CHAPTER 19

1102 Words
Third person "Buntis ako" Masayang sabi ni Marga at agad niya itong ipinadala sa lalaking pinakamamahal niya. Naglalakad si Marga habang naghihintay ng reply kaya agad siyang napangiti nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. "Please! Don't send me that kind of message again, makakapag-usap na tayo ng maayos pag-uwi ko." Nagulat si Marga nang mabasa niya na si Blaine ang nakatanggap ng mensahe niya, hindi ang lalaking mahal niya. "Wrong sent." Mahinahong sabi nito at tinapik ang noo nito. Agad niyang kinontak si Blaine ngunit hindi sumasagot, nag-aalala si Marga dahil nangako ito kay Blaine noon na hindi na niya ito guguluhin. "Please Blaine sumagot ka." Sabi niya habang naglalakad papunta sa sala. Dalawang linggo na simula ng pagpunta nila sa resort at hindi mawala sa isip ni Blaine ang natanggap niyang mensahe galing kay Marga, kinakabahan si Blaine habang nag-iimpake ng gamit pabalik sa Pinas. Pagkatapos niyang mag-impake ay agad niyang tinawagan si Bella upang magpaalam ito sakanya. "Hello?" Sagot agad ni Bella sa kabilang linya, nagbuntong hininga muna bago ito sumagot. "Uuwi muna ako sa Pinas, wag kang mag-alala babalik rin ako dito." Sagot ni Blaine. "G-ganun ba." Malungkot nitong sagot kay Blaine. "Kung hindi ka lang sana busy pwede bang magkita muna tayo bago ako makabalik doon." Sabi ni Blaine. "Sure, why not nasaan ka ba ngayon pupuntahan kita." Sagot agad ni Bella dahil gusto rin nito makita si Blaine bago makabalik. Nagkita silang dalawa sa starbucks at agad naman itong niyakap ni Blaine ng mahigpit. "M-may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Bella sakanya. "Wala naman, namis lang kita agad hindi ko na alam ang mangayayari sa akin kapag hindi kita nakikita araw-araw. Kita mo isang araw lang hindi kita naka date ay namimis na kita." Nakangiti nitong sagot kay Bella. "Sure ka wala ka ba talagang problema? I'm always here wag kang mahiya magsabi." Nag-aalala parin nitong sabi, hindi nakaka sigurado si Bella ramdam niya na may mabigat na problema itong si Blaine. Nagbuntong hininga si Blaine bago nagsalita ito. "Sure na sure, wag kang mag-alala okay lang ako saka kaya ko itong ayusin." Sagot ni Blaine habang pinipilit nitong ngumiti kay Bella. "Talaga, kilala kita Blaine." Sabi ni Bella, niyakap ulit ito ni Blaine. "Basta kahit anong mangyari sana hindi mo na ulitin ang paglayo mo sa akin, hindi ko na makakaya na malayo ka pa sa akin ulit." Malungkot na sabi ni Blaine. "Pangako." Maikling sagot nito kay Blaine. "20 minutes na lang, kailan ko ng umalis." Sabi ni Blaine, halata naman sa hitsura ni Bella ang pagkalungkot nito. "Wag kang malungkot babalik lang din ako." Sabi nito sabay halik sa noo ni Bella tapos binaba ang tingin nito sa mapupulang labi ni Bella. Unti unting pumipikit si Bella at hindi nagtagal ang naramdaman nito ang pagdampi ng labi ni Blaine sakanya. Kanina pa naghihintay si Marga sa kanyang Boyfriend ngunit hindi pa rin ito dumadating. Mag-iisnag oras na siyang naghihitay nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone ay agad niya itong tinignan. Para bang pinagbagsakan ng langit at lupa ng mabasa ang mahabang mensahe galing sa kanyang boyfriend. "Sorry Marga hindi pa ako handa pa na sabihin sa mga magulang ko ang tungkol dito. Wag kang mag-alala pananagutan ko naman yan, kung totoong mahal mo ako hindi wag mo itong ipaalam