Dalawang buwan na ang lumipas at kitang-kita ni Bella sa boses ni Blaine na tila may mabigat na problema ito, na para bang wala siyang ganang kausapin si Bella tuwing magkausap sila sa telepono. Umuwi na rin ng Pilipinas si Bella dahil lumala na ang sakit ng daddy niya.Dalawang buwan na ang lumipas at kitang-kita ni Bella sa boses ni Blaine na tila may mabigat na problema ito, na para bang wala siyang ganang kausapin si Bella tuwing magkausap sila sa telepono. Umuwi na rin ng Pilipinas si Bella dahil lumala na ang sakit ng daddy niya. "Hi po miss Bella, welcome back." Masayang bati sakanya ng driver nila, siya ang sumundo kay Bella sa airport. "Thank you." Nakangiting sagot sakanya ni Bella "Kamusta na po kayo doon?" Tanong nag driver kay Bella habang nagmamaneho, samoung taon na nila itong driver kaya parang kamag-anak na rin ang trato sakanya at ganun din sa mga kasambahay nila. "Mabuti naman, ikaw kayong lahat kamusta." Tanong din sakanya ni Bella. "Medyo okay naman po." Nakangiti nitong sagot. "Medyo? Bakit may medyo pa?" Nagtataka nitong tanong sa driver nila. "E ano kasi miss Bella simula ng umalis ka si miss Loren nga po gusto niyang kaming palitan lahat at buti nalang ang daddy mo ay hindi pumayag kaya simula non lagi kaming pinapagalitan ni miss Loren kahit wala namang mali sa mga ginagawa namin." Mahabang paliwanag niya, nakaramdam naman ng inis ng marinig yun ni Bella. "Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yan." Galit nitong sabi. "Wag niyo po masabi kay miss Loren lahat ng sinabi ko sayo baka tuluyan niya kaming paalisin sa inyo." Sabi nito. "Wag kang mag-alala mang carding." Nakangiti nitong sagot sa driver nila. Ilang oras ay dumating na rin sila sa bahay. "Dumating na tayo miss Bella." Sabi ni Mang Carding na pinagbuksan ng pinto si Bella. Pagpasok niya sa bahay ay binati agad nila si Bella sa kanyang pagbabalik. "Salamat at dumating na po kayo miss Bella, namis ka na naming lahat." Nakangiting sabi ni manang Helda. "Maraming salamat din sa inyong lahat." Nakangiti din nitong sagot sa kanilang lahat, bigla silang nakarinig ng malakas na kalabog ng tsinelas at napatingin silang lahat sa taong pababa ng hagdan. "Welcome back sis, I hope you let me know about this coming home so that we can prepare for you." Sabi ni Loren ng makalapit ito sa kanila sabay niyakap si Bella. Nagkatinginan ang mga kasambahay nila dahil sa ginawa ni Loren, alam nilang lahat na hindi magkasundo ang magkapatid. "Hindi na kailangan, kontento na ako sa taos-pusong pagbati sa akin ng mga kasambahay natin" Nakangising sagot ni Bella sakanya, tumingin muna si Loren sa mga kasambahay nila. "Pwede bang iwan niyo muna kaming magkapatid." Sabi nito sa kanilang lahat, agad-agad naman nagsi-alis ang lahat. "Aalis na rin ako." Sabi ni Bella. "Kaya ko sila pinaalis para makapag-usap tayo ng ma----." "Wala akong oras makipag-usap sayo." Pagputol nito kay Loren at tinalikuran na niya ito. Nagbihis muna siya bago bisitahin ang daddy niya sa hospital. Ngayon ulit niya magagamit ang paborito niyang sasakyan. "I miss you." Mahinang pagsambit nito habang lumalapit siya sa magarang niyang sasakyan..
Ilang minutos ay dumating na rin siya sa hospital habang naglalakad siya papunta sa kwarto ng daddy niya nang biglang may nakabangga siya. "Sorry sorry miss." Agad na paghingi ng lalaki ng sorry sakanya. "L-luke?" Di makapaniwalang pagsambit sa pangalan ni Luke. Nagulat si Luke ng tanggalin ni Bella ang kanyang salamin. "Bella!" Sigaw nito sa pangalan ni Bella sabay ng pagyakap nito ng mahigpit. Napangiti naman si Bella ng makita niyang si Luke pala ang nakabangga niya. "Kailan ka dumating at anong ginagawa mo dito?" Tanong nito agad kay Bella. "Ayaw ko sanang umuwi muna dito, pero nalaman ko na lumala na pala ang sakit ni dad." Sagot nito kay Luke. "Ganun ba, kailan pala siya naisugod dito" Tanong sakanya ni Luke. "Mag-iisang linggo na daw siya nandito yun ang sabi sa akin ni manang Helda." Sagot ni Bella. "Ganun ba, p-pwede ko rin ba mabisita ang d-daddy mo." Nag-aalinlangan nitong sabi kay Bella, ngumiti muna sakanya si Bella bago sumagot. "Oo naman." Diretsong sagot sakanya ni Bella. "Kamusta na buhay mo doon?" Biglang tanong sakanya ni Luke habang naglalakad sila patungo sa kwarto ng daddy ni Bella. "Okay naman medyo nakaka stress nga lang dahil sa trabaho." Sagot ni Bella. "Dumating na pala tayo." Sabi ni Bella nang dumating na sila sa tapat ng kwarto ng kanyang daddy. Binuksan agad ni Bella ang pinto at agad niyang ng nakita ang daddy niya na nakahiga sa kama habang may nakalagay na oxygen sakanyan. Hindi napigilan ni Bella na maiyak sa nakita niya. "Bakit hindi nila sa akin agad sinabi ang nangyari kay dad." Mahinang sambit nito habang lumalapit sa daddy niya. "D-dad." Sambit ni Bella ng makalapit siya sa daddy niya sabay yakap ng mahigpit, nagising ang daddy niya ng maramdaman niya si Bella habang nakayakap sakanya. "A-anak." Maikling sambit ng daddy niya, kumawala sa pagkayakap si Bella sa daddy niya at agad pinawi ang mga luha niya para hindi mag-alala lalo sakanya ang daddy niya. "D-dad, bakit hindi niyo agad sa akin pinaalam itong nangyari sayo." Sabi ni Bella at hindi niya maiwasang maiyak dahil sa kalagayan ng daddy niya. "A-ang b-buong a-akala ko ay n-nasabi s-sayo ni L-loren ang n-nangyari sa a-akin." Putol-putol na pagkasabi ng daddy niya at mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha. "Dad s-sorry kung hindi sa akin sinabi ni manang Helda hindi ko malalaman itong nangyari sayo, hindi sa akin ito sinabi ni Loren." Tuloy pa rin ang pag-iyak ni Bella at nang mapansin niyang kasama pala niya si Luke ay agad nitong pinawi ang mga luha niya. "N-nandyan ka pala." Nahihiya nitong sabi. "Hindi, okay lang." Nakangiting sagot ni Luke. "I-ikaw ba ang b-boyfriend ng p-princesa ko." Nanlaki ang mata ni Bella at si Luke ng sabihin yun ng daddy ni Bella. "H-hindi po dad." Sagot agad ni Bella sa daddy niya. "K-kaibigan ko lang siya dad, siya si Luke." Natatarantang sabi ni Bella, tumango tango naman ang daddy niya.
10:30 Am, hindi pa rin umuuwi ng bahay si Bella dahil siya muna daw ang magbabantay nito. Biglang may pumasok na nurse at nang makita nito si Bella ay para bang natataranta kung anong gagawin niya. "S-sorry m-mali pala n-napasukan ko." Paghingi nito ng paumanhin sabay tinalikuran si Bella. "Sandali, ikaw ba ang palaging naglalagay ng gamot sa daddy ko?" Pagpigil sakanya ni Bella. "H-hindi po." Sagot ng nurse pero hindi pa rin ito nakaharap kay Bella. "Sigurado ka? Anong pangalan mo at lumapit ka sa akin para kunan kita ng litrato para maipakita ko sa daddy ko kung totoo bang hindi ikaw ang naglalagay ng gamot sa kanya." Napalunok ang nurse nang marinig iyon. "H-hindi po kami pwedeng pictu---." "Wag kang mag-alala hindi kita ipapakita sa social media sa daddy ko lang kaya humarap ka sa akin kung ayaw mong ako mismo ang lumapit sayo." Galit na sabi ni Bella, unti-unti namang humarap ang nurse pero nakatungo lang ito. Pagkatapos kunan ng camera ni Bella ay umalis ito kaagad. Kaya ginawa yun ni Bella dahil nasabi din sakanya ni Manang Helda na simula ng isugod dito ang daddy niya sa hospital ay saka lumala ang sakit ng daddy niya kaya pati si manang Helda ay malakas ang loob na may maling ini-inject sa daddy niya kaya mas lumala ang sakit niya. Galit na sabi ni Bella, unti-unti namang humarap ang nurse pero nakatungo lang ito. Pagkatapos kunan ng camera ni Bella ay umalis ito kaagad. Kaya ginawa yun ni Bella dahil nasabi din sakanya ni Manang Helda na simula ng isugod dito ang daddy niya sa hospital ay saka lumala ang sakit ng daddy niya kaya pati si manang Helda ay malakas ang loob na may maling ini-inject sa daddy niya kaya mas lumala ang sakit niya. At hindi rin pumapayag si Loren na bisitahin siya ng kahit sino kaya hindi nakakapunta si manang Helda dahil kay Loren at ayaw pa ni Loren na ipaalam ito sa mga kamag-anak nila ang nangyayari sa daddy nila.
Kinabukasan ay maagang umuwi si Bella sa bahay nila at si manang Helda muna ang pinabantay niya sa daddy niya. Habang nagkakape siya sa sala ay dinig niyang may lumalapit sa kinaruruunan niya. "Totoo bang may nagkakamaling nurse na pumasok doon sa kwarto ni dad para maglagay ng gamot? Buti nalang ikaw nagbantay kay dad." Nag-aalalang sabi ni Loren ng makalapit ito kay Bella. "Wait. Paano mo nalaman yun?" Seryusong tanong ni Bella sakanya habang nakataas ang kabilang niyang kilay. "Ahmp a-ano k-kasi may mga k-kakilala ako d-doon at nasabi niya yung nangyari kahapon." Nauutal na sagot ni Loren at nahalata na ni Bella na nagsisinungaling siya. "Mabuti kung may mga kakilala ka pala doon para mas lalong maging safe si dad sa hospital balak ko pa naman sanang ilipat kasi parang hindi doon safe pero nagkakamali pala ako dahil mas safe pala siya doon kasi may mga kakilala ka pala doon." Pilosopong sabi ni Bella sabay tayo at tinalikuran ang kapatid niyang si Loren. Subrang nainis si Loren dahil parang hindi na niya maitutuloy pa ang plano niya dahil kay Bella. "Hayop ka talaga." Nanggigigil na sabi ni Loren nang makalayo na si Bella.
Nakapikit si Blaine habang menamasahe ang kanyang ulo nang marinig niyang may nagbukas ng pinto pero hindi niya ito pinansin dahil baka si secretary Kim na naman.