"How's your life?" Tanong ko sakanya.
"Naging mabuti naman simula ng dumating ako dito." Diretso niyang sagot.
"Ako, hindi mo ba itatanong kung anong nangyari sa buhay ko nang lumayo ka sa akin?" Seryuso kung tanong sakanya, tumingin ito sa akin ng seryuso.
"Hindi na kailangan, wala namang mangyayari kung lumayo ako sayo mas mabuti pa nga yun." Seryuso niyang sagot.
"Paano kung sabihin ko sayo na halos mabaliw na ako sa kakaisip sayo, kala mo ba naging masaya ako noong hindi kita nakikita at nakakausap?" Malungkot kung sabi, hindi ko alam pero gusto ko ngayon sabihin sakanya ang dinanas ko nung lumayo siya.
"Bakit mo to sa akin sinasabi? Dapat masaya kana dahil may Marga kana, diba sabi mo before na hindi muna sasaktan si Marga dahil hindi niya deserve pero bakit mo ito ginagawa ngayon?" Seryuso niyang sabi, nasabi ko lang yun dati dahil galit ako.
"Tama ka masaya na ako ngayon kay Marga at laking pasasalamat ko yun sakanya." Nakangisi kung sabi.
"Ayun pala eh, kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sagot niya at halata sa hitsura niya na nasaktan siya sa sinabi ko, tumayo siya at nagtungo ulit doon sa may pintuan.
"Buksan niyo to! Help! May tao po ba dyan!" Sigaw niya nang makalapit siya sa pinto habang umiiyak.
"Help! Tulungan niyo kami dito!" Sigaw niya ulit habang umiiyak parin, nilapitan ko siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi parin niya ito mabubuksan.
"Tama na yan, walang makaka----"
"Tumigil ka! Wag mo akung mahawak hawakan!" Pagputol niya sa akin at agad niyang tinabig ang kamay ko nang akmang hahawakawan ko ang kamay niya.
"Makinig ka muna sa ak--"
"Shup up your f*ckng mouth!" Sigaw niya sa akin ulit.
"Tumingin ka sa akin!" Sabi ko sabay hawak sa magkabila niyang pisnge at pinaharap ko siya sa akin.
"Matagal na kaming hiwalay." Seryuso kung sabi habang nakatitig sa malungkot niyang mga mata ngayon.
"Masaya ako kay Marga dahil sa wakas pumayag na rin siyang makipag hiwalay sa akin yun ang ibig kung sabihin." Paliwanag ko sakanya at buti nalang ay kumalma na rin siya.
"Sorry kung pina over think pa kita, alam mo naman hindi ko kayang magmahal ng iba dahil sayo lang ito tumitibok." Sabi ko sabay turo sa bandang puso ko.
"Ikaw. Ikaw lang ang tinitibok nito Bella." Naiiyak kung sabi, hindi ko alam pero parang naging iyakin ako pagdating sakanya.
"T-totoo ba yan?" Mahinahon niyang tanong, ngumiti ako sakanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap din niya ako pabalik.
"I miss you baby girl." Bulong ko sakanya sabay ng pagpatak ng luha ko. Subra ko siyang namis bahala na kung naging maiyakin ako for tonight para naman ito sa babaeng mahal ko.
"I'm sorry kung mali ang iniisip ko." Mahinahon niyang sabi nang makawala kami sa pagkayakap.
"Sorry sa lahat ng mga nagawa kung mali, naging duwag ako noon but this time hindi na kita hahayaang masaktan pa ulit." Sabi ko sabay ng pagpatak ng aking mga luha.
"Minsan may mga dahilan kaya nakakasakit tayo ng damdamin ng isang tao kaya minsan yung iba ay nagtatanim ng galit. Pero para sa akin makita ko lang ang isang tao na umiiyak ng dahil sa nagawa niyang mali agad nawawala ang sakit na nararamdaman ko at gumagaan ang pakiramdam ko." Mahaba niyang sabi habang umiiyak. Pinawi ko ang mga luha niya pagkatapos ay niyakap ko ulit siya ng mahigpit, subra ko namis ang babaeng ito.
Hawak hawak ko ng mahigpit ang kamay niya habang bumababa kami ng hagdan, Dala ko ang isa sa mga susi doon sa rooftop kaya nakalabas na rin kami doon.
Nang makababa na kami ay agad naming nakita ang dalawa at parang kaming dalawa ang inaabangan nila.
"K-kamusta?" Nag-aalinlangang tanong ni Jane habang pinagpalit palit niya kaming dalawa ng tingin.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Akala ko ba ikaw ang darating yun pala ay siya, di tuloy ako nakapag ayos." Sabi ni Bella sabay puot, ang cute niyang tignan.
"S-sorry, pero siguro naman ay nag-enjoy kayung dalawa sa date niyo right?" Nang-aasar na sagot ni Jane.
"Ayyiiee kinikilig ako sa inyong dalawa." Sambit ni Jake na parang kinikilig.
"Babe baka naman, date mo naman ako oh!" Baling niya kay Jane habang nagpapa cute.
"Kapal ng mukha mo, kayo dapat mga lalaki nag-anyaya ng date hindi kaming mga babae che!" Mataray na sagot ni Jane sakanya at tinalikuran na kami.
"Oo na ako na, yayain kita bukas ng date." Pagsuyo sakanya ni Jake habang hinahabol si Jane. Tinignan ko naman si Bella, nakangiti ito habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Gusto mo date din tayo araw-araw?" Nakangiti kung tanong sakanya, agad napawi ang ngiti niya at tinignan ako ng masama.
"Date mo mukha mo!" Mataray din niyang sabi, aba nagmana rin pala ito sa pinsan niya. Nagulat siya nang hawakan ko ang magkabilang bewang niya kasabay ng paghila ko sa kanya dahilan ng pagdikit ng aming mga katawan.
"Ayaw mo non araw-araw nagda-date tayo?" Sabi ko at agad naman namula ang magkabila niyang pisnge.
"B-bitiwan mo nga ako." Natataranta niyang sabi, nginisian ko siya at mas lalo ko pang pinag dikit ang mga katawan namin.
"Mag oo ka muna para mabitawan na kita." Nanlaki ang kanyang mata ng marinig niya yun.
"Ang kapal naman ng muk--- I mean oo na, kaya bitawan muna ako!" Mataray niyang sagot, napatawa nalang ako sa inaasal niya ng mabitawan ko siya. Para bang nakalimutan niya ang daan papunta sa kwarto nila ni Jane habang minamasahe ang ulo niya.
"May masakit ba sa ulo mo?" Pang-aasar ko sakanya.
"Ah h-hindi naman, s-sige m-mauna na ako s-sayo." Nauutal niyang sabi pagkatapos ay ang kanyang pisnge na naman ang kanyang minamasahe.
"Ang cute mo." Mahinahon kung sabi ng makalayo na ito sa akin.
Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatitig sa kisame, sarap sa pakiramdam na nakasama ko kanina ang babaeng mahal ko. Wala na akung pinapangarap na iba ngayon maliban na lamang sa babaeng gusto kung makasama habang buhay, sana siya parin magpakailanman. Biglang tumunog ang cellphone ko agad ko naman tinignan kung sino.
"Buntis ako." Laking gulat ko ng mabasa ko ang mensahe. Buntis? Anong ibig niyang sabihin? Agad kung binura ang mensahe baka may makakita pang iba, pero paano kung malaman ni Bella ito? Hindi maaari.