Chapter 61 “Hmmm... Good morning to my wife.” Sumiksik si Alex sa kaniyang leeg at ang kamay nito ay nasa kaniyang baywang. Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng kasal nila ni Alex. May sariling silid na si Klie at si Marliya ang kasama nito doon. Si Marliya na kasi ang nagbabantay ngayon kay Klie, ito na ang naging tagapag-alaga ng kaniyang anak. Binabantayan rin kasi nila ang kondisyon ni Klie dahil napapansin niya ang mabilis na pagbabago rito. Dalawang araw pa lang pagkatapos ng kasal ay napansin niya ang mabilis na paghaba ng buhok nito at lumaki rin ito. Isa pa ay napansin niya na kaya na rin nitong sumulat. Sinabi sa kanila ni Marliya na ang pagiging hybrid ni Klie ang dahilan. “Alex, lumalaki na si Klie,” sabi niya. “And? Do you want a second baby?” Nanlaki ang mga