sa mga magulang ko." Pagkatapos nitong basahin ay sunod-sunod na pumapatak ang kanyang mga luha. Parang gumuho ang mundo ni Marga at hindi na niya alam ang gagawin niya kapag nalaman ito ng kanyang mga magulang. Kinabukasan parang walang balak na bumangon si Marga sa malambot nitong higaan. Nakatitig lang ito sa kisame habang nag-iisip kung anong gagawin niya sa sinapupunan niya. Biglang nag ring ang kanyang cellphone nagbuntong hininga ito bago niya sinagot. "Napatawag ka Blaine." Agad nitong sabi. "Magkita tayo ngayon." Sagot naman nang nasa kabilang linya, hindi agad nakasagot si Marga. "Okay." Maikli nitong sagot, habang nag-aayus si Marga ay may bigla siyang naisip kaya nagmadali itong umalis ng kanyang condo. Nilibot ni Blaine ang kanyang paningin nang makita niyang papalapit na si Marga sa kanyang kinaruruunan. Sinisigurado lang niyang walang makakakita sa kanila na nakakakilala sa kanilang dalawa. "Hi." Nakangiting bati ni Marga saka siya umupo at ngayon ay magkaharap na sila ni Blaine. "Totoo ba yung sinend mo sa akin?" Diretsong tanong sakanya ni Blaine, ngumiti naman sakanya si Marga. "Oo naman hindi ako nagbibiro Blaine." Nakangiti nitong sagot, napakamot ng kanyang buhok si Blaine. "Okay ka lang ba Blaine?" Tanong sakanya ni Marga ng mapansin nitong nakatungo lang at hindi nagsasalita. Napaangat ng tingin sakanya si Blaine at halata sa kanyang mukha na para bang ang laki ng problema niya ng marinig niya yun. "Yeah, I'm okay but." Mahinahon nitong sagot. "Sana wag mo ito ipaalam pa sa iba." Dagdag pa niya, ngumisi si Marga ng marinig niya yun. "Gago ka ba? Paano ko ito itatago kapag lumaki na ang tiyan ko, malalaman at malalaman din ito ng mga magulang natin kaya wala tayong takas nito." Sagot ni Marga sakanya, napalakas ng pagbuntong hininga si Blaine. "Go abroad and don't worry I will provide for the needs of both of you." Problemadong sagot ni Blaine. "Ayaw mo ba sa magiging anak mo? Bakit parang gusto mo kaming ibasura sa ibang bansa." Seryuso sagot ni Marga kay Blaine. "Sh*t, hindi yan ang ibig kung sabihin Marga. Intindihin mo naman ako kakaayos lang naming dalawa ni Bel--" "So ibig sabihin kaya mo kaming talikuran ng magiging anak natin, dahil sa bago mo kaya mong gawin yun right? Intindihin mo din naman ako Blaine, hindi madaling magbuntis na walang nag-aalaga." Naiiyak nitong sabi. "Marga kukuha ako ng makakasama niyo na mag-aalaga sa inyong dalawa at wag kang mag-alala bibisitahin ko kayo doon." Mahinahong sagot ni Blaine. "Wala tayong nararamdaman sa bawat isa kaya lang ulit tayo nagka konekta dahil dyan sa kinabubuntis mo." Seryusong sabi ni Blaine. "Paano kung sabihin ko sayo na mahal parin kita hanggang ngayon." Mahinahong sagot ni Marga. "Tapos na tayo Marga isipin mo ang kinabubuntis mo lang ngayon ang dahilan ng ating pagkikita. Don't try to enter my life again because you will only get hurt again." Sagot ni Blaine sakanya. "Think about it and tell me right away if you agree." Dagdag pa niya pagkatapos ay tumayo ito at tinalikuran niya si Marga. Napaisip si Marga na kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga makukuha ang loob ni Baline. "Ano na naman tong pinasok mo Marga, paano kung malaman ni Blaine na hindi nga pala siya ang tunay na ama ng kinabubuntis ko." Sabi nito sa sarili habang nagmamaneho pabalik sa kanyang condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD