Chapter 48 Ibinaba ni Robin sa ibabaw ng kama si Klie. Kinumutan niya ang kaniyang anak at pagkatapos ay hinalikan ito sa noo. Napangiti siya nang makita ang mahimbing na natutulog na anak. She couldn’t ask for more right now, her life is better with her daughter. Marami ang nagmamahal sa kanilang dalawa at iyon ay sapat na para sa kaniya. “Ano ang gusto mo at palihim ka pa na pumunta rito? Alam mo ba na kapag nalaman ito ng aking kapatid ay mapapahamak ka?” Humarap siya kay Alex. Hindi pa rin kumikilos ang lalake sa puwesto nito. He’s just looking at her. When his eyes went to Klie she walk near him to block her daughter. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaniyang anak. Ano ang tumatakbo sa utak ni Alex ngayon? Ano ang maaaring gawin nito? He’s the vampire king, malakas

