Blaine POV
Ngayon ang bakasyon ko naiinis ako kasi gusto ni dad na isama ko si Marga, so I can't help but agree.
"Mom aalis na kami." Sabi ko sabay yakap sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo.
"Mag-ingat kayong dalawa." Sabi ni mom habang nakangiti.
"Thank you tita." Sabi ni Marga sabay yakap kay mom.
"Sige na baka ma-late pa kayo sa flight niyo." Sabi ni mom.
Malapit na kaming dumating sa airport, my cellphone suddenly vibrated. I looked at who was texting, I was shocked when I read it from Xander. Xander was the one who beat me up at the bar before.
"Manong ihinto muna itong sasakyan." Nagmamadali kung sabi sa driver namin.
"Suge po sir." Sagot ni manong Cardo.
"Bakit naman Blaine ano bang problema?" Nagtatakang tanong ni Marga.
"Bumaba kayong dalawa bilis!" Sabi ko pero nagtataka silang dalawa kung bakit ko sila pinapababa kaya agad naman bumaba si manong Cardo.
"Blaine ano bang problema mo?" Tanong ni Marga.
"Basta bumaba kana may bomba sa loob." Pagsisinungalin ko para makababa na siya kaya nagmadali naman itong bumaba
"Oh my god how did that happen?" Marga said in fear, when she got down I hurried to sit on the driver set and turned it on quickly.
Nang dumating ako sa inuupaan ni Betrix ay agad kung binuksan ang pinto, pagbukas ko ay wala na siya dito at ang kalat sa loob.
"Walang hiya ka Xander!" Galit kung sabi nagmadali akung lumabas at tinawagan si Xander hindi nagtagal ay agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Kamusta ka na Blaine Tyson?" Bungad sa akin ni Xander, alam kung galit siya saakin dahil hindi ko pinalampas yung ginawa niya saakin doon sa bar.
"Hayop ka! Bakit mo pa siya sinasali sa gulo natin." Galit kung sigaw sa kanya habang nagmamaneho ako.
"May 30 minutes ka pa para makita itong binibini mo kaya mas mabuti na lang na pumunta ka dito." Sabi niya.
"Hintayin niyo ako dyan, wag na wag niyo siyang sasaktan." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala hihintayin ka namin pero kapag hindi ka dumating BANG! Wala na." Nang iinis niyang sabi at naririnig ko si Betrix na umiiyak.
"Sandali tatanggalin ko muna itong tape sa bibig niya parang may gustong sabihin sayo itong binibini mo." Sabi niya.
"Wag kang pumunta dito hindi mo sila kayang labanan ang dami dami nila mapapahamak ka lang kapag pumunta ka dito!" Sigaw ni Betrix habang umiiyak mas lalo akung nag-alala kaya mas lalo kung binilisan ang pagmamaneho ko. Magsasalita na sana ako kaso bigla nila akung binabaan ng telepono.
"Sh*t! Walang hiya ka Xander!" Sigaw ko habang nagmamaneho ng mabilis.
[Third person]
"Kawawang binibini parang hindi ata darating ang Blaine Tyson mo." Pang-aasar ni Xander kay Bella.
"Mas mabuti na yun dahil hindi ko makakaya na mapahamak pa siya dahil sa akin!" Matigas na sabi ni Bella, agad naman siyang sinampal ng malakas ni Xander kaya hindi niya maiwasan na umiyak dahil sa sakit.
"Ganyan mo ba talaga ka mahal yang Tyson na yan? Ganyan mo din sana minahal ang kambal ko para hindi ka sana nagkaka ganito!" Galit na sigaw ni Xander kay Bella.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Bella.
"Gusto mo bang malaman kung sino itong nasa harap mo?" Sabi ni Xander habang inaalis niya ang suot niyang maskara.
"X-xander?" Gulat na sabi ni Bella nang makita niya ang hitsura ng lalaking kaharap nito ngayon.
"Nagulat ka ba?" Nakangising sabi ni Xander.
"Hayop ka! Bakit mo saakin ito ginagawa dahil ba sa nagawa ko sa kakambal mo?" Sigaw ni Bella habang umiiyak.
"Oo kaya ngayon matitikman muna ang paghihiganti ng mga kapatid niya." Matigas na sabi ni Xander habang hinihila ng malakas ang buhok ni Bella.
"Ahhh! Bitawan mo ako!" Sigaw ni Bella nang idiin ni Xander ang pagkahila nito sa buhok ni Bella.
"Kuya tama na yan, hayaan mong ako na naman ang gumawa niyan." Sabi ni Xandra na kakarating lang habang nakangisi.
"Xand--"
"Hayop ka!" Galit na sigaw ni Xandra sabay sampal ng malakas kay Bella, walang kalaban laban si Bella dahil naka tali ang dalawa niyang kamay pati ang kanyang mga paa.
"Ito ang nababagay sayo!" Galit na sabi ni Xandra, hinawakan niya si Bella sa buhok dahilan upang maihagis ang katawan ni Bella sa sahig.
"T-tama n-na yan n-nasasaktan a-ako." Nauutal na sabi ni Bella dahil sa sakit, tumigil si Xandra sa ginagawa niya at may hinahanap ito sa loob ng bag niya at hindi nagtagal ay nilabas niya ang stun gun.
"Patayin niyo na lang ako." Umiiyak na sabi ni Bella pero nginisian lang ito ni Xandra.
"Wag kang mag-alala hindi pa ito ang magtatapos ng buhay mo." Nakangising sabi ni Xandra at akmang ididikit na niya ito kay Bella ay may bigla silang narinig na putok ng baril sa tabi nila kaya agad silang napa tingin sa pinanggalingan ng putok.
"Sabi ko sa inyo na wag na wag niyo sasaktan si Betrix!" Galit na sabi ni Blaine pero tinawanan lang ito ni Xandra.
"Oh really? Kilala mo ba itong babaeng ipinag lalaban mo?" Sabi ni Xandra sabay tumawa ng nakakairita.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka na tanong ni Blaine habang naka kunot ang noo nito pero mas lumakas ang pagtawa ni Xandra.
"Itong babaeng ito ang pumatay kay Xandro! At hindi Betrix ang tunay na pangalan niya kundi si Bella Lopez!" Matigas na sabi ni Xandra pagkatapos ay tumawa ulit ng malakas na para bang baliw dahil sa giangawa niya.
"Hindi ako maniniwala alam kung nagsisinungalin lang kayo!" Galit na sabi ni Blaine at biglang dumating ang mga tauhan nina Xander at sinugod agad si Blaine. Natamaan sa mukha si Blaine pero agad naman niya itong nasipa ang lalaking naka suntok sa kanya. Nagawang patumbahin lahat ni Blaine ang mga tauhan ni Xander, biglang tinamaan ng bala si Blaine sa kabilang braso.
"Blaine!" Nag-aalalang sigaw ni Bella habang umiiyak.
"Tama na yan please! Ako lang ang patayin niyo wag niyo siyang idamay pa dito." Nagmamakaawa na sabi ni Bella at patuloy pa rin siyang umiiyak.
"Wag kang mag-alala sabay namin kayong ililibing." Sabi ni Xandra pagkatapos ay tumawa ito ng malakas. Sinubukan ni Blaine na tumayo nang barilin ito ulit ni Xander sa kabila na naman niyang braso. Naglakad si Xander patungo sa kinaruruunan ni Blaine.
"Babae lang pala ang kahinaan mo Blaine Tyson." Sabi niya ng maka lapit siya kay Blaine sabay tinutok ang baril sa ulo ni Blaine.
"Wag please! Wag!" Nagmamakaawang sigaw ni Bella nang makita niya ang ginawa ni Xander kay Blaine.
"Sige subukan mong iputok yan kundi sabog din itong bungo ng kapatid mong babae." Nagulat si Xander sa nagsalita, napatingin ito kaagad sa kinaruruunan ng kapatid niyang babae at nakita niyang nakatutok din ang baril ni Luke sa ulo ni Xandra.
"Bitawan mo siya Luke!" Galit na sigaw ni Xander.
"Ano ako tanga? Pakawalan mo muna si Bella." Utos ni Luke kay Xander kaya agad naman itong sinunod ni Xander, pinakawalan niya si Bella.
"Blaine!" Sigaw ni Bella sabay takbo sa kinaruruunan ni Blaine habang wala itong malay.
"Blaine! Blaine lumaban ka!" Sigaw ni Bella habang umiiyak.
"Umalis na tayo." Sabi ni Luke nang makalapit siya sa kanila habang naka tutok pa rin yung baril niya sa dalawang magkapatid. Inalalayan ni Luke at Bella si Blaine at nagsimula silang maglakad patungo sa sasakyan. Subrang nag-aalala si Bella habang pinapasok sa Emergency room si Blaine.
"Kumain ka muna." Mahinang sabi ni Luke.
"Sa tingin mo ba may gana pa akong kumain habang nasa ER si Blaine?" Umiiyak na sabi ni Bella.
"Oo alam ko pero kailangan mo ring mag pagaling." Nag-alalang sabi ni Luke kay Bella kahit nasasaktan siya, hindi makapaniwala si Luke nang malaman niyang iisa sina Betrix at Bella. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay nagkaka gusto na pala sa kaibigan niya na si Blaine.