Chapter 1

1238 Words
Chapter 1  Robin Ang nanlilisik na mga mata ni Alex ay hindi mawala sa aking isipan, hindi ko rin makalimutan kung paano niya hinapit palapit sa kaniya ang babaeng iyon. Naikuyom ko ang mga kamao ko habang ang mga luha ay patuloy na tumutulo sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala, hindi... para akong sinabugan ng bomba sa aking harapan. Ano ang nangyari? Bakit? “Robin...” Napatingin ako kay Khia, pati siya ay lumuluha, ngayon ay hinihintay ko ang resulta tungkol sa pagdurugo ko. Hindi ko kakayanin kung pati ang munting anghel sa sinapupunan ko ay mawawala pa dahil sa ginawa ni Alex. “Nasaan si Maxis? Hindi ba at  siya  ang magsasabi kung ano ang kalagayan ko ngayon?” tanong ko. Si Khia lamang ang nasa loob ng silid na aking inookupa, nasa labas si Sayah pati na ang mga magulang ni Alex. Lahat ay nagulat sa ginawa ni Alex sa akin, maski ako ay hindi ko iyon inaasahan. Ang ginawa niyang pagtulak ang dahilan kung bakit ako dinugo. Hindi ko kakayanin kung ang anak ko ay mawawala pa sa akin matapos ng aking nasaksihan. Ilang araw lang... sa ilang araw na iyon ano ang nangyari sa kaniya? “Robin, kinakausap na ni Alejandro at Xandro si Alex, naroon sila ngayon sa zone 3.” Sabi ni Khia. Ngunit sarado ang aking isipan sa kaniyang sinabi. Ang tanging nais ko lang na malaman ngayon ay kung ligtas ba ang anak ko sa aking sinapupunan. Hindi ko na gustong malaman pa ang tungkol kay Alex pagkatapos ng tagpo namin kagabi. “Robin, magsalita ka naman... sinusubukang alamin ni Alejandro at Xandro ang nangyayari kay  Alex, maski kami ang nagulat sa kaniyang inakto. Alam namin na hindi niya iyon magagawa sa iyo at alam mo din iyon, hindi ba?” Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang isasago kay Khia, nang tumingin ako sa kaniya  at nang makita niya ang patuloy na pagdaloy ng mga luha ko ay napaawang ang mga labi niya. “Pero nagawa niya sa akin, Khia. Ano ang maaaring dahilan? Naroon siya sa zone 3 hindi ba? Nagta-trabaho at may tinatapos, ano ang maaaring dahilan, bakit niya iyon ginawa sa akin? Kung bakit niya ako sinaktan at sa harapan ninyo pa?” “Hindi ko maintindihan, Khia, mahal na mahal ko si Alex. Sabik na sabik ako sa aming pagkikita pero bakit ganito?” Hindi ko maaamin sa sarili ko na hindi iyon si Alex. Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin pero alam ko rin na hindi ibang nilalang ang nasa harapan ko ng mga oras na iyon. Naramdaman ko ang bond naming dalawa, ngunit wala na iyong silbi dahil sa pagkamuhi na mayroon siya sa kaniyang mga mata. “Robin...” “Ayokong malaman ito ng kapatid ko, tiyak na magkakagulo. Pakiusap, pakisabi sa mga magulang ni Alex na ilihim muna ito sa pagitan ng pamilya ninyo at sa akin. Hindi ko nais na... na gumawa ng hakbang ang kapatid ko dahil sa ginawa ni Alex.” Naipikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang mga salitang binitawan ni Alex kagabi. Kung paani niya sabihin sa aking harapan na asawa niya si Hermiliah. Kahit na ang babae ay nagulat sa inakto ni Alex at mukhang hindi nito iyon inaasahan. “Mahal na prinsesa...” Napatingin kami ni Khia sa pinto nang may magsalita sa labas. Pinunasan ko naman ang aking mga luha at pagkatapos ay hinintay kong pumasok sa loob ng silid ang nagsalita. “Pasok.” Sabi ni Khia. Nang pumasok si Sayah ay yumuko ito sa amin, mayroon siyang hawak na sobre at pagkatapos ay iniabot niya iyon sa  akin. Sa tatak pa lang ay alam kong galing na sa verthron ang liham, maaaring galing iyon sa aking kapatid. Kinabahan ako, hindi kaya nakarating na sa kaniya ang nangyari? Nang tumingin ako kay Khia ay umiling lamang siya. “Walang ibang pinagsabihan ang mga nakasaksi ng nangyari, Robin. Maski si Tito Aleister at Tita Meredith ay tikom ang mga bibig dahil nais nilang irespeto ang kagustuhan mo na ilihim muna ang nangyari. Sa totoo lang ay nagpapasalamat sila dahil sa kabutihan mong ilihim ito, alam nila tita na maaaring ipatawag si Alex dahil sa p*******t na ginawa niya sa iyo.” Sabi ni Khia. Napayuko siya, nang tumingin siya kay Sayah ay nginitian niya ito. “Bakit hindi ka pa magpahinga?” tanong niya sa kaniyang tagabantay. “Trabaho ko ang magbantay sa inyo mahal na prinsesa.” Sabi ni Sayah sa akin. Ang lahat ngayon ay nag-aalala sa akin dahil sa nangyari. Paano kaya si Alex? ano kaya ang ginagawa niya ngayon? “Robin...” Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko si Alejandro. Mag-isa lamang ito, mukhang kababalik lang nito galing sa zone 3. “Ano ang balita sa zone 3? Nakausap ba ninyo si Alex?” tanong ni Khia. Nanatili akong tahimik, nais kong malaman kung ano ang nangyar at kung ano ang kanilang napag-usapan. Napahawak ako sa aking tiyan, ang pagkasabik na sabihin kay Alex ang tungkol sa anghel sa aking sinapupunan ay biglang naglaho. Araw-araw sa liham ay tinatanong niya iyon ngunit ano ang nangyari? “Sarado ang isip ni Alex, ngunit kilala niya si Robin. Isinailalim din siya sa isang mahika upang malaman kung mayroong itim na kapangyarihan ang nag-utos sa kaniya na gawin iyon.” Sabi ni Alejandro. “At ano ang naging resulat?” tanong naman ni Khia. Napahwak ako sa aking dibdib, umaasa na mayroon lamang nag-control kay Alex upang gawin iyon. Umaasa ako na nasa ilalim lamang siya ng kapangyarihan ni Hermiliah at nais lamang kami muling sirain. Nang umiling si Alejandro ay bagsak ang mga balikat ko. “Walang nakitang itim na kapangyarihan, maski si Hermiliah ay isinailalim din ngunit walang ibang kapangyarihan na natagpuan. Nang kausapin ko si Alex tungkol sa kaniyang ginawa ay nagalit ito sa akin. Sinabi nito na wala akong karapatan na banggitin ang... Napatingin sa akin si Alejandro bago muling magsalita. “Sinabi nito na wala akong karapatan na banggitin ang pangalan ni Robin. Sinabi ni Alex na kung ano man ang mayroon silang dalawa... kung ano man ang mayroon silang dalawa dati ay kinalimutan na niya iyon. Kabastusan ang pag-usapan ang pangalan mo habang naroon si Hermiliah. Kaya’t walang kahi na sino ang maaaring magbanggit  ng pangalan mo sa buong zone 3.” Parang karayom na isa-isang itinutusok sa aking dibdib ang mga salita na binitawan ni Alejandro. Kung ganoon ay wala na ako para sa kaniya? “Mahal na prinsesa.” Muling may kumatok sa pinto at pumasok si Maxis, kasunod niya ang mga magulang ni Alex. Hindi ko nais makita ang awa sa mga mata nila. “Mahal na prinsesa, lumabas na ang resulta.” Sabi ni Maxis sa akin. “Ligtas  ba ang baby ko? Kamusta siya?” tanong ko habang nakahawak sa aking sinapupunan. Nang umiling si Maxis ay pakiramdam ko tumigil ang aking mundo. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagluha ng ina ni Alex at ganoon na din si Khia. “A-Anong... pero... nararamdaman ko pa siya  dito.” Sabi ko ng nakangiti habang nakahawak sa ibaba ng aking tiyan. Para akong mababaliw... “Mahal na prinsesa...” Nang ilibot ko ang paningin ko sa buong silid at isa-isa silang tiningnan ay awa ang nakita ko sa kanilang mga mata. Bakit? Bakit nangyayari sa akin ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD