Epilogue

772 Words
Masayang-masaya ngayon si Penelope dahil sa wakas matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant. Mahigit isang taon na rin ang nakalipas magmula nang makatapos siya ng pag-aaral. Ngayon nga ay ang opening ng La Concia’s Diner. Kumpleto lahat ng mga mahal niya sa buhay, ang ama, si Zedrick at mga magulang nito. Present din sina Fatima, Renie, Shayne at Ma’am Mely. Pati si Manong Bong inimbita niya. Nandito rin ang kanyang Tiya Pukreta at si Lenny. Wala na siyang mahihiling pa. Kontento na siya kung ano man ang mayro’n siya ngayon. Kung noon, puros pera lang ang laman ng isip niya, puwes walang pinagbago gano'n pa rin hanggang ngayon. Walang pakialamanan. “One... Two... Three!” pagbibilang ng mga bisita bago niya ginupit ang ribbon na korteng bulaklak na nakapalibot sa may entrada. Unang lumapit at yumakap sa kanya si Fatima. “Yehey! Congratulations, ghorl!” “Salamat, ghorl! Congratulations din sa nalalapit mong kasal.” Lumapit ang tiyahin sa kanya. “Congratulations, Lope. Salamat din dahil inimbitahan mo pa kami. Nahihiya pa rin ako dahil sa mga kasalanan ko sa ‘yo.” Lihim siyang napa-ikot ng mga mata. Himalang hindi na ito mabunganga ngayon. “Ano ka ba, tiyang. Matagal na ‘yon. Naiintindihan ko naman. Walang idudulot na mabuti kung magtatanim ako ng galit. Baka dumami, maging garden pa. Past is past nga sabi nila. Future is what matters now. Family is family.” Yinakap siya nito. “Napakabuti mo talaga. Salamat, Lope.” Tumango siya at ginantihan ito ng yakap. Napatawad na niya ang tiyahin, ito mismo ang kumausap sa kanya at humingi ng tawad. Naiintindihan naman niya ang dahilan nito, ‘yon nga lang sa maling pamamaraan nito ipinakita ang pagmamahal. Nabayaran na rin ang pagkaka-sangla ng bahay at do’n pa rin nakatira ang mag-ina. Binigyan niya ng kaunting puhunan ang tiyahin para makapagpatayo ng maliit na negosyo. Kahit na gano’n, nagtatrabaho pa rin ito sa club. Ang pinsan naman ay nagtino na magmula nang mabuntis ito at takbuhan ng ama ng dinadala nito. Mabuti naman natauhan na sa pagiging kerengkeng. Isa-isa na ring nagsilapitan ang mga ibang dumalo at bumati sa kanila. “Congratulations, anak.” Yinakap siya ng ama saka hinalikan sa may ulo. Gumanti siya ng yakap. “Thank you, Papa. Salamat din po sa suporta.” “Can I have my wife now, ‘Pa?” Sinimangutan niya ang asawa sa biglang pagsulpot nito. Panira ng momentum. Oo, asawa na niya ang lalaking ‘to. Pinakasalan siya nito pagkatapos ng kanyang graduation. Akala niya, magce-celebrate lang sila sa bahay pero may kasalan na palang naghihintay sa hardin nila. “No, Zedrick. Mag-uusap muna kami ng asawa mo. I miss chitchatting with her. By the way, congratulations, hija.” Singit naman ng biyenan. Yes, and yes, nakakataba ng puso, daughter-in-law siya ng isang Luisa M. “Mom, just catch up later. I miss her too.” “Magkasama kayo sa bahay araw-araw. You’re being selfish, son,” pabirong saad ng mommy nito. Napahagikgik siya. “Adik po talaga ‘tong anak niyo sa ‘kin. Excuse po muna, kukunin ko lang ang cinnamon cake.” Hinila niya ang asawa patungo sa kitchen. Kaagad siyang hinapit nito at siniil ng halik. Tinugon naman niya iyon ng buong puso. Nang maramdamang naglulumikot na ang mga kamay ni Zedrick ay siya na mismo ang kusang pumutol sa pinagsasaluhang halik. “Hep! My gas! I am so irresistible and you’re always tempted.” Kinantilan siya nito ng halik sa noo. “I love you, baby nagger. Matagal na akong nasintensyahan ng reclusion perpetua, habang buhay na pagkakakulong sa piling mo. Kahit ano mang parole hindi tayo mapaghihiwalay.” Kahit gaano man ka-corny ang mga banat nito, hindi pa rin niya maiwasang pamulahan ng mga pisngi. Touch na touch ang puso niya. “Subukan mo lang humanap ng iba. Burol ang magiging katapat mo,” matigas na sabi niya at nagbabanta itong tiningnan. “I wouldn’t dare. Pinaghirapan kitang pasagutin tapos hahanap lang ako ng iba? Mahal kita, hindi ko sila kailangan. Ikaw lang, baby nagger,” puno ng pagsuyong wika nito. “Good. Dalawa na kaming magiging baby nagger mo.” Siya na ang kumabig rito at marubdub na hinalikan sa labi. “I love you very much, Zeddy ko and we’re pregnant!” “I-I’m going to be a father! I love you more, baby nagger beyond reasonable doubt.” Pinupog nito ng halik ang buong mukha niya. Indeed, love has a price, it’s expensive and worthy, that is true happiness with your love ones and you can't never buy it using a single penny.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD