NANG MAKABABA SA KOTSE'Y mabilis lumigid upang makalakad papasok rason para makaramdam ng kaba sa kakaharaping si father bear. I'm hella sure that Daddy will going to scold me or worse disowned me from being pretty and cute stubborn daughter. Samantala. hawak ng binata ang kamay upang alalayan sa madilim na patio patungong solar ng mansiyon. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa ginagawa ni Troy na pag-alalay o pag-aalaga para lamang hindi madapa.
'Ang sweet talaga ni Honeyboo sa'kin!'
"Faster, young lady! Are you walking on the crater?" ani Troy saka padaskol na hinila animo manika.
Ang dreamy yata ng pagkakalarawan sa pagiging ungentleman ng tukmol, mukha namang atat na atat lamang akong isauli sa mansiyon.
"Are you also in a hurry? Going somewhere, Troy?" I winced.
"Yes, I'm supposed to be with my friends yet because of your bratty scheme look at me now, I'm f*****g stuck with you."
"Great!" lumawak ang ngiti sa labi dahil napagtantong hindi kayang tiisin ng binata.
"Tch. I can't believe this!" he rolled his eyes.
Umirap ang lalaki tila nababanas na kumamot sa ulo ngunit ang mga kilos ni Troy ay lalong dumaragdag sa kanyang kakisigan. Mabuting nandito siya kapiling ko kaysa makipaglandian sa mga babaeng haliparot na maaring makikilala ni Honeyboo sa Flip Bar. I shouldn't be complacent because of those bitches who wanted to seize my future husband.
TULUYANG NAKAPASOK SA MANSIYON, duon nagmamadaling sinalubong nang isa sa mga kasambahay.
"Ave Maria, por dios por santo, Senyorita! Kanina pa ho kayo hinahanap ni Don Eduardo."
'Medyo nakaka-timang mga tao sa mansiyon, tipong iba-iba ang punto na parang kasapi ng United Nations. May relihiyosong katiwala akala mo papalit sa divine mercy sa Quiapo, may galing din sa Siquijor tila alam ang lahat ng pangontra sa aswang at this millennial epoch. Like, duh?'
"Manang kalma, ligtas ako!" anas sa matanda.
"Jusko! Santo santisima, Senyorita! Ang sabi niyo po sandali lamang kayo sa labas, inabot na po kayo ng alas diyes impunto---galit na galit po si Don Eduardo." nag-antanda ang kasambahay.
'I'm about to pull the soul of Manang from the deep, deep holiness of her words. Whatever!'
Kahit dinadaan sa patutsada'y hindi maialis ang mga dagang naghahabulan sa dibdib dahil sa takot na sumasaloob sa mga sinabi ng kasambahay patungkol kay Daddyboo. Hindi lamang ito ang unang beses na nagalit ang ama sa pagiging pasaway kuno' sapagkat nililihim sa matanda ang pagiging stalker o buntot ng binata kaya kadalasa'y umuuwi ng gabi o kaya maghahabi ng rason para lamang pagtakpan ang kalokohang nasasangkutan. Ayokong malagay sa peligro ang titulong hahawakan sa mga susunod na taon bilang nag-iisang tapagmana ng Xi Empire. Buti hindi malupit si Daddyboo kapag nagagalit---basta tamang sigaw at pangaral ang formula para lamang humupa ang kanyang dragonic side. My father loves me so much therefore, I'm not going to do anything that will surpass the limitations of being his daughter. Kasalanan lahat ni Troy kung bakit nagiging suwail dahil sa pagiging malandot ng binata'y kailangang guwardiyahan 24/7 upang hindi magaya sa ilang miyembro ng HOMIGEN maliban kay Kuya Michael na mahal na mahal ang asawa.
"You can go back to your room, I can handle this young lady, Manang Cely." saad ng binata.
'Kahit napilitan lamang talaga siyang ihatid ako? Kunwaring mabait akala mo papalit na santo sa altar ni Manang Cely. Hmp!'
"Where's Daddy?" putol ko sa pagkukunwaring anghel ng lalaki.
"Nasa lanai ang daddy ninyo, nagpapahangin habang hinihintay po kayo, senyorita."
Lumakad patungo sa kinaroronan ng matanda subalit pinigilan ang binata dahil biglang sumagi sa isip ang mga sinabi ni Troy. 'Hindi kaya totohanin niya ang pagsusumbong sa eskandalong naganap sa Flip Bar kanina?'
"Wait a minute!" hinaltak ang braso ng lalaki rason upang muntik matumba subalit kagyat ang reflexes ni Troy kaya mabilis nahagip palapit sa katawan ng binata. Effective rin pala kapag lampa ka?
Halos kumabog ang dibdib tila maca-cardiac arrest dahil magkalapit ang katawan, parang may world-war three sa puso ko! Hindi mapigilang mailang sa ayos naming dalawa ngunit si Troy ang unang nakabawi kaya sininghalan sa pagiging impulsive na mas nakadagdag sa paglagabog ni flirty heart.
"Why did you pull me, huh?" he arrogantly asked.
"A-E-I-O-U k-kasi...Troy?" I stammered.
Pati yata utak napasok ng Troy Fever marahil epekto nang yakap ng lalaki kung kaya hindi maproseso ang buong sistema hanggang sa kalauna'y natauhan ang binata saka binitiwan upang pagbigyan sanang makaisip ng rason subalit nabato-balani ang dila sa maaring bigkasin.
'Nana, nagmahal ka yata nang isa sa mga miyembro ng budol-budol gang?'
"I'm begging you, please? Don't tell anything to dad. He will surely punish or worst grounded me for some week or so; if he discovered those scandalous troubles in which I have gotten involved." I clearly stated.
Naka-cross finger nang walang habas habang mariing nakapikit subalit ni walang salitang narinig mula sa binata hanggang sa kumunot-noo sa malakas na halakhak ni Honeyboo sabay sagot ng dalawang letrang kasuklam-suklam na halos magpadurog sa puso.
"So?"
Ibang klaseng nilalang ang nasa harap animo chinitong nakalimutan yata ang salitang compassion at love! Di kinakaya ang kaguwapuhan o kasamaang taglay ni Troy Chua. Ni hindi man lamang naawa sa pagsusumamo ng isang cute, pretty, at smart na si Nana. Tuluyang dumiretso sa lanai ang binata habang naka-plaster ang nakakalokong ngiti dahilan upang mas kabugin sa takot ang dibdib o mamawis ang singit sa kili-kili lalo't natanaw ang bulto ng amang nakaupo animo nag-aabang sa labas.
"Mr. Xi," tawag ni honeyboo kay Daddy.
Marahas na lumingon ang matanda kaya napansing mababakas ang galit sa kanyang mga mata subalit hindi sa binata kundi para sa nag-iisang maganda sa buong mansiyon.
'Nana, galit na naman si Daddyboo!'
"Where have you been at this dusky hour, Jana Buenaventura-Xi?" dumagundong ang sigaw ng ginoo sa buong lanai.
Mukhang kanina pa naririnig ang buong pangalan magmula kay Samantha, kay Chua ngayon pati kay Daddy. Tingin yata nila hindi kabisado ang sariling pangalan. Hanggang sa naputol ang pagsisintemyento sa utak nang sa pangalawang pagkakatao'y suminghal ang ama.
"I'm asking you, Jana, aren't you going to answer me, huh?"
"D-dad a-ano kasi...uh...pumunta lamang sa---"
's**t! Hindi puwedeng sabihing nagpaka-amasona o sinundan si Troy at ang mas malala ay nagpaka-war freak, nanabunot, nanampal ng isang bitch.'
"With all due respect if I'm getting myself involve in this matter, sir." Dumako ang mata sa lalaki dahil sa takot na gatungan ni Troy ang galit ni father bear.
"What do you mean, hijo?" the old man frowned.
"It was my fault for the reason that I invited your daughter to have some dinner with me; I also didn't expect that we would encounter some bad traffic on our way home. Hindi rin po namin nagawang makapag-paalam sa inyo," litanya ng binata kaya't hindi mapigilang kiligin sa mga pagtatanggol ni Troy, tipong kahit nasa kalagitnaan ng alanganin ay may lugar pa rin ang kalandian sa sistema.
"I don't believe you, hijo."my father uttered and didn't accept the alibis of my honeyboo which cause me to get nervous even more.
"B-But, Sir?"
"I know my daughter more than anyone here and I appreciate your concern, hijo."
"Sorry, Sir." magalang na paumanhin ni Troy saka tahimik na yumukod ang lalaki.
"It couldn't help Nana to learn some lessons in life and I won't allow this kind of behavior inside my house that's why I'll gonna give her another punishment."
"Dad...?" I merely shouted.
"Go to your room Jana and you're grounded again!"
I can't help myself from crying for being so hopeless nonetheless because of going home late. 'This is purely absurd!'
"But Dad? I headed home safe!" katwiran sa ama.
"Still. You didn't ask any of my permission to go out or at least give any details if were where you were!" galit na saad ng matanda.
I rolled up my eyes and stomped my feet because of his unreasonable restrictions.
"Oh, I hate this life. Why are you always cruel and---and punish me as if I never do any good deeds even once?" I shouted back.
"I'll be cruel not until you've learned how to value your family, decisions, and time, Jana!"
Natigilan sa mga pahayag ng ama ngunit hindi parin nawawala ang inis at panginginig dahil sa galit.
"What is it this time, Dad? Not using my gadgets for one week? Not going anywhere except school? What now, Dad?" I exasperatedly gave some of the expected punishments coming from my father bear. The red-rimmed nose of mine got the bricked of itchiness maybe because of the trickled tears on my face.
"Maybe I should find someone who will keep an eye on you," anang matanda habang hinahaplos ang sariling baba.
"For what Dad? Para bawat kilos ko ultimo pagtae, ligo o pangungulangot sa kuwarto iparating sa'yo, ha?" I rolled up my eyes.
It's really difficult to be the only daughter of Eduardo Xi-- The most over-acting, melodramatic father of all time since I hit the puberty stage unlike before when I'm just a pretty little girl and the only apple of his eyes.
"Where's your manner?" mas ikinagalit ni Daddyboo ang mga sinabing katwiran.
"Honestly, you're being exaggerated, Dad!" halos manakit ang lalamunan sa pinipigil na inis.
"Rant all you want but my decision is final. If you want me to lift down your punishment then thwart your bratty attitude, Jana Xi!" seryosong singhal ng matanda.
'Even my father judged me as bratinella?'
"Hire whoever you desire cause' I don't give a damn, Dad!" halos magsumigaw at mawasak ang larynx dahil sa namumuong inis sa ama.
"I don't need to hire anyone 'cause Troy will do it for me," saad ni Daddyboo.
"Sir?"
Napaturo ang binata sa sarili kasabay nang nanlalaking butas ng ilong sa hindi inaasahang tungkulin galing sa'king ama. Kulang ang paglalarawan kung ikukumpara sa vacuum upang singhutin na lamang si Nana para mawala sa mother earth.
"I hate you Daddy you can't do this to me!" I swiftly presented my melodramatic words and then walked away from them before a victorious smile formed on my luscious lips.
Hinawi ang buhok sa tenga saka muling umirap sa dalawang lalaki hanggang sa padabog na pumasok sa loob ng mansiyon. I ran towards my private room and put all my anger from these pillows over my bed. I punched it just to release the hatred from my father bear for meddling all my decisions in life.
'Bakit ang tingin nang lahat ng tao saki'y isang attention seeker?'
'Bakit parang wala akong say sa pagdedesisyon sa sariling buhay? Ang palaging rason ni Daddy? I'm still young and vulnerable or
worst gullible? How many times do I have to prove to them that I'm not a f*****g child anymore! And yet the worst he punished me from going somewhere else not unless Troy Chua is around?'
'Troy Chua is around?'
Naiwan sa ere ang pakakawalan sanang suntok nang mapagtanto ang mga sinabi ng ama hanggang sa tuluyang mag-echo ang kanyang salita sa kamalayang nag-aadik sa lalaking chinito gwapito.
'Troy will do it for me'
'Troy will do it for me'
'Troy will do it for me'
"Stop, Nana!---I have to breath!" pinaypay ang sariling kamay sa harap ng mukha hanggang sa yakapin ang unan saka isinubsob ang mukha habang hindi mapalis ang ngiti sa labi.
'I'll gonna kiss my dad for being so generous!'
Hindi malabong makasama ang binata ng madalas dahil ayon kay father bear babantayan ni Troy ang bawat kilos ko. Ang ibig sabihin, ang binata na mismong dahilan ng kalokohan ay siya ring sagot sa paglaganap ng Nana Virus?
Walang sabi-sabing tumihaya pahiga sa malawak na kama animo nangangarap ng gising dahil abut-abot ang imahinasyong tumatakbo sa wild brain patungkol kay Troy Chua.
'My honeyboo will be mine soon!'
Hanggang sa niyakap ang unan na kanina lamang ay halos pagdiskitahan sa inis na nararamdaman.
**
MATAPOS MAG-USAP ukol sa mga pabor na hinihingi ni Mr. Xi saka nagpasyang magpaalam upang balikan ang mga kaibigan sa Flip Bar subalit bago wakasan ang mga pagmamarakulyo, hindi maiwasang magreklamo sa mga dinalang kalokohan at kamalasan ni Nana lalo sa larangan ng pakikipagbolahan sa babae. Kahit kailan talaga pahamak ang batang asungot na 'yon sa buhay ko!
Apat na taon ang nakalilipas magmula ng makilala ang mag-amang Xi sa pamamagitan ni Michael Villaluna-Ayala III. Isa sa miyembro ng HOMIGEN at pinakamatalik na kaibigan na kung saan eksaktong nakatoka sa ilang negosyo ni Eduardo Xi maging sa ibang bansa, sapagkat ang matandang chinese national ay mentor ni Ayala. And, I was looking an investor for my newest project so Michael recommended his mentor not knowing that it will be the start of my deluge when I met his proactive, annoying, and only brattinella little baby: Jana Buenaventura-Xi.
Hindi maiwasang kumulo ang dugo kapag naaalala ang kasutilan ng batang si Nana; kung minsan pinagsisisihan na pumayag maging kasosyo at accessory ng matanda basta tungkol sa nag-iisang anak ng huli. He was asking me some favor for Nana which promptly taking care or babysit his only daughter. Napasubo sa nais ni Eduardo Xi para sa kanyang nag-iisang prinsesa...prinsesa ng kasutilan, kakulitan at higit sa lahat prinsesa ng kadramahan subalit sandaling natigilan sa mga ala-alang konektado sa dalagita.
ANG NAKARAAN
"I forgot to introduce my new business partner. He is Troy Chua and one of your Kuya Michael's friends and he could also be your Kuya ~~ Well Troy this is my daughter, Jana Buenaventura-Xi but she mostly preferred calling her Nana."
Bahagyang tumango sa dalagitang nakatingin at marahil kung sorbetes ako? Pustahan cone na lamang ang matitira sa klase ng titig ni Jana. I am fully aware that I could easily get someone's attention in a split of my infamous wink yet in different circumstances, she's somehow attractive but Jana is too young and too brat. From how she speaks, how she moves, and especially how she glared.
Basang-basa kaagad ang kanyang ugali base sa pakikipag-usap ng dalagita sa kanyang ama. Si Nana ay tipikal na sosyalerang babae na namumuhay sa konseptong entitled siya sa lahat ng bagay sa mundo. I love women but I do have standards and one of those are values and high senses. Jana Buenaventura-Xi is purely an exemption to all my rules which I conformed as my qualifications nonetheless she is absolutely none of the above. After the day we met, I received sweet greetings from an unknown number.
'Good morning and have a nice day!'
Out of my curiosity, I texted back and asked who owned those digits.
'Do I know you?'
Then someone immediately sent some feedback
'Hi, this is Nana!'
Sa simpleng palitan ng conversation galing sa dalagita nagsimula ang lahat nang kalbaryo at dagok sa pagiging matinik sa mga babae. 'What the f**k!' Kung hindi siguro pinansin ang asungot edi sana hindi umabot sa sukdulan ang kakulitan ni Nana. Simula noon ay madalas na magpadala ng mensahe ang batang peste tipong usung-uso sa babae ang flooded messages; halos pasabugin ang inbox sa mga kalokohan dahilan upang magpalit ng simcard para hindi maabala o tumunog ng maraming beses ang phone kahit sa meeting, kubeta o kung saan mang sulok ng mundong kinaroroonan.
Hinding-hindi malilimutan ang isang pagkakataong nagdala nang ka-date na beauty queen at kasalukuyang title holder sa kung saan isa sa mga pagtitipong naganap sa mansion ni Richmond Alcantara.
Most of the tycoons, and businessmen were blatantly present at the particular event therefore I have to grab that kind of opportunity to widen the array of my network, not knowing that Jana and her father are also invited as one of their major sponsors. Moreover, my date and I became intimate and explicit for being so close to each other but after I excused myself for a moment to take some call of nature something terrible thing happened...
"I'm sorry to keep you waiting," saad sa babae ngunit nang akmang ilalapit ang mukha tipong halos magdikit ang molecules ng laway namin kapagkadaka'y lumayo ang dalaga tila tumikwas ang labi na parang nandidiri.
"Forgive me Troy, I don't know how to say this but you're more than aware that I'm very conscious about my aesthetic appearance, right? Hindi ko kakayanin kung didikit ka pa kahit isang pulgada dahil baka mahawa ako," muling tumikwas ang labi ng babae.
"What the f**k are you trying to say?" I frowned
"Someone told me with your dirty little secrets about your personal hygiene." umaktong naduduwal ngunit pinipigilan ng maarteng dalaga.
'Anong gustong palabasin ng babaeng 'to? Na hindi uso sa malaking pamamahay ko ang tubig?'
"And who f*****g told you those gossips?"
"She wasn't familiar to me or didn't bother to tell her name maybe for some privacy, I guess?"
Ang lagay naging concern citizen pa pala ang kung sinong makati ang dila sa pagkakalat ng kasiraan sa pagkatao ko.
"You didn't even know this f*****g woman so how come you f*****g believed her?"
"She described you as if this young lady knew you for a long time," she muttered.
"And if that's the case, then describe her too," anas ko at halos maningkit ang mga mata sa pakilamerang tsismosang nanira sa ka-date noong gabing 'yon. Buti na lamang ay mukhang nakumbinse ang maarteng babaeng ilarawan ang kabuuan ng taong may mapanirang dila.
"She's pretty, somewhat witty and her chinita eyes reflect the whole personality of that young lady." ani Gretchen.
May idadagdag sana ang dalaga ngunit napagdesisyunang tumungo na sa taong sinasabi ng babae dahil ang pangalang Jana Buenaventura-Xi lamang ang pwedeng gumawa nang gano'ng walang kakuwenta-kuwentang tripping kaya sinuyod ang kabuuan ng venue upang pagbayarin sa ginawang paninira sa'kin, hanggang sa natagpuan ang dalagita sa tumpok nang mga kaedad nitong dumalo lamang sa party upang magpasikat at magpapansin. Titig na titig sa dalagita habang nagpupuyos ang aking kalooban kalauna'y tumingin si Jana sa gawi ko inakala yata ng babaeng gusto siyang makausap. Assuming talaga ang batang 'to! Masiglang lumapit sa kinaroroonan ko saka sinabayan ng malapad na ngiti.
"Hello Troy!" she waved her hand.
Gustong sumambulat ang naipong galit sa pagkapikon dahilan upang hilahin ang dalagita sa sulok kung saan mangilan-ngilan lamang ang nagagawing bisita.
"Ouch," she immediately wielded her arms.
"You should've expected this kind of rage, Jana!"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" sigaw nito.
"Don't you f*****g fool me, Nana! Anong sinabi mo kay Gretchen para pandirihan ako, ha?"
Imbis magpaapekto ay pigil ang tawa ng dalagita kaya mas nainis sa kanyang ikinikilos.
"I have no idea what are you up to Troy!"
"Don't pretend as if you're f*****g innocent victim here, Nana." I cussed.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at wala akong pakialam sa ka-date mo!" she shouted.
"Wala ka bang ibang ginagawa bukod sa pestehin ako araw-araw Jana, ha?"
"Excuse me, Troy Chua! I don't have any plans of troubling your idealistic life. Kiss my butt if you want, man!"
'Argh! She's a pain in the ass!'
"Stop saying nonsense!" sabad ko.
"Then stop accusing me nonsense, Troy!"
"I am not accusing you 'cause I'm stating a fact."
"Well not my problem anymore!" she rolled up her eyes while using a babytalk tone.
"Who the f**k is always chasing me, huh? Sino sa palagay mo ang sinasabi ni Gretchen na chinita? Ikaw lamang ang akma na mukhang chinese dog na sunod nang sunod sa'kin!" I hissed.
Matapos bitawan ang mga masasakit na salitang matagal na pinipigilan ay kaagad rumehistro ang lungkot at sakit sa kanyang mukha. I knew that she'd gotten hurt but Jana totally pushed me till edge.
"What do you want me to call you--- a fidget stalker?"
Mas bumalatay ang sakit sa mukha ng dalaga halos lumalim ang pagkakakunot ng noo.
"I'm just being jealous Troy Chua. Nagseselos ako sa tuwing nakikita kitang may kasamang ibang babae. Sa tuwing binabalewala mo 'ko nasasaktan ako dahil ang tingin mo sa'kin ay batang walang magawa! How many times do I have to prove to you that I wanna spend the rest of my life with you on the soonest future because you are only mine, Troy Chua!"
A fourteen-year-old girl confessed her admiration to Troy Chua and honestly it sucks. Walang naging reaksiyon ngunit hanep sa pagiging mabilis ni Nana dahilan upang hilahin palapit sa kanya. I'm literally laughing because of how she forced herself to kiss me and faking it perfectly as if Nana knew what she was doing. Halos iduldol ng dalagita ang kanyang nguso kaya ako na mismo ang unang tumulak sa babae.
"What was that kiss for?"
"Admit that you somehow like it, Troy." anas nito at ang yabang nang kaniyang pagkakasabi dahilan upang hindi mapigilang matawa na halos ikasakit ng tiyan.
"Is that what you called f*****g kiss? I feel like kissing a mirror or better yet my palm." I taunted her.
Hanggang sa tumakbo ang bata marahil sa pagkapahiyang naramdaman sa mga sinabi ko.
ANG KASALUKUYAN
IYON ANG UNANG PAGKAKATAONG nagtapat si Jana Buenaventura-Xi kulit paslit sa kanyang totoong nararamdaman subalit hindi namalayang apat na taon na pala'ng nakalilipas. Kapagkadaka'y naging sistemang habulin o kulitin ng dalaga na kadalasan ay binabalewala sapagkat hindi naman magtatagal ay magsasawa rin ang bata, malamang mapapagod din sa kalokohan subalit habang tumatakbo ang panahon ay bahagyang naaalarma sapagkat sa susunod na buwan ay hindi na bata si Nana. Paano makakawala kung mismong sarili ang naging pain upang mapalapit lalo sa dalagang kakambal yata ang kakulitan? Hindi tuloy mapigilang mahampas ang manibela dahil sa nararamdamang pagkabigo saka pinatakbo lamang ng matulin ang sasakyan sa daang patungo sa mga kaibigang naghihintay sa Flip Bar.
"s**t bahala na..."