CHAPTER 15

1027 Words
Blaine POV Naisipan kung sundin siya upang malaman kung saan siya nakatira. Nasa loob ako ng kotse ko ngayon habang nakatingin sa bahay niya dito sa hindi kalayuan. Kailangan ko siyang bantayan ng mabuti dahil malakas ang loob ko na mapapahamak siya tulad kanina. Nagulat ako nang biglang namatay ang ilaw niya sa baba. Lumabas ako mula sa kotse ko lumapit ako sa bahay niya at may makita akong lalaki na naka hood na may dala-dalang baseball at kung hindi ako nagkakamali ay ito yung lalaking may binabalak sakanya kanina. Nagmadali akung lumapit doon sa bahay niya, maingat naman akung nagtatago sa may gilid gilid upang hindi niya ako makita. Doon siya dumaan sa likod ng bahay pagpasok niya ay sumunod naman ako. "Alam kung nagtatago lang kayo dyan, kaya kung ako sainyo ay magpakita na kayo saakin kung ayaw niyong masaktan!" Sigaw niya at hindi nagtagal ay nagpakita si Bella. "Ano bang kailangan mo saakin!?" Tanong ni Bella don sa lalaki pero ngumisi lang ito, lumalapit ito kay Bella at unti unting napapa-antras si Bella. "Ano bang k-kailangan mo s-saakin?" Nauutal na tanong ulit ni Bella don sa lalaki, na collar niya si Bella dahil wala ng maantrasan pa si Bella. Nakaramdam ako ng inis ng unti unti niyang hinahagis ang hintuturo sa pisnge ni Bella. Sinubukan itong itulak ni Bella pero syempre mas malakas parin ang lalaki. Naghanap ako ng pwedeng ihampas sakanya pero wala akung Nahanap. Napatigil ako sa paghahanap ng marinig kung sumigaw si Bella, nagmadali akung lumapit sakanila nang makita kung nakahiga sa sahig si Bella habang walang malay. Hinawakan ko siya sa balikat upang paharapin saakin sabay suntok ko sa mukha niya, hindi niya napapalagan ang bawat suntok at sipa ko. "Ikaw na naman!" Sigaw niya saakin ay halatang nagulat siya ng makita niya ulit ako. "Ano bang kailangan mo sa babaeng ito upang saktan siya ng ganito?" Galit kung tanong sakanya, wala akung idea na naging kasalanan ni Bella sa taong ito. "Magsalita ka!" Sigaw ko sakanya. "Walang kasalanan saakin ng babaeng yan, inuutusan lang akung patayin siya kaya kung sino ka man ay wag kang makialam kung ayaw mong masali sa gulong ito." Sagot niya, nautusan lang siyang patayin si Bella? At sino naman ang nag-utos sakanya? "Sinong umuutos sayo? Sabihin mo saakin kung ayaw mong patayin kita ngayon!" Galit kung sabi pero ngumisi lang ito saakin kaya mas lalo akung nainis sa inaasal niya saakin. gusto ko ulit siyang sugurin pero narinig kung nagsalita si Bella. "M-mommy." Mahinahon niyang sabi, nilapitan ko siya pero wala na siyang lakas para makapagsalita ulit. Kailan ko na pala siyang dalhin sa hospital. "Ma'am Bella!" Sigaw ng isang babae siguro kasambahay niya ito. "Sino po kayo?" Tanong niya saakin pero hindi kp siya sinagot, binuhat ko si Bella upang dalhin sa hospital. Naka sunod naman saakin yung babae. Hindi ko na hinintay pa na magkamalay si Bella agad akung umalis sa hospital pagkatapos ko siyang dalhin don. "Babantayan kita pangako ko yan sayo." Mahinahon kung sabi sa sarili ko hinding hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit ng kung sino. Naging duwag ako sa mga oras na hindi ko siya kinausap ng matino pinagsisihan ko yun. Matagal ko siyang hinahanap kaya hindi ako makapaniwala nung sabihin saakin ni Jake na nasa Canada pala siya. Pinsan pala siya ni Jane, matagal kaming magkakilala ni Jane dahil siya lang ang nagtagal na girlfriend ni Jake. FLASHBACK Wednesday in the morning maaga akung ginising ni mom dahil ngayon magaganap ang kasal namin ni Marga. Wala akung magawa kundi sumunod sa gusto ni dad, alam kung si dad ang may gusto ng lahat ng ito. Pagkatapos kung mag-ayos ay humarap ako sa salamin biglang sumagip sa isip ko yung sinabi ko kay Bella, tama pala siya na hindi niya ako sinagot sa araw na yun dahil hindi lang pala siya yung babaeng mapapakasalan ko. Tatlong minutos nalang ay magsisimula na yung ceremony pero nandito parin ako sa bahay dahil wala akung balak na pumunta doon. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ko at bumungad saakin ang malungkot na mukha ni mom, alam kung naiintindihan niya ako pero pareho kaming walang magawa kundi sundin ang gusto ni dad. "Ano na plano mo?" Mahinahon na tanong saakin ni mom. "I don't know mom." Malungkot kung sabi, lumapit saakin siya saakin at niyakap ako. "Kung anong plano mo ay doon din ako." Naiiyak na sabi ni mom. "W-what do you m-mean mom?" Tanong ko sakanya. "Kung ayaw mong matuloy itong kasal pwede mo naman itong takasan ako na ang bahala sa daddy mo, susupurtahan kita sa anumang gusto mo." Sabi niya at pilit itong ngumiti saakin. "Thank you mom." Masaya kung sabi kaya niyakap ko siya ng mahigpit. "Sege na umalis kana baka puntahan ka pa dito ng daddy mo." Nag-aalalang sabi niya kaya nagmadali naman akung umalis. END OF FLASHBACK Kinabukasan ay maaga akung pumunta sa hospital upang alamin kung ano ang kalagayan ngayon ni Bella. "Jake?" Tawag ko sakanya nang makita ko siya dito sa loob ng hospital na may dala dalang mga pagkain. "Alam mo ba ang nangyari sakanya?" Diretso niyang tanong saakin, hindi ko sakanila sinabi ang nangyari kagabi. "Yes." Maikli kung sagot. "Paano mo nalaman, alam ba niya na nandito ka ngayon sa Canada?" Tanong niya saakin. "Wag muna itanong kung saan ko nalaman tsaka hindi niya parin alam na nandito ako." Mahaba kung sagot sakanya. "Babe nandyan kana pala, bakit ang tag-- Blaine?" Gulat na tawag niya saakin ng makita niya ako, agad siyang lumapit saamin. "Alam mo ba ang nangyari sa pinsan ko?" Diretso niyang tanong saakin. "Tara na sa loob." Sambit ni Jake. "Gusto ko lang kamustahin siya, kamusta na pala ang kalagayan niya?" Tanong ko kay Jake. "Mabuti naman gumising siya kaninang umaga." Sagot ni Jake. "Mabuti kung ganon, alis na ako." Sabi ko sabay talikod sakanila. "Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong saakin ni Jane. "Hindi na kailangan magagalit yun kapag makita pa niya ako." Malungkot kung sabi at nagsimula ulit akung maglakad. Hindi ko pa kayang harapin siya pero hindi ko hahayaan na maging duwag na naman ako ulit pagdating sakanya. Magiging akin ka ulit Bella Lopez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD