Chapter 17 “Kuya, nakaalis na ba si Sayah?” tanong ni Robin sa kaniyang kapatid. Sinadya niya pa ito sa opisina nito upang itanong iyon. Maaga naman siyang nagising kinabukasan ngunit hindi na niya nakita pa si Sayah. Mukhang hindi na nito nahantay na magising siya. “Oo, pinapasabi na lang niya sa ‘yo na nakaalis na siya. Sinadya ka kanina pero natutulog ka pa. Maaga siyang umalis dahil isinabay niya si Nathalia, mayroon akong ipinakiusap kay Nathalia sa kaniyang asawa pati na rin kay Prinsipe Nathan, pero huwag kang mag-alala, babalik si Nathalia.” Naglakad siya palapit at naupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito. Mataas ang mga papel na nasa ibabaw ng table at kabilaan iyon. Hindi niya maialis ang kaniyang mga mata sa dami ng papel. Naisip tuloy niya, ganoon rin kaya karami ang

