Chapter 51 “Robin!” “Hexus!” At nang marinig niya ang mga boses na iyon ay napangiti siya. Alam niya na darating ang mga ito. “Sabi ko na, hindi na dapat tayo umalis sa kastilyo, masama ang kutob ko,” sabi ni Alejandro na pinapatunog ang mga daliri nito. Napaatras ang itim na wizard na naroon nang makita kung sino ng mga dumating. “Nasaan ang apo ko, Robin?” tanong ni Aleister sa kaniya. “Binabantayan po ni Nathalia kasama si Sayahat si Marliya,” sabi niya. “It’s a good thing that my wife is not here.” Rinig naman niyang sabi ni Xandro. Sa gitna ng pag-uusap nilang iyon ay walang nais umatake sa kanilang mga kalaban dahil alam ng mga ito na isang tingin lang ay maglalaho na ang mga ito. Kakaiba ang lakas ng mga pureblooded vampire at hindi biro na naroon rin ang dating hari ng mg

