(Third Person)
Magandang balita ang natanggap ko mula sa isa sa mga tauhan ko. Ang babaeng pumatay sa kambal ko ay kasintahan lang pala ni Blaine Tyson.
"Mahirap man kitang mahuli Tyson importante ngayon ay kilala ko na kung sino ang kahinaan mo." Nakangisi kung bulong sa sarili ko.
Kung malaki ang galit ko kay Tyson ay mas nang gigigil ako sa babaeng yun. Hinding hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa kambal ko.
"Kuya musta, ano na ang balita tungkol sa babaeng yun?" Tanong ni Xandra saakin.
"Kunting tiis na lang Xandra ay maibibigay na natin kay kuya ang hustisya para sa nangyari sa kanya." Nakangisi kung sabi.
"Magiging busy ako kaya balitaan mo nalang ako kapag nasa kamay niyo na ang babaeng yun." Galit na sabi ni Xandra alam kung pareho kaming nang gigigil sa babaeng yun. Dahil sa kanya nasira ang business naming pamilya at pinatay pa niya ang kakambal ko. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa pamilya namin hindi ko hahayaan na hindi ako ang makapatay sa kanya. Pagkatapos ay si Tyson ang isusunod ko pagsasamahin ko sila sa empernong buhay.
Ashley POV
Magkikita kami ngayon ni Luke dahil pupunta kami ngayon sa bahay ni Bella para alamin kung ano na ang balita sa kanya.
"Sorry natagalan ako." Nakangiti niyang sabi.
"Tara na nga ang dami mo pang sinasabi." Naiinis kung sabi pero tumawa lang siya. Ilang oras ang lumipas ay dumating na kami sa bahay nina Bella. Nagbuntong hininga si Luke alam kung kinakabahan siyang harapin ang daddy ni Bella alam kung gusto ni Luke si Bella.
"Oh ano wala ka bang balak bumaba diyan?" Sabi ko sa kanya nang makababa ako samantalang siya ay hindi pa bumababa.
"Hayst bakit ako kinakabahan." Sabi niya.
"Hayst akala ko ba tunay kang lalaki pero hindi mo lang pala kayang harapin ang tatay ng crush mo." Naiinis kung sabi.
"Ito na bababa na hayst." Sabi niya, nag door bell kami at hindi nagtagal ay lumabas ang isa sa mga katulong nila.
"Magandang hapon po, sino po sila?" Tanong niya sa amin.
"Kaibigan kami ni Bella." Sabi ko siguro bagong katulong nila ito kasi hindi niya ako kilala, lahat naman ng katulong nila ay kilala ako dahil palagi akung pumupunta dito dati.
"Sandali lang po ipapaalam ko muna kay madam Lor--"
"Mga kaibigan sila ni Bella right? Papasukin muna sila." Sabi ni Loren at hindi ako nagulat ng makita siya dahil na sabi na saakin ni Bella na nandito siya.
"Maupo kayo." Sabi ni Loren nang makapasok kami sa loob at naupo naman kaming dalawa ni Luke.
"Nagpunta kami dito para alamin sa inyo kung anong balita kay Bella." Diretso kung sabi.
"Kina lulungkot ko na hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap na balita tungkol sa kapatid ko." Sabi niya at nagkukunwaring malungkot siya sa pagkawala ni Bella.
"Ano po bang dahilan kung bakit siya umalis dito? Siguro may mabigat na problema si Bella na hindi niyo alam." Sambit ni Luke at tiningnan siya nito ni Loren.
"Ang alam kung problema ni Bella ay ang pagkamatay ng mommy niya, laking pagsisisi nito ni Bella dahil siya ang pumatay sa mommy niya kaya pati si dad ay galit na galit sa kanya." Paliwanag ni Loren at alam kung nagsisinungaling lang ang babaeng ito.
"T-totoo ba yan?" Di makapaniwalang tanong ni Luke kay Loren.
"Hindi totoo yan nagsisinungaling ka Loren alam kung kaya mo yan sinasabi ay para siraan si Bella." Galit kung sabi habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Kapatid niya ako at ako ang mas lubos na nakakaalam sa nangyayari sa pamilya namin, eh ikaw? Kaibigan ka lang at wala kang alam sa mga nangyayari." Sabi niya at alam kung naiinis na siya.
"Pamilya ba kamo? E bakit mo sinisiraan si Bella sa daddy niya dahil naiinggit ka sa kanya dahil anak ka lang sa la---"
"Shut up!" Galit niyang pagputol saakin.
"Bakit? Masakit bang marinig ng iba na anak ka lang sa labas." Matigas kung sabi at mas lalo siyang nagalit saakin.
"Umalis na kayo! Ayaw na ayaw kung makita ulit ang pagmumukha niyo, lalo na sayo babae ka!" Galit niyang sabi pero nginisihan ko lang ito.
"Mas ayaw na ayaw ko ding makita yang pagmumukha mo Loren." Matigas kung sabi sabay tinalikuran siya at sinundan naman ako ni Luke
"Kapatid pala yun ni Bella?" Di makapaniwalang tanong ni Luke ng makalabas kami.
"Wala siyang kapatid na demonyo." Naiinis kung sabi, nakakairita talaga yang Loren na yan hayst.
"Relax ka muna ins--"
"Tumahimik ka nga! Kasalanan mo ito eh!" Sigaw ko sa kanya, pinilit niya ako na pumunta kami dito ayon tuloy demonyo naabutan namin sa bahay nila.
"Nag-aalala lang naman ako sa kaibigan mo." Malungkot nitong sabi, naiintindihan ko naman siya nadala lang ako kay Loren nakakainis talaga ang babaeng yun.
"Oo na sorry na naiintindihan naman kita Luke alam kung gusto mo na rin maka balik si Bella pero hindi ko alam kung saan natin siya hahanapin." Mahinahon kung sabi miss na miss ko na talaga si Bella, last month lang kami nagkausap pero ngayon hindi ko na makontak kaya nag-aalala rin ako para sa kanya. Sana nasa mabuting kalagayan siya.
Bella/Betrix POV
Hindi pwede na wala akung trabaho saan na ako kukuha ng pambayad ko sa inuupan ko. Isang linggo na simula ng pumunta dito si Blaine hindi na rin kami nagkita at nagkausap ayos na yun para walang sakit sa ulo. Agad akung napatingin sa pinto ng may marinig akung kumakatok, hindi kaya si Blaine na naman yan pero impossible na bumalik pa siya dito. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko inaayos ko yung sarili ko sa harap ng salamin dahil maghahanap ulit ako ng trabaho ngayon. Laking gulat ko ng lumakas ang pagkakatok sa pinto ko, kinabahan ako kaya nakatitig lang ako sa pinto ko at hindi nagtagal ay nagbukas ito at bumungad saakin ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim at mata lang ang nakikita sakanila. Agad kung kinuha yung maliit na flower vase ko at inihampas ito sa likod nung isa sa kanila pero may nakabogbog saakin sa likod dahilan upang mawalan ako ng malay.