Chapter 15 “What do you need from me again, vampire?” Kahit na hindi pa siya nakikita ni Khalisa ay nagsalita na ito. Nakatalikod ito sa kaniya habang nakatingin sa malawak na dagat. Nasa pinakataas ito ng tagong gusali kung saan ito namamalagi at ang mga alalay nito na black wizards. “My father wanted to talk to you. Isa na siya sa konseho ngayon at dahil iyon kay Alex, baka lang gusto mo na mas lumawak pa ang iyong kapangyarihan at makipagtulungan sa aking ama, Khalisa?” tanong ni Hermiliah sa black witch. Natuon ang pansin ni Hermiliah sa hawak nito na alak. Nang makita niya na pamilyar ang alak na iyon ay napangiti siya. Maaaring natanggap nito ang alak dahil sa kaniyang pinsan. Mukhang muli na namang kumikilos ito. “Hangga’t maaari ay ayokong may nakakaalam na iba tungkol sa u

