CHAPTER 12

1032 Words
Bella POV Nandito ako ngayun sa labas at nahihiya akung pumasok sa loob kaya nag text ako kay Luke na puntahan niya muna ako dito sa labas. "Kanina ka lang ba dito." Diretsong tanong saakin ni Luke nang mag kita na kami dito sa labas. "Hindi naman kakarating ko lang dito." Naka ngiti kung sabi. "Mabuti kung ganun, tara pasok na tayo sa loob." Sabi niya, pagpasok namin sa loob ay namangha ako subrang cool naman dito sa loob. "Maganda ba?" Biglang tanong saakin ni Luke. "Oo naman ang cool, ganito ba mag party ang mga lalaki ang subrang cool." Pabiro kung sabi at tumawa lang ito. Tinuro saakin ni Luke kung saan naka pwesto silang mag kakaibigan. "Guys si Bella Lopez nga pala." Pag pakilala saakin ni Luke sa mga kaibigan niya nang makalapit kaming dalawa sa kanila at napansin kung parang nagulat si Blaine kaya nagka titigan kaming dalawa. "Hi ako nga pala si Jake." Pag pakilala ni Jake sa sarili niya, nakilala ko na si Jake nung nagpapanggap pa akung Betrix. "Akala ko ba tayo lang magkakaibigan." Seryusong sambit ni Blaine. "Wala naman sigurong masama boss kung sinama ni Luke ang girlfriend niya di ba boss?" Sabi nung isa na katabi ni Jake. "Naiinggit lang siguro si boss dahil wala siyang girlfriend oks lang yan." Pang aasar sa kanya ni Jake pero bigla kaming tinalikuran ni Blaine. "Blaine sandali." Pagpigil ko sa kanya, huminto siya saglit nang marinig niya ako. Pagkatapos ay lumapit sa kanya si Luke. "Ako na hihingi sayo ng pabor, please kausapin mo muna si Bella." Mahinahong sabi ni Luke kay Blaine. "Ano pa bang pag-uusapan naming dalawa?" Matigas na sabi ni Blaine ay hindi agad nakapag salita si Luke kaya nagsimula ulit maglakad si Blaine. Hindi ko natiis ay sinundan ko siya. "Bella!" Tawag saakin ni Luke pero hindi ko siya pinansin at nagmadali akung sundan si Blaine sa labas. "Blaine! Sandali." Tawag ko sa kanya, nagmadali akung lumapit sa kanya. "Blaine magpapaliwanag ako sayo please makinig ka muna saakin." Naiiyak kung sabi pagkatapos ay humarap siya saakin. "Ano pa bang ipapaliwanag mo?" Galit niyang tanong habang naka titig siya sa mga mata ko. "Blaine I'm so sorry." Sabi ko sabay ng pagpatak ng aking mga luha. "Sorry for what? Alam mo hindi muna kailangan pang magpaliwanag saakin sa kanya mo kailangan magpaliwanag dahil pinag ikot-ikot mo lang kaming dalawa." Galit niyang sabi, hindi ko siya naiintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kung tanong. "Hindi mo ba alam nang mawala ka ay nabahala sayo sa paghahanap si Luke kaya doon ka magpaliwanag." Seryuso niyang sabi habang naka titig pa rin saakin. "Anong ibig mong sabihin? Kung sa tingin mo ay may namamagitan sa aming dalawa ni Luke ay nagkakamali ka dahil walang namamagitan sa aming dalawa ni Luke." Paliwanag ko sa kanya. "Ano sa tingin mo maniniwala ako sayo? Lulukuhin mo na naman ulit ako?" Seryuso niyang sabi, hindi ko siya maintindihan, pinagseselosan ba niya si Luke? Wala naman talagang namamagitan sa amin ni Luke. "Nagseselos ka ba?" Mahina kung sabi at hindi agad siya nakapag salita. "Again I'm sorry, hindi ko ito ginagawa para magustuhan mo ako alam kung malapit na kayong ikasal ni Marga ang gusto ko lang ay magkaayos tayo bago ka ikasal." Naiiyak kung sabi at hindi ako sa kanya maka tingin ng diretso, nasasaktan pa rin ako sa papalapit na kasal nila ni Marga kahit walang kami. "Yun din ang gusto ko dahil ayaw ko ng saktan pa ulit si Marga hindi niya deserve yun." Seryusong sabi niya kaya hindi ko maiwasan na maiyak ulit. "Alam ko kaya sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo. Congratulations in advance." Sabi ko at pilit akung ngumiti sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Hindi nag tagal ay narinig kung umandar ang sasakyan niya pero hindi ko na ito nilingon pa. Nang maka tapat na ako sa entrance ay nakita ko si Luke na nakatayo. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya tumango lang ako bilang sagot pero hindi ko maiwasang umiyak ng yakapin niya ako habang tinatapik ng mahina ang likod ko. "Wala akung karapatan na masaktan pero hindi ko maiwasan Luke, hindi ko alam paano ko siya makakalimutan malapit na yung kasal nila." Sabi ko at patuloy pa rin yung pag-iyak ko ng malakas, nawalan na ako ng hiya sa mga tao dito. "Sorry, akala ko hindi aabot sa ganito." Malungkot na sabi ni Luke. "Wag kang mag sorry saakin, wala kang kasalanan." Sabi ko habang umiiling. "Anong nangyari?" Diretsong tanong ni Jake nang maka lapit sila sa amin. "Sh*t hindi dapat pinapaiyak ang isang tulad mo." Seryusong sambit nung isa. "Tahan na po ate subrang ganda mo para iyakan si boss." Sabi naman nung isa na parang siya ang pinaka bata sa kanilang magkakaibigan. Ngumiti ako sa kanila. "Sorry nasira ang party niyo dahil saakin." Paghihingi ko sa kanila ng sorry. "Wala kang kasalan." Naka ngiting sabi ni Jake. "Kami nga dapat yung hihingi sayo ng sorry dahil pinaiyak ka ni boss." Sabi naman nung parang bata sa kanilang lahat. (Third Person) Pinatakbo ng mabilis ni Blaine ang kanyang sasakyan, galit siya sa sarili niya dahil naging duwag siya. Hindi niya nasabi ang tunay na nararamdaman niya kay Bella dahil nangingibabaw ang galit niya kay Bella. Hinatid ni Luke si Bella sa bahay nila pagkatapos ng party. "Salamat Luke." Naka ngiti na sabi ni Bella pero bakas pa rin sa hitsura niya na hindi siya naging masaya ngayong gabi. "Wag ka nang malungkot dahil mas lalo kang pumapangit." Pagbibiro ni Luke at sumimangot lang si Bella. "Salamat sa inyong lahat kahit papaano napasaya niyo ako ngayong gabi." Sabi ni Bella at ngumiti ito ng pilit niyakap siya ni Luke. "Aalis na ako, good night." Sabi ni Luke. "Good night din sayo, mag-ingat ka sa daan" Sagot ni Bella at nag senyalis si Luke kay Bella na pumasok na ito sa loob, ngumiti muna si Bella kay Luke bago siya pumasok sa loob. Dumeritso si Bella sa kanyang kwarto pagkapasok niya ay agad siyang humiga sa malambot nitong kama at unti unting pumapatak ang kanyang mga luha. Palaging sumasagip sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Blaine kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD