Blaine P.O.V
"Gusto kitang yakapin ng mahigpit kasi miss na miss na kita." mahinahong sabi ko sa sarili ko habang nagda-drive pabalik sa condo ko, Gusto kung bumalik ka sa akin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Sinagot ko agad ang tawag ni Jake.
"Where are you? You said you were going to be here now." Bungad niya agad sa akin, Oo nga pala sinabi ko pala sakanya yun kanina nakalimutan ko tuloy. Agad kung niliko ang manobela sa kabilang daan dito ang daan papunta sa kanila. Ilang minutos ay dumating na ako nina Jake. Agad ko naman lumabas ng bahay si Jake ng marinig niya ang tunog ng sasakyan ko.
"Hey! Kanina pa kita hinihintay nananabik na mahawakan ang kamay mo baby~ I wanna fu--"
"Shut up! Kadiri ka talaga kahit kailan." Inis kung pagputol sa pagkanta niya nang akmang hahawak niya ang kamay ko hayst hindi ko alam kung bakit pinatulan pa siya ni Jane sa bagay hindi naman talaga siya bading pang-aasar niya lang yun sa akin.
"We met today.” I said suddenly.
"Sino?" kunot-noong tanong nito.
"Siya." Maikli ko ring sagot tsk.
"Sinong siya?" Nagtataka parin niyang tanong, hayst seryoso hindi niya pa rin alam kung sino ang tinutukoy ko?
"Sino pa ba kundi si Bella ang tinutukoy ko." Inis na sabi ko sabay buntong hininga.
"Huh! Sinong Bell- ahh si Bella, san kayo nagkita? Anong sinabi niya sayo? Sinampal ka ba ng malakas na malak--"
"Kapag hindi ka tumigil sasabihin ko talaga kay Jane na gusto mong mag-proposal sa kanya!" Galit kung pagputol sa kanya, ang daming tanong hayst.
"P-please don't tell her m-muna, nag-iipon pa talaga ako ng l-lakas na loob and I want to surprise her sana." Nauutal niyang sabi, natawa naman ako ng malakas dahil sa reaksyon niya.
"Kung ganon, tulungan mo rin ako kay Bella." Nakangisi kung sabi.
"Ano ang maitutulong ko sa iyo?" kunot-noong tanong nito. May naisip akung gagawin para makausap ko si Bella.
Kinabukasan agad kung tinawagan si Jake kung pumayag ba si Jane sa plano naming dalawa ni Jake.
"Ano sabi niya sayo?" Kinakahan kung tanong sa kanya sa kabilang linya. Nagbuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Ayaw sabi niya." Sagot niya, napalakas ako ng pagbuntong hininga.
"G-ganun?" Di makapaniwalang sagot ko, babaan ko na sana siya nang bigla ulit siya nagsalita.
"It's a prank! Payag siya don sa plano natin, masaya kana?" Natatawang sagot niya, masaya ako dahil pumayag ang pinsan niya na si Jane.
Nasa isang sikat na resort kaming apat ngayon, ito ang naisip naming plano ni Jake at buti na lang pumayag din si Jane.
"Ang ganda naman dito." Masayang sabi ni Bella habang nilibot ang paningin dito sa kabuuan ng resort na ito.
"Parang ikaw" Sambit ko, napatingin siya sa akin tapos ngumiti. Ngiting hindi makakalimutan, ngiting nagpapabilis ng t***k ng puso ko.
"ANG GWAPO NG RESORT NA TO, yan ang gusto kung sabihin kaso hindi bagay eh, sayo siguro babagay." Nakangiting sabi niya at saka lumayo sa akin. Naiwan akong nakangiti dahil sa sinabi niya, napabuntong-hininga ako bago ko siya sinundan.
"Put your things in our room first." Sabi ni Jake ng makasalubong ko siya.
"Okay." sagot ko at agad akong pumunta sa kwarto namin.
"I miss you too wag ka ng malungkot malapit na akong magbakasyon dyan." Bukas yung kabilang kwarto kaya naririnig ko yung boses ni Bella mula doon, sino yung kausap niya sa phone? Does she already have a boyfriend?
"Oh! Kanina ka lang ba dyan?" diretsong tanong ni Bella sa akin pagkalabas niya doon sa kwarto.
"H-hindi, dumaan lang ako dahil ilalagay ko na rin itong mga gamit ko doon sa kwarto namin ni Jake." Sagot ko at nagsimula na ulit akong maglakad, narinig ko rin ang yabag ng tsinelas niya palayo.
4:30 pm na hinihintay ko si Jane kung okay na ba ang lahat. Biglang nag ring ang phone ko at ng makita na si Jane ang tumatawag ay agad ko ito sinagot.
"Puntahan muna siya sa itaas, okay na ang lahat ikaw nalang." Bungad niya sa akin, di ko mapigilang ngumiti.
"Sige thank you." Sagot ko at agad akong umakyat sa rooftop. Nakita ko agad siyang nakaupo at may tinatawagan.
"Anong ginagawa mo dito, hinihintay mo ba ako?" Pabiro kung tanong sa kanya nang makalapit ako sa kanya. Agad siyang napaangat ng tingin sa akin nang marinig niya ako.
"I'll just waiting for my cousin pero parang nakalimutan niyang umakyat dito." Malungkot na sabi niya, umupo ako sa isang bangko at tumingin ako sakanya ng diretso.
"Mag d-date ba kayo ng cousin mo? Sweet naman." I said while smiling at her, she suddenly stood up.
"Sige bababa na lang ako, baka nakalimutan niya ito, niyaya niya pa akong makipagdate sa kanya." Sabi niya tapos tinalikuran niya ko, Agad ko siyang sinundan at hinawakan siya sa pulso para pigilan.
"What if tayo nalang dalawa ang mag date?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"What are you saying? Ganyan ka ba kapag wala sa tabi mo ang asawa mong si Marga? “ Seryosong sagot niya habang nakatitig sa akin. Natawa ako ng bahagya.
"Okay lang naman kay Marga kung makikipag-date ako sa ibang babae." Napakunot ang noo niya nang marinig iyon.
"Huh! Walang ganun na babae kaya hindi ako makapaniwala na ayus lang sakanya na makipag date ka sa ibang babae." Sagot niya habang nakataas ang isa niyang kilay. She went to the door and tried to open it but she couldn't dahil napagplanuhan na naming tatlo ito.
"What the heck! Bakit hindi mabuksan?" Tanong niya sabay lingon sa akin.
"I don't know, maybe it's time to close here." Palusot ko para hindi niya mahalata na planado ang lahat. Sinubukan niyang buksan ulit pero ayaw pa rin.
"Ngayon mo sa akin sabihin kung sinong malakas sa inyo ng pinto na yan." natatawang sabi ko at tinignan niya ako ng masama.
"Eh kung subukan mo rin kayang buksan to para makalabas na tayo dito!" Galit niyang sabi.
"Hayst ang malas naman." Mahinahong sabi niya, ako naman ay bumalik sa upuan ko kanina.
"Hoy! Wala ka bang balak lumabas dito!" Sigaw niya sa akin.
"Kahit anong gawin mo mas malakas parin yan kaysa sayo." Biro ko ulit sakanya.
"Dumidilim na kaya ayaw kung matulog dito, m-may m-multo dito m-maya." Natatakot niyang sabi nang makalapit siya sa akin.
"Ano naman kung may multo nakakatakot ba yun?" Tanong ko sakanya.
"H-hindi ka ba n-natatakot sa m-multo?" Natatakot parin niyang tanong.
"Wag kang matakot, I'm with you okay." Nakangiting sabi saka ko sinindihan ang dala kung kandila.
"Ayan na wag kang matakot, hindi na madilim." Sabi ko.
"Pero kaya mo bang labanan yung mga multo?" Bigla niyang tanong sa akin at natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo naman multo lang yan tapos ako naman ang pinaka gwapong nilalang dito sa mundo kaya hindi niya ako matatalo." Natatawa kung sabi.
"K-kahit na lumilipad sila k-kaya mo p-parin silang l-labanan?" Para siyang bata pero ang cute niyang tingnan.
"Hayst let's start our date nalang, wag mong isipin yung mga multo." sabi ko at biglang kumunot ang noo niya.
"Anong date ang sinasabi mo! Pumayag ba akong makipagdate sayo!" Agad niya akong sinigawan.
"Wag kang sumigaw nakakasira ka ng ear drums tsk." Sabi ko.
"Eh sa gusto ko eh! Wala kang magagawa kung sumisigaw ako di--"
"Sige lakasan mo pa para marinig ka ng mga mul--"
"Wag ka ring sumigaw baka marinig nga tayo." Halos bumulong siya sa pagsasalita.
"Date or matutulog nalang ako dito?" Mahinahon kung tanong sakanya.
"Hindi ka matutulog mag d-date nga tayo diba?" Matapang niyang sabi.
"Akala ko ba ayaw mong makipag date sa akin." Nakangisi kung sabi.
"Walang matutulog date nga diba." Sagot niya habang pinipilit niyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam paano ko sisimulan itong date namin.