Chapter 27 “R-Robin? Umiiyak ka ba?” tanong ni Sayah sa kaniya. Hindi niya mapigilan na hindi maging emosyonal. Lalo pa at kahit sa buhay nito at ni Xandro nakasama pa siya sa plano ni Sayah. Iniisip pa nito ang kaligtasan niya at ng kaniyang anak. Mapalad pa rin siya dahil narito ito at si Xandro para sa kaniya. Iyon nga lang, hindi maaaring malaman nila Xandro ang tungkol sa pagbubuntis niya. “Salamat,” sambit niya at nang humiwalay siya ng yakap dito ay tinitigan niya si Zavia pati na si Marliya. “Maraming salamat sa inyo, salamat dahil ipinaparamdam ninyo sa akin ang sobrang pagmamahal ninyo sa amin ng anak ko,” sambit niya. Hinimas naman ni Zavia ang kaniyang ulo at ginantihan siya nito ng ngiti. Ganoon rin si Marliya. “Pamilya tayo, hindi ba? Asahan mo na mas higit pa rito ang

