bc

The Sweetest Bite III (A Lifetime with You)

book_age16+
2.5K
FOLLOW
4.7K
READ
revenge
possessive
powerful
tragedy
bxg
vampire
another world
first love
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

"You will never see her, I will not let you."

Akala ni Robin ay hindi na silang magkikita muli ng lalakeng unang minahal niya. Akala din niya ay ubos na ang mga luhang naiiyak niya nang gabing saktan siya nito at piliin nito ang babaeng minsan nang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Robin will never let Alex touch her again, she will never let him enter their life again. Now that she's stronger and she can defend herself and her daughter, hindi niya hahayaan pang muling makalapit ito sa kanila.

Tapos na ang lahat sa kanila. Wala na itong pamilyang babalikan pa.

chap-preview
Free preview
Prologue
NOTE: MABABASA NA PO ITO SA ALL NOVEL. Watch ads lang po doon at hindi na po kailangan ng coins. This story is still UNDER EDITING sorry for the errors. Robin I thought that after what happened to us everything will be alright. Masaya na sana, eh, masaya na dahil hindi na lang kaming dalawa, masaya na dahil nadagdagan na kami ng isa, pero ano ang nangyari? "Mahal na prinsesa, ipinapatawag po kayo ng mahal na hari." Napatingin ako sa kawal na nagsalita, narito ako ngayon sa hardin sa labas ng kastilyo ng verthron habang nakatingin sa aking anak. "Mama! mama!" Napangiti ako nang magsalita ito at ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. "Pakisabi ay susunod na ako," sabi ko sa kawal na naghihintay ng aking sagot. Nang tumango ang kawal ay nilisan na nito ang hardin at ako naman ay tumayo upang lapitan ang aking isang taong gulang na anak. Naglalakad ito palapit sa akin at nang nasa harapan ko na ito ay yumakap ito sa aking binti. "Mama... papa?" Nakagat ko ang aking pang ibabang labi nang banggitin niya ang salitang iyon. Ito ang unang beses... saan niya narinig ang salitang papa? Dada ang tawag niya kay Nathan. Pasensiya ka na anak, wala sa piling natin ang papa mo, hindi na siya babalik, eh. May iba na siyang pamilya. "Robin." Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan, nakita ko si Nathan at ang kaniyang ina na si Nathalia. Ngumiti ako sa kanila at binuhat ko ang aking anak. Nang makalapit kami ng aking anak sa kanila ay nakita kong nais sumama ni Klie kay Nathan. "Dada..." "Kamusta ka, Klie? baka naman pinahirapan mo sa pag-aalaga ang iyong ina, ha?" sabi ni Nathan sa aking anak. Napangiti ako nang umiling ang anak ko at humilig kay Nathan. Yumakap ito at pagkatapos ay nang ilang segundo ang nakalipas nakita ko nang nakapikit ang anak ko at natutulog na. "Mukhang napagod maglaro? hindi ka ba naman nahirapan sa pag-aalaga, Robin?" tanong ni Nathalia sa akin. Umiling ako at lumapit kay Nathan na buhat si Klie, hinalikan ko sa noo ang aking anak at pagkatapos kinuha ko ito kay Nathan. "Madali lang naman alagaan si Klie, Nathalia, basta's bigyan mo lang siya ng mga laruan ay maglalaro na sa isang tabi. Hindi naman siya ganoong kalikot." Sabi ko. Nang maglakad kami papasok ng kastilyo ay nakasalubong namin ang ilang mga kawal, at mga wizards ng verthron. Yumuko ito sa amin at pagkatapos ay bumati. "Abala ang mga narito ngayon dahil sa nalalapit na kaarawan ng anak mo, Robin, mukhang hindi papayag ang hari na simpleng pagsasalo-salo lamang ang mangyari tulad ng gusto mo." Sabi ni Nathalia. Mukhang hindi nga dahil napakaraming mga taga ibang lugar ang inimbita ng aking kapatid at talagang nasasabik na siyang ipakilala ang aking anak sa lahat. "Mahal na prinsesa!" Napatigin ako sa aking kaliwa nang marinig ang boses ni Callia, kasama niya ngayon sina Liva, Lica at LIixa. "Ay! tulog ang munting prinsesa natin, hala hala, nais ko pa namang makipaglaro sa kaniya." Sabi ni Callia. Ngumiti ako, "Mamaya, tiyak na mababaw lang ang tulog ni Klie, makakapaglaro ulit kayong lima sigurado ako." Nagpalakpakan sila at pagkatapos ay sumabay na sa aming maglakad. Nang marating ko ang silid ng aking kapatid ay nagpaalam si Nathan at Nathalia sa akin na didiretos na sa hall, ako naman ay pumasok sa loob ng silid ng aking kapatid at nakita ko siyang nilalaro naman ang pangalawa niyang anak. "Oh, mukhang napagod sa paglalaro sa labas?" Tanong ngkapatid ko sa akin. "Robin, iwan mo muna dito sa akin, itatabi ko kay Hendrix sa pagtulog." Sabi ng asawa ni Kuya. Lumapit ako sa kanila at maingat kong ibinaba sa kama ang aking anak, nang makita ko ang himbing na himbing na mukha ni Klie ay dumukwang ako upang dampian ito ng halik sa kaniyang noo. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama. Kahit manlang mata, o di kaya'y bibig ay hindi mo manlang nakuha sa akin. "Sa labas tayo mag-usap, Callie." Sabi ni Kuya sa akin at tumango ako. "Mamaya mo na lang kami balikan, Robin." Tumango ako sa asawa ng aking kapatid at nang naglakad na palabas ng silid. "Maiiwan na lang kami dito sa loob mahal na prinsesa!" sabi ni Liva at tumango naman ako. Habang naglalakad kami ni Kuya ay nararamdaman ko na ang nais niyang pag-usapan namin. Hindi pa ako handang pag-usapan ang bagay na ito pero kinakailangan. Alam kong darating sa punto na magtatanong ang mga nakapaligid sa amin kung sino ang ama ni Klie lalo na ang pamilya ni Alex na ang alam ay nalaglag ang aking anak. "Hindi kita nais pangunahan, pero ano ang sasabihin mo sa pamilya ng bampirang iyon?" Napapikit ako sandali. Pinigilan ko na huwag tumulo ang mga luha na nagbabadya nang makawala sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dahil muli ko na namang naalala ang gabing iyon nang muntikan nang mawala ang anak ko. Simula rin nang malaman ng kaptid ko ang ginawa sa akin ni Alex nang gabing iyon ay hindi na niya itong muli tinawag pa sa pangalan. "Kung ano ang makabubuti sa aking anak ay gagawin ko kuya. Hindi na ako ang dating Robin na nanggaling sa mundo ng mga tao. Hindi kailangan ng anak ko na makilala niya pa ang kaniyang ama. HIndi siya nito kailangan. Wala din akong dapat na sabihin sa ibang tao tungkol kay Klie." Sabi ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumango ang aking kapatid. "Paano pag nalaman nilang buhay ang anak mo?" "Malalaman at malalaman nila kuya, lalo pa sa malaking pagdiriwang na ihahanda mo." Nakita kong ngumiti si Kuya sa aking sinabi. Matagal na namin itong napag-usapan. "Balak mo talagang itago ang anak mo sa pamilya ng bampirang iyon?" Naikuyom ko ang aking mga kamay. Nang gabing itulak ako ni Alex, nang gabing akala ko ay nawala ang anak ko ipinangako ko na hindi na ako babalik pa sa vampire's haven. Nang akala kong nalaglag nang tuluyan ang anghel sa sinapupunan ko ay isinumpa ko na ang lugar na iyon. HIndi rin ako pinigilan noon ni Tita Meredith at Tito Aleister, iyak naman ng iyak si Khia sa desisyon kong pag-alis. Wala ni isa sa kanila ang pinahintulutan kong makadalaw sa akin dahil sa inakala kong nawala na ang aking anak. Nagdamdam ako ng sobra, hanggang sa malaman ko na hindi tuluyang nalaglag ang anak ko. Sinikreto ko ang lahat, walang nakakaalam sa kanila na nabuhay ang anak ko. Ngayon na ipagdiriwang ang isang taon ni Klie hindi ko hahayaan na makalapit si Alex sa anak ko. Hindi ko na hahayaan pang malapitan niya ako. Isang taon, sa loob ng isang taon ay kinaya ko lahat, kinaya kong mag-isa habang siya... habang siya kasama ang babaeng iyon. "Ang balita ko ay natapos na ang pagdiriwang ng anak ng bampirang iyon? isang taon na din ang lumipas." Hindi ko na iyon pinansin. Masaya naman si Alex, masaya na siya ngayon sa kaniyang pamilya. "Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang aking anak, ang mahalaga ay ang kaligtasan ng ating pamilya at ng ating mga nasasakupan. Wala na akong panahon pa para sumagap ng mga balitang walang kwenta, kuya.” Kahit na anong mangyari ay hindi ako makapapayag na malapitan ni Alex ang anak ko, hindi ko siya hahayaang makalapit sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya pinili ang babaeng iyon kaysa sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako nagawang saktan at sa harap pa ng babaeng iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook