CHAPTER 11

1256 Words
Blaine POV "Masaya ako dahil nagising kana, subra akung nag-aalala sayo." Naiiyak na sabi ni Marga kanina pa ako nagising pero ngayon niya lang nalaman. "Kamusta ang kalagayan ni Betrix ayus lang ba siya ngayun?" Nag-aalalang tanong ni Blaine kay Marga at bakas sa mukha ni Marga ang pagkainis. "Wala na tayong pakialam sa kanya mahalaga ay gumaling kana wag muna siyang alalahanin pa okay." Naiinis na sabi ni Marga. "Kailangan kung malaman ang kalagayan niya." Nag-aalala na sabi ni Blaine, biglang nagbukas ang pinto at bumungad saamin si Luke. "Mabuti at nagising kana dude." Masayang sabi ni Luke. "Nasaan si Betrix." Diretsong tanong ko kay Luke at may biglang sumulpot sa likod ni Luke na Babae. "Nasaan si Betrix." Seryuso kung tanong kay Luke. "B-blaine, magpapaliwanag ako sayo, magpagaling ka mu--" "Sino ka? Umalis ka sa harap ko, si Betrix ang tinatanong ko." Galit kung sabi hindi ako maka paniwala sa nangyayari bakit wala dito si Betrix? Ibig sabihin totoo yung sinabi nila na si Betrix at Bella ay iisa? "Blaine." Tawag niya saakin. "Ang tigas talaga ng ulo mo di ba sinabi niya na umalis kana bakit mo pa rin pinipilit ang sarili mo. Ako ang kailangan ni Blaine at hindi ikaw!" Sigaw sa kanya ni Marga "Halika na." Sabi ni Luke at hinila niya ito at lumabas silang dalawa. Kung siya talaga si Bella ibig sabihin siya yung babaeng palagi saakin kinukwento ni Luke? Pinaglalaruan pala niya kami? Hindi ako maka paniwala na naloko niya ako. "Hayst walang hiya talaga ang babaeng yun ang tigas talaga ng ulo niya." Naiinis na sabi ni Marga nang makaalis na ang dalawa, hindi ko siya pinansin nasasaktan ako dahil yung gusto kung babae ay matagal na ring gusto ng kaibigan ko ano to love triangle? Isang buwan na ang lumipas nang maka labas ako sa hospital magaling na rin ako. "Kamusta na kaya siya?" Mahina kung sabi hayst bakit ko pa siya iniisip. "Di ba niloko ka niya bakit siya pa rin lagi nasa isip mo." Mahina kung sabi habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin. "Good morning babe, halika na mag breakfast na tayo sa baba." Biglang sulpot ni Marga, sinuot ko yung black suit ko at sabay harap kay Marga. "Tama na tong pag seserbisyo mo saakin hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Ako yung napapagod sa ginagawa mo Marga." Seryuso kung sabi bilib talaga ako sa kanya ang tibay niya pero sorry ka na lang iisa lang ang tinitibok ng puso ko. "Pero ready na ang Breakfast mo sa baba." Sabi niya saakin habang nakasunod ito saakin. "Ano ba ang nagustuhan niyong dalawa ni Luke sa babaeng yun?" Sabi niya dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. "Ano hahayaan mo na lang ba masira ang pagkakaibigan niyong dalawa ni Luke dahil lang sa babaeng yun." Sabi niya at humarap ako sa kanya. "Paano kung sabihin ko sayo na kaya kung gawin yun para lang sa babae hindi ba impossible na gawin ko yun." Seryuso kung sabi habang naka titig sa kanya ng masama pagkatapos ay tinalikuran ko siya. Wag niya subukan na pakialaman ang buhay ko dahil hindi pa niya ako kilala. Pag dating ko sa kumpanya ay nakita ko agad ang sasakyan ni Luke, anong ginagawa niya dito? Nagmadali akung pumasok sa loob. "Naparito ka?" Hinihingal kung tanong nang makita ko siya dito sa loob ng opisina ko. "Grabe ka naman parang ayaw mo akung makita ngayon." Pabiro niyang sabi. "Siya nga pala pwede ka ba this night? Matagal na rin tayong hindi nakapag bonding na magkakaibigan, kaya naisip ko na mag party party tayo ngayong gabi." Masaya niyang sabi last year lang ata kami nagka bonding. "Okay what time?" Seryuso kung sabi. "7:30 siguraduhin mong pupunta ka." Naka ngiti nitong sabi. "Sure, yun lang ba ang pinunta mo dito?" Tanong ko sakanya. "Oo may kailangan pa akung puntahan, kita kits nalang tayo mamayang gabi." Masaya niyang sabi sabay tapik sa balikat ko. "Good morning sir, maglilinis lang po." Agad ako napa tingin sa nag salita, akala ko siya nasanay kasi ako na siya yung pumapasok dito para linisin itong opisina ko, hayst bakit ko na naman siya naiisip. Niloko niya ako kaya dapat kalimutan ko na siya. 7:00 pm na papunta ako ngayun sa sikat na pavilion doon daw gaganapin ang party namin bilang magkakaibigan. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang madaming tao hinanap ko kung saan naka pwesto ang mga ugok na yun. Hindi nagtagal ay nakita ko na sila. "Hey dude long time no see." Naka ngiting sabi ni Zayn, dumating na pala ang ugok na ito sa Canada na kasi siya nanirahan. "Dumating kana pala akala ko hindi kana susulpot saamin." Pagbibiro ko at tumawa lang ito ng malakas. "Ako hindi mo rin ba ako namimis?" Natatawang sabi ni Luke. "Gago sawang sawa na ako sa pagmumukha mo." Sabi ko at nagtawanan kaming lahat. "Ako boss na miss kita." Sambit naman ni Harry napa ngiti ako sa sinabi niya, lumapit ako sa kanya at nagkamayan kaming dalawa. "Na miss din kita matagal na rin tayong hindi nagkita." Naka ngiti kung sabi. "Ako hindi mo ba ako namis." Sambit din naman ni Jake habang nakasimangot kahit kailan talaga parang bakla itong si Jake. "Kadiri ka." Nandidiri kung sabi at nagtawanan silang lahat dahil sa reaction ko. Napansin ko naman si Luke habang busy sa pagseselpon, sino kaya naman itong ka text niya. "Excuse me muna lalabas lang ako sandali." Biglang sambit ni Luke, ano kaya pupuntahan niya sa labas? "Anong gagawin mo doon?" Tanong ni Harry. "Siguro chix na naman yan." Pabiro ni Jake. "Sige na bilisan mo lang." Sambit naman ni Zayn. "Basta." Naka ngiting sagot ni Luke pagkatapos ay lumabas na siya. Nagtatawanan kami habang kinukwento namin yung mga nakaraan namin noong high school at college pa kami. "Di ba si Blaine lang yung walang naging girlfriend dati." Natatawang sabi ni Jake. "Paano kasi wala akung nagugustuhan sa mga humahabol saakin na mga babae." Mayabang kung sabi totoo naman wala talaga akung na tatypan sa kanila. "Puro ang kakapal ng make up." Dagdag ko pa at nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ko. "Pero bilib talaga ako kay Luke walang pili pili." Natatawang sabi ni Jake. "Oh! Tingnan niyo may kasamang magandang babae si Luke." Namanghang sabi ni Harry habang naka tingin sa likuran ko. "Wow ngayun ko lang nakita ang babaeng ito." Seryusong sabi ni Zayn pero hindi na ako lumingon pa dahil hindi ako interesado. "Guys si Bella Lopez nga pala." Sabi ni Luke nang maka lapit sila saamin at ngayun lang ako lumingon sa kanila. Nagka titigan kaming dalawa ni Bella. "Hi ako nga pala si Jake." Pagpa kilala ni Jake kay Bella siguro hindi pa niya alam na si Betrix at Bella ay iisa. "Akala ko ba tayo lang magkakaibigan." Seryuso kung sabi, nagkatitigan kaming lahat. "Wala naman sigurong masama boss kung sinama ni Luke ang girlfriend niya di ba?" Mahinang sabi ni Zayn. "Naiinggit lang siguro si boss dahil wala siyang girlfriend oks lang yan boss." Pagbibiro ni Jake pero tumayo ako at tinalikuran ko silang lahat. "Blaine sandali." Pagpigil saakin ni Bella at tumigil naman ako saglit. "Ako na hihingi sayo ng pabor, please kausapin mo muna si Bella." Mahinang sambit ni Luke nang maka lapit siya saakin. "Ano pa bang pag-uusapan naming dalawa?" Matigas kung sabi habang naka tingin ng seryuso kay Luke at hindi agad siya nakapag salita pagkatapos ay nagsimula ulit ako maglakad. Hanggang ngayun ay galit pa rin ako sa kanya niloko niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD