin" then I fastly sticked out my tongue.
"Nana, will you stop pestering me!"
I heartily guffawed with an obvious frustration written on his face towards Jana Buenaventura-Xi. And that's me!