Bella POV
Isang taon na ako dito mula nang bumalik ako dito sa Canada, gusto ko sanang mag bakasyon sa pinas kaso parang may pumipigil sa akin.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo." Sabi nung isa sa mga staff ko, sino kayang naghahanap sa akin?
"Sino?" Nagtataka kung tanong sakanya habang naka kunot ang noo ko.
"Isang customer po natin ma'am at kayo po ang gusto niyang makaharap." Sagot niya na parang natatakot.
"Anong problema niya sa akin?" Nagtataka ko pa ring tanong sakanya.
"Hindi ko po alam ma'am basta kulang nalang po ay magwawala siya doon." Natatakot na sabi niya habang sunod na sunod sa akin.
"Ayun po siya ma'am, yung naka upo na lalaki sa bandang huli po." Turo niya sa akin.
"Sege dyan ka lang, ako na bahala dito." Sabi ko at nagtungo ako doon sa lalaki na sinasabi ng staff ko. Nang makalapit ako sakanya ay nginitian niya ako, nagatataka ako kilala ba ako ng lalaking ito? Feeling close may pangiti ngiti pa siyang nalalaman.
"Hi sir, what can I do for you?" Deretso kung tanong sakanya pero naka ngiti lang ito saakin imbis na sagutin niya ako. May saltik siguro sa ulo.
"Ano bang problema mo sa restaurant ko sir?" Tanong ko ulit sa kanya, kalma pa rin ako kahit yung totoo ay gustong gusto ko na siyang sapakin. Nakaka diri yung mga ngiti niya sa akin naalala ko tuloy yung hitsura ni Xander sa gabing iyon. Naramdaman kung nanginginig na naman ang mga katawan ko at parang gusto ko na siyang talikuran dito pero nakaka hiya sa ibang customer.
"Tiningnan ko yung menu niyo pero wala doon yung gusto ko." Sabi niya at biglang nanindig ang mga balahibo ko.
"S-siguro n-nasa ibang r-restaurant po ang h-hina-----"
"Actually nasa harap ko na ang gusto ko ngayon." Pagputol niya sa akin, nagtaka ako anong ibig sabihin ng lalaking ito.
"A-anong i-ibig niyong s-sabihin?" Nagtataka kung tanong sakanya pero bahagyang tumawa ito sabay tayo at masyadong inilapit sa akin ang kanyang mukha, nararamdaman ko yung paghinga niya dahil sa subrang paglapit nito sa akin.
"Lumayo ka nga sa akin." Naglakas loob akung itulak siya pero tumawa lang ito sa akin.
"Ikaw ang gusto kung kainin." Sabi niya sabay smirk sa akin, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya manyak pala to eh.
"Sir sorry po, pagkain lang po ang available dito." Inis kung sabi pagkatapos ay tinalikuran ko siya pero bigla niya akung hinawakan sa braso kaya agad akung napa harap sakanya sabay sampal sa makapal niyang mukha.
"Manyak!" Sigaw ko at pinipiliy na tanggalin ang pagkahawak niya sa aking braso pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak nito sa akin. May biglang umupo sa tabi ng lamesa na kinakatayuan namin ngayon ng manyakis na ito.
"Wag kang magreklamo at sumama ka sa akin kung ayaw mo na pati mga staff mo ay sasaktan ko kapag hindi ka sa akin sumama." Bulong nito sa akin sabay nanindig ang mga balahibo ko.
"Ayaw ko!" Matigas kung sabi habang sinusubukan ko pa ring tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.
"Sumama ka saakin sa labas kung ayaw mong madamay ang mfa staff mo." Bulong niya saakin, ano bang kasalanan ko sa lalaking ito? Sa palagay ko ngayon lang kami nagkita ng lalaking ito. Nauna siyang maglakad sa akin pagkatapos ay sumunod naman ako sakanya sa labas.
"Ano bang kailangan mo saakin?" Deretso kong tanong habang naka talikod siya saakin, humarap ito sa akin na naka ngisi.
"Buti nalang madali kang kausap." Lumapit siya saakin at nang akmang niya akong hahalikan nang biglang may humampas sakanya.
"Sino ka!" Galit na sigaw nung lalaki doon sa humapas sakanya. Nagatataka rin ako kung sino tong nang hampas, kung hindi ako nagkakamali ay ito yung lalaking lumapit sa amin kanina na naka hood. Bigla silang nagsuntukan kaya agad agad akung sumigaw ng tulong pero mukhang walang makaka rinig sa akin mula dito dahil nasa likod kami ng restaurant.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko parin
"Tama na yan please!" Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Hindi nagtagal ay tumakbo yung lalaki habang duguan ang kanyang mukha. Nakatayo lang yung isang lalaki na naka hood at hindi kp makita ang hitsura niya dahil naka talikod ito saakin.
"S-sir a-are you o-okay?" Tanong ko sakanya pero hindi ito lumingon saakin at kahit isang salita ay wala kaya nagsimula na itong maglakad.
"Wait teka lang po." Pigil ko sakanya kaya huminto ito ng saglit.
"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan dahil sa ginawa mo." Sabi ko.
"Pero maraming salamat." Dagdag ko pa pagkatapos ay naglakad na ito ulit. Unti unting pumapatak ang mga luha ko, naaalala ko na naman yung ginawa saakin ni Xander akala ko mauulit na naman yun. Natauhan ako ng mapansin kong dumidilim na pala tiningnan ko yung orasan 7:30 na pala kaya nagmadali akong umalis.
"Ms. hinahanap po kayo kanina ni Ms. Mara at sinubukan po kayong tawagan pero hindi po kayo maka sagot." Sabi ni lisa isa sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa restaurant namin.
"Sinong kasama niya?" Tanong ko sakanya.
"May kasama po siyang lalaki siguro boyfriend niya yun." Kinikilig niyang sabi, ibig sabihin naka balik ulit dito si Jake? Hindi ako makapaniwala na si Jake pala ang boyfriend niya last year ko pa nalaman na siya pala ang boyfriend ng pinsan ko. Pero mas hindi makapaniwala si Jake ng malaman niya na magpinsan kami ni Mara. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag pagtingin ko sa screen ay nakita kung marami ngang missed call saakin si Mara. Agad akong nagbihis pag-uwi ko sa bahay.
"Manang! Manang!" Tawag ko sa nag-iisa kung kasambahay na si Manang Lili. Actually kaya ko naman gawin ang gawaing bahay pero kinuha ko parin si manang Lili bilang may kasama dito. Walang tao dito sa baba nasaan kaya siya wala naman siya sa kwarto niya.
"Manang! Manang nasaan ka?" Kinabahan ako nang hindi parin siya sumasagot, nasaan kaya siya? Ang dilim dito lahat naka patay ang ilaw anong nangyayari? Biglang may humila sa akin.
"Sino ka!" Natatakot kung sigaw hindi ko masyado maklaro kung sino kasi madilim.
"Ms. Bella ako to si Lili, wag kang maingay." Bulong niya saakin hindi ko siya maintidihan ano bang nangyayari. Bakit namin kailangan na magtago?
"A-anong bang n-nangyayari?" Nagtataka kung tanong sakanya. Biglang may naririnig kaming naglalakad kinilabutan ako ng makita ko ang isang shadow ng isang lalaki at may dala-dalang parang baseball base on what I see in the shadow. Ito ba ang dahilan kung bakit nagtatago dito si manang Lili sa madilim?
"Madalas ko na po siyang nararamdaman at nakikita dito pero ang kanyang unano lang ang nakikita ko." Bulong ulit saakin ni manang Lili. Bakit ngayon lang niya saakin sinabi?
"Bakit ngayon mo lang saakin sinabi?" Tanong ko sakanya. Nagulat kaming dalawa nang biglang may nabasag, narinig kung umiiyak si manang Lili humarap ako sakanya.
"Sshhh wag kang matakot nandito ako at hindi kita hahayaan na masaktan ka niya." Sabi ko sakanya.
"Alam kung nagtatago lang kayo dyan, kaya kung ako sainyo ay magpakita na kayo saakin kung ayaw niyong masaktan!" Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya, ka boses niya yung kuma-usap saakin na lalaki doon sa restaurant. Agad akong lumabas at nagpakita sakanya.
"Ano bang kailangan mo saakin!?" Pa sigaw kung tanong sakanya habang naka talikod siya, unti unti itong humarap saakin.
"Ano bang k-kailangan mo s-saakin?" Mahinahon kung tanong sakanya. Ngumisi ito saakin at naglalakad ito patungo saakin. Unti unti akung napapa antras habang lumalapit ito saakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko wala na akung maaantrasan at naipit na niya ako sa pader at mahina niyang hinahagis ang kanyang hintuturo sa pisnge ko na para bang hahalikan ako, nandiri ako nang gawin niya yun saakin sabay nanindig ang mga balahibo ko. Tinulak ko siya ng malakas pero mas matigas siya kaya hindi ko nakayang maitulak papalayo. Ngumisi siya pagkatapos ay mas lalo niya akung dinikit sa pader. Sinampal ako ng malakas kaya napaiyak ako sa sakit, sinubukan kung lumaban ulit pero sinuntok na naman niya ako sa tiyan and everything went block.