bc

Love Has A Price (COMPLETED)

book_age18+
901
FOLLOW
2.2K
READ
revenge
friends to lovers
kickass heroine
CEO
heir/heiress
bxg
humorous
bold
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

FREE STORY!

Si Penelope Garcia ay lumaki sa poder ng kanyang malupit na tiyahin at ang tanging paraan lamang na nakikita niya para makalaya sa kinasadlakan ay ang yumaman. In short, makapangasawa ng mayaman kahit hindi niya mahal basta mahal siya nito. Pera, pera, pera at pera lang ang alam niyang solusyon.

Paano kung isang araw makatagpo siya ng isang lalaking magpapatibok ng sobra sa puso niya pero ang lalaking iyon ay isang dukha rin kagaya niya?

What will she do? Would she stop her heart from loving him or she would gladly love him knowing that he's not rich? It's a come what may situation.

chap-preview
Free preview
Kabanta 1
“HOY! Ano pang tinutulog-tulog mo riyang babae ka! Tirik na ang araw nakahilata ka pa! Anong akala mo sa sarili mo? Donya? Punyetang babae ‘to!” malakas na sigaw ng kanyang tiyahin mula sa labas ng kwarto niya. Malakas din ang mga kalambag nito sa pinto na kulang na lang ay magigiba na. Bahagyang iminulat ni Penelope ang mga mata para tingnan ang oras. Mag-aalas singko palang tapos tirik na ang araw?! Walanghiya talaga ‘tong tiyahin niya! Ang aga pa, e! Alam naman nitong puyat siya galing trabaho. Alas dos na ng madaling araw siya naka-uwi tapos dalawang oras palang ang tulog niya. Kung sana pang-umaga ang trabaho niya saka ayaw naman talaga niya sa trabaho pero wala naman siyang magagawa dahil kung hindi ay palalayasin siya ng kaniyang walang hiyang tiyahin. Kung nagkataon ay wala siyang matitirhan, walang ibang kamag-anak na matatakbuhan pa at ang kaibigang si Fatima na kasama rin niya sa club ay siksikan na sa bahay ng mga ito. Ipinasok siya ng tiyahin sa bar na pinagtatarabahuan nito bilang escort girl. Inirekomenda pala siya ng tiya Pukreta niya sa manager ng pinagtatrabahuan nito para maging waiter at minsa’y dancer sa D’Xtreme Club para naman daw mapagkakitaan ang kagandahan niya. Palibhasa isang mababang lipad na babae ang tiyahin. Sobrang pagtutol ang ginawa niya noon, pero walang epekto sa tiya Pukreta niya. Pinilit pa rin siya nito kung hindi ay ibebenta siya sa may-ari ng bar para sa isang gabi ng kaligayahan at alam niyang wala siyang laban kaya naman wala na siyang nagawa kahit labag sa kanyang kalooban. Noong unang araw ay pinagsuot siya ng malaswang damit na halos makita na ang mga pinakatatago niya. Todong pagtakip niya noon sa katawan. Pinilit niyang sumayaw at ramdam din niya ang mga maiinit at mapagnasang tingin ng mga manyak na kalalakihan sa loob ng bar. Hindi niya maatim pero wala siyang nagawa sa mga panahong ‘yon. “Hoy Lope! Bumangon ka na! Punyetang babae ka! Huwag kang pa-donya! Magtrabaho ka na nang makabayad ka naman ng mga utang mo sa akin! Hindi libre ang mga ginastos ko sa pagpapalaki sa ‘yo!” Kung hindi ba naman kasi siya maagang naulila ay hindi sana ganito ang buhay niya. Hindi na niya nilakhan pa ang kanyang ina dahil namatay ito nang ipanganak siya at iniwan sa tiya Pukreta niya na wala nang ginawa kundi isumbat ang mga ginastos nito sa pagpapalaki sa kanya. Kailangan daw niyang bayaran ang napakalaking utang na loob dito. Kung tutuusin nga hindi pa nito gastos ang pagpapa-aral noon sa kanya. Naaalala pa niya na hindi siya nito binibigyan ng baon at pambayad sa eskwelahan tuwing humihingi siya, kahit singkong duling lang sana. Kaya naman maaga siyang namulat sa buhay. Paextra-extra sa mga karenderya at fast food chains o di kaya’y nagpiprisintang taga-laba ng titser niya noon para lang may pambaon at pambayad siya sa eskwelahan. Nakaabot pa siya ng second year college sa kursong Hotel and Restaurant Management pero ‘yon nga lang ‘di na niya kinaya dahil ang mahal ng tuition fee tapos kakarampot lang ang sweldo niya sa pinapasukang trabaho. Gusto niya sanang ipagpatuloy ang pag-aaral dahil free tuition fee na ngayon pero saka na lang siguro. Bayad na dapat siya sa tiyahin dahil pilit siyang ipinasok sa trabahong ayaw niya. Minsan ito pa ang kumukuha ng kanyang sweldo nang hindi niya nalalaman kaya kakarampot na lang ang natatanggap niya. Tiba-tiba na sana, idagdag pa ang malaking tip. Tapos ganito pa? Ang malas talaga niya! Bakit pa siya ipinanganak kung ganito rin lang ang magiging buhay niya ‘di ba? Pero kung iisipin niya, may kaunting swerte pa rin dahil may natitirhan at nakakain pa siya sa araw-araw, hindi kagaya ng mga pulubi sa lansangan na pagala-gala kung saan-saan. ‘Yon nga lang mas lamang ang kamalasan niya dahil kinupkop siya ng tiyahing kasing lupit yata ni Hitler kasama na ang anak nitong malditang haliparot! Diyos ko! Ayaw na niya sa Earth! Lord pwede bang dalhin Niyo na lang ako sa Mars at magpapa-ampon ako kay John Carter. Bumangon na si Penelope sa pagkakahiga matapos magpakawala ng isang buntong-hininga. Baka masira na ang pinto ng kwarto niya sa kakakalampag ng kaniyang tiyahin. Binuksan niya ang pinto at lumabas na. Nabungaran niya ang tiyahin na naka-upo sa sofa nilang butas-butas na ang upuan habang nagtatanggal ng make-up. Kakagaling lang siguro nito sa trabaho. “Huwag kang pakupad-kupad! Gagang ‘to! ‘Yang kasing nanay mo! Kung hindi sana nagpaputok sa loob ay hindi ka nabuo, siyang dahilan pa ng pagkamatay niya. Tanga rin kasi ‘yong kapatid kong iyon. Mabuti sana kung pinanagutan siya ng ama mo, hindi naman! Tatanga-tanga kasi!" agad na bunganga nito pagkakita sa kanya. Hindi na lang siya umimik kasi wala rin namang silbi. Ganda ring tanggalan ng bunganga ‘tong tiyahin niya! Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatol sa matanda, matagal na siguro niyang nabigwasan ang kaniyang Tiya Pukreta. “Kaya ikaw! Huwag ka ring tanga! Sagutin mo na ‘yong mayamang pomoporma sa ‘yo sa D’Xtreme Club,” dugtong pa nito. Haler! Ayaw niya namang maging kabit ‘no! Kung ang anak kaya nito ang ireto sa mayamang iyon? Mayaman na rin sana ito ngayon. Isa ring tanga ‘tong tiyahin niya. Napaikot na lang siya ng mga mata bago pumasok sa banyo para maligo dahil maaga pa siyang papasok sa restaurant na pinagtatrabahuan niya sa umaga bilang waiter din. Iyon lang naman ang qualified sa kanyang trabaho kasi nga wala siyang natapos. Hindi sana siya tatanggapin bilang waitress pero may certificate naman siya ng two years course sa HRM at ang manager ay dati niyang batch sa high school kaya voila! May pang-umagang trabaho na siya. Kaya naman sobra ang pasasalamat niya. Nang matapos sa pagligo ay kaagad din siyang nagpalit at naghanda papasok sa trabaho. Hindi na siya nag-abalang kumain pa dahil siguradong wala ring ulam. Bibili na lang siya ng skyflakes kasi hindi na niya kayang tiisin ang maaskad na pagmumukha ng tiyahin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook