Blaine POV
Naging malapit kami sa isa't isa ni Brexi oo Brexi ang pangalan niya pero mas nasanay ako na tawagin siyang ms. Janitor. Siya ang unang babae na naging kaibigan ko, babaeng nakikipag-usap sa akin ng matagal. Yung iba kasi na nakakausap ko ay panay pa cute sa akin yun ang ayaw ko.
"Sino po yan?" Tanong ni ms. Janitor habang kumakatok ako sa pinto niya.
"Ano pong kai---- sir Tyson?" Gulat niyang sabi ng makita niya ako sa tapat ng pinto niya.
"Na surpresa ba kita?" Nakangiti kung sabi pero hindi siya nakapag salita habang nakatitig siya sa akin.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin?" Dagdag ko pero hindi pa rin siya kumikibo at tuluyan akung pumasok sa loob kahit hindi niya sinabi. Nilibot ko ang paningin ko sa loob pagpasok ko. Ayus naman pagka arrange ng mga gamit niya.
"Tatayo ka lang ba diyan magdamag hindi mo man lang ako ipagtitimpla ng kape?" Sabi ko nang makita siyang naka tayo parin sa pintuan.
"Anong ginagawa mo dito at paano mo ako nahanap dito?" Seryuso niyang sabi.
"Bakit masama ba na nahanap kita?" Tanong ko habang naka kunot ang aking noo.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong niya sa akin.
"Hayst malamang hindi ka pumasok sa trabaho kahapon magtataka ka pa ba kung bakit nandito ako ngayon?" Sabi ko.
"Bakit tatanggalin mo ba ako sa trabaho ko?" Lumaki ang mata ko nang sabihin niya yun.
"Gusto mo rin bang gawin ko yun." Tanong ko sa kanya habang nakataas yung kabila kung kilay. Hindi naman yun ang pinunta ko dito, nagpunta ako dito dahil gusto ko siyang makita hayst manhid talaga nito.
"Ayus lang sa akin kung tatanggalin muna ako, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho." Seryuso niyang sabi.
"Seryuso ka ba?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Oo, kaya pwede ka nang umalis." Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya yun. Anong problema saakin ng babaeng ito?
"Di ba sabi ko sayo kung may problema ka sabihin mo lang sa akin." Seryuso kung sabi at hindi pa rin siya maka tingin sa akin.
"Umalis ka na." Sabi niya.
"Ayaw ko hindi ako aalis dito hanggat hindi mo saakin sinasabi kung ano ang dahilan mo kung bakit gusto mo nang umalis sa kumpanya ko." Seryuso kung sabi.
"Pagod na ako." Maikli niyang sagot at bahagya akung tumawa.
"Sana sa susunod ay mapaniwala mo ako sa kasinungalingan mo, alam kung may mabigat kang rason kung bakit gusto mo umalis sa kumpanya ko right?" Sabi ko habang pinipilit na tumawa.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat niya na tanong, sabi ko na nga ba hindi yun ang rason para umalis siya sa trabaho.
"Dahil ba kay Marga? Anong sinabi niya sayo? Sabihin mo sa akin." Naiinis kung sabi at halatang nagulat siya sa sinabi ko pero hindi siya nakapag salita agad.
"Sabihin mo sa akin kung anong sinabi niya sayo." Sabi ko ulit pero nakatitig lang siya sa akin.
"Ayaw kung magka issue tayong dalawa, oo magkaibigan tayo but people nowadays is very judgmental kaya ayaw kung mag-isip sila ng masama sa atin lalo na si Marga. Ayaw kung masira ang imahe mo dahil lang saakin isa lamang akung janitor na nagtatrabaho sa Tyson's company." Malungkot niyang sabi.
"Wala akung pakialam sa mga iniisip nila, special ka sa akin hindi lang kaibigan ang turi ko sayo." Mahinahon kung sabi.
"I like you, kahit ganyan ka importante saakin ay mahalin mo lang ako at magpakatotoo ka lang saakin." Mahina kung sabi sabay hawak sa dalawa niyang kamay.
"Hindi pwede na may susubra pa sa pagiging pagkakaibigan nating dalawa." Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya bago niya sinabi yun.
"No, ramdam ko na hindi lang kaibigan ang turi mo sa akin hindi ako susuko tandaan mo yan." Sabi ko sabay tayo at umalis.
Alam kung gusto din niya ako dahil ramdam ko yun hindi ako manhid. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko naiwasan na hindi siya masaktan. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ako nakagawa ng paraan para takasan ang engaged namin ni Marga. Mag iisang buwan na simula ng maging fiance ko si Marga at doon din nagsimula ang pag-iwas sa akin ni Brexi at hindi ko yun nagugustuhan. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho, hindi ako mapakali na itanong kay Marga kung ano ang mga pinag sabi niya kay Brexi. Alam kung pinagseselosan niya si Brexi.
Bella/Brexi POV
Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ang sarili dahil pupunta ako ngayon sa grocery upang bumili ng pangangailan ko matagal na rin akung hindi nakapag grocery. Biglang may sunod-sunod na kumakatok sa tapat ng pintuan ko.
"Sino po yan?" Sabi ko habang lumalapit sa pinto.
"Ano pong kai---- sir Tyson?" Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa harap ng pituan ko
"Na surpresa ba kita?" Tanong niya sa aking habang naka kingiti.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin?" Dagdag niya sabay pasok sa loob at naiwan ako dito, paano niya nalaman ang address ko? Natauhan ako nang magsalita siya ulit.
"Tatayo ka lang ba diyan magdamag hindi mo man lang ako ipagtitimpla ng kape?" Sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito at paano mo ako nahanap dito?" Curious kung tanong
"Bakit masama ba na nahanap kita?" Sabi niya habang naka kunot ang noo.
"Ano bang kailangan mo?" Seryuso kung tanong.
"Hayst malamang hindi ka pumasok sa trabaho kahapon magtataka ka pa ba kung bakit nandito ako ngayon?" Tatanggali na ba niya ako sa trabaho pero okay lang sa akin para maka iwas na ako sa kanya.
"Bakit tatanggalin mo ba ako sa trabaho ko?" Diretso kung tanong sa kanya.
"Gusto mo rin bang gawin ko yun." Sabi niya, edi tanggalin muna ako sabi ko sa isip ko.
"Ayus lang sa akin kung tatanggalin muna ako maghahanap na lang ako ng ibang trabaho." Parang nagulat siya sa sinabi ko.
"Seryuso ka ba?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Oo, kaya pwede ka nang umalis." Seryuso kung sabi.
"Di ba sabi ko sayo kung may problema ka sabihin mo lang sa akin." Oo yan ang pinagkasunduan namin dati bilang magkaibigan.
"Umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako habang kinakausap niya ako.
"Ayaw ko hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sa akin sinasabi kung ano ang dahilan mo kung bakit gusto mo nang umalis sa trabaho." Matigas niyang sabi.
"Pagod na ako." Sabi ko yun lamang ang naisip kung dahilan para mapaniwala siya pero nagkamali ako.
"Sana sa susunod ay mapaniwala mo ako sa kasinungalingan mo, alam kung may mabigat kang rason kung bakit gusto mong umalis sa trabaho right?" Sabi niya bakit parang may alam siya kung bakit ako aalis sa kumpanya nila.
"Anong ibig mong sabihin?" Curious kung tanong sa kanya
"Dahil ba kay Marga? Anong sinabi niya sayo? Sabihin mo sa akin."
"Sabihin mo sa akin kung anong sinabi niya sayo." Naiinis niyang sabi, paano niya kaya nalaman.
"Ayaw kung magka issue tayong dalawa, oo magkaibigan tayo but people nowadays is very judgmental kaya ayaw kung mag-isip sila ng masama sa atin lalo na si Marga. Ayaw kung masira ang imahe mo dahil lang sa akin isa lamang akung janitor na nagtatrabaho sa Tyson's company." Mahaba kung paliwanag may sinabi sa akin si Marga na siyang dahilan ng pagka durog ng puso ko. Gusto ko na talagang malayo sa kanya, sa kanilang dalawa dahil ayaw ko ng gulo.
"Wala akung pakialam sa mga iniisip nila. Special ka sa akin hindi lang kaibigan ang turi ko sayo Brexi." Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa peke kung pangalan ang buong akala niya ay yan ang tunay kung pangalan.
"I like you. Kahit ganyan ka importante sa akin ay mahalin mo lang ako at magpakatotoo ka lang sa akin yun lang." Hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya habang hawak niya ang magkabila kung kamay.
"Hindi pwede na may susubra pa sa pagiging pagkakaibigan nating dalawa." Inalis ko ang pakakahawak niya sa kamay ko at naglakas loob muna ako bago ko sabihin yun dahil para akung maiiyak.
"No, ramdam ko na hindi lang kaibigan ang turi mo sa akin hindi ako susuko tandaan mo yan." Seryuso niyang sabi sabay tayo at umalis.
Marami akung tinatago na hindi mo alam Blaine, kaya wag kang magkamali na magka gusto sa isang tulad ko. Hindi mo ako deserve, alam kung magagalit ka lang saakin kapag malaman mo ang tunay kung pagkatao. Isa akung murder, walang kwentang anak at sinungaling na babae. Mas mabuti na lang na itago ko ang nararamdaman ko sayo dahil alam kung hindi pa rin tayo pwede sa huli. Kaya simula ngayon iiwasan ko na siya at gagawin ko ang lahat na wag magpakita sa kanya dahil ayaw kung lumala itong nararamdaman ko para sa kanya.
FLASHBACK
Maaga akung nagtungo sa opisina ni sir Tyson upang maglinis dahil yun naman talaga ang trabaho ko dito sa Tyson's company. Pagbukas ko ng pinto ay agad kung nakita si Blaine na nakahiga sa mahaba niyang sofa habang walang saplot kaya kitang kita lahat yung mga sugat niya sa katawan pati sa mukha. Agad akung napatakbo sa kanya upang tulungan siya.
Mag dadalawang oras bago ko natapos gamutin ang mga sugat niya sa katawan at mukha. Mayron pala siyang mabigat na problema kaya sinabi ko sa kanya na ikwento niya sa akin para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makwento ay siya na naman daw ang makikinig sa problema ko pero hindi ako nagkwento dahil alam kung maiiyak na naman ako.
"Hindi tayo close friend para mag kwento ako sayo." Biro kung sabi.
"Magkaibigan naman tayo huh." Natatawa niyang sabi.
"At kailang pa tayo naging mgkaibigan? Alam mo mas mabuti na umuwi ka muna sa inyo para magpahinga." Sabi ko at tumayo para maglinis.
"Anong gusto mo liligawan muna kita bago tayo maging magkaibigan?" Sabi niya dahilan upang mapatigil ako sa ginagawa ko.
"I-Imean para maging kaibigan kita hindi para maging girlfriend ko yun ang ibig kung sabihin." Mabilis niyang paliwanag.
"Hindi naman ako choosy para pahirapan mo pa ang sarili mo, trust lang ang need ko sa isang tao para maging magkaibigan kami." Sabi ko nang makaharap ako sa kanya.
Naging magkaibigan kami ni Blaine sa loob ng tatlong buwan hanggang sa hindi ko namamalayan ay nahuhulog na pala ako sa kanya. Napaka lambing niyang tao, magtampo ka lang sa kanya ay hindi siya mapakali na hindi ka masuyo agad minsan naiisip ko napaka swerte ng magiging asawa ng lalaking ito.
"Nagseselos ako kapag tumatawa kayong dalawa ni Jake." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. Sa lahat ng kaibigan niya ay si Luke lang ang madalas kung kinakausap dahil baka makilala niya ako.
"Bakit ka nagseselos?" Tanong ko habang naka kunot ang aking noo.
"Hasyt basta!" Sabi niya.
"Alam mo hindi ako marunong sumuyo." Natatawa kung sabi habang kinikiliti ko siya sa gilid.
"Yan ang mahirap sayo eh." Nagtatampo niyang sabi.
"Doreamon naman eh wag ka nang magtampo iiyak niyan si Misuka." Malambing kung sabi habang pinapatawa at hindi nagtagal ay napatawa ko rin siya.
"Ano ba, bakit Doreamon pa tawag mo saakin?" Natatawang niyang sabi.
"Dahil palagi mo akung pinapatawa sa tuwing akoy malungkot." Naka ngiti kung sabi, bigla naging seryuso ang mukha niya.
"T-talaga?" Di makapaniwala niyang sabi, totoo naman ang sinabi ko sa tuwing malungkot ako ay pinapatawa niya ako kaya kahit papaano nababawasan yung lungkot na nararamdaman ko.
"Oo naman kaya salamat my Doreamon." Naka ngiti kung sabi.
Kinabukasan tinawagan ako ni Blaine na mamamasyal daw kami ngayon dahil day off ko. Nasa park kami at ang daming tao dito, akala ng ibang tao ay girlfriend ako ni Blaine kaya yung iba naririnig kung nagbubulungan.
"Ang gwapo naman pero ang pangit ng girlfriend niya."
"Love is blind."
"Oh my gosh hindi sila bagay ang gwapo nung lalaki."
"Ginayuma niya ata." Etc. Yan ang madalas kung naririnig sa tuwing magkasama kami ni Blaine. Nagulat na lang ako nang ipinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko.
"Wag mo silang pansinin." Bulong niya saakin habang naka ngiti. Subrang gwapo niya kapag nakangiti. Sinusubukan kung alisin yung kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya itong hinigpitan.
"Anong bang ginagawa mo Blaine." Mahina kung sabi habang tumitingin sa naka paligid sa amin at mas dumami ang tumitingin sa amin dahil sa ginawa ni Blaine.
"Aminin mo gusto mo rin tong ginawa ko, tingnan mo pulang-pula na ang magkabilang pisnge mo." Pang-aasar niya saakin habang nakangiti at mas lalong nag-init ang magkabila kung pisnge.
"Ito rin ba ang gusto mo?" Bulong ko sa kanya at ipinalibot ko rin ang kamay ko sa bewang niya at agad itong napatingin saakin.
"Aba lumalaban yan ang gusto ko my baby girl." Bulong din niya saakin, hindi ako makapaniwala sa tinawag niya saakin. Siguro para na akung pulang kamatis ngayon dahil sa kilig. Pagkatapos namin mamasyal ay pinipilit ako ni Blaine na ihahatid daw niya ako sa tinutuluyan ko buti na lang nakagawa ako ng paraan upang hindi niya ako maihatid.
END OF FLASHBACK