Episode 1: Desperate Measures
Tala had been scrolling through her social media account for what felt like forever, umaasa—naghihintay—na sana may mag-like man lang sa post niya about the house and lot in Cabuyao, Laguna. Kakabayad lang niya sa banko, and now, binebenta na niya.
"Still nothing," buntong-hininga niya, sabay sara ng laptop in frustration.
Nasa isang coffee shop siya sa San Pablo, Laguna, waiting for her real estate agent—s***h bestie, s***h partner-in-chaos—na si Gladys. Sa totoo lang, halos lahat na ng kakilala niya, inalok na niya ng property. Ang problema? Lahat, barat nang barat o kaya naman, na-stuck sa bagal ng bank at government housing loans. Pero ang kailangan ni Tala ay cold, hard cash—and fast.
Kailangan niyang isalba ang bahay at lupa ng tatay niya sa San Pablo—na ginawang collateral ng madrasta at stepsister niya sa isang utang. Ngayon, malapit na itong makuha ng banko. Yung bahay na ’yon, puno ng alaala—lalo na ng tatay niya at ng yumaong nanay niyang si Josephine.
Nasaktan nang todo ang tatay niya nang malaman ang ginawa ni Mercedes, ang pangalawang asawa. Isa-isa, binenta ng babae halos lahat ng pag-aari niya. At ngayon, bigla na lang silang naglaho ni Frances, ang stepsister niya—parang bula.
Si Mercedes, suki sa lahat ng klase ng sugal—name it: casino, sabungan, jueteng, lahat pinasok na. Laging umaasang babawi pero lalong lumulubog sa utang. Si Frances? Walang pinagkaiba. Spoiled, careless, sunod lang sa nanay. Masyado rin siyang magastos—parang shopping ang pang-araw-araw na libangan. Kahit hindi kailangan, bili nang bili. Narinig niya rin noon mula sa dating kasambahay na nawala raw 'to ng halos tatlong buwan—lumipad pa-Thailand para magparetoke ng ilong. Silang dalawa ang sumira sa pinaghirapan ng pamilya.
Bago sila maglaho, ibinenta pa ang dalawang sasakyan ng tatay ni Tala para pambayad sa mga loan shark. Ang tanging naiwan na lang ay ang matandang Toyota Corolla, na parang may sariling buhay—lagi na lang tumitirik sa gitna ng daan. Minsan ayaw pa umandar pag pinaka-kailangan mo siya. Sabi nga ni Tala, parang may sumpa na ang kotse.
Ngayon, nanganganib nang kunin ng bangko ang ancestral house nila sa San Pablo, Laguna—pati na rin ang lupa at maliit na farm sa paligid nito. Ang tatay niya, dahil sa stress at sakit ng loob, inatake sa puso. Hospital bills? Tambak. At paubos na rin ang ipon niya.
Nakapag-ipon naman siya after ten years ng pagkakayod sa France as a caregiver, pero sa dami ng gastos, mabilis din naubos.
Marunong siyang mag-ipon—masinop, minsan nga kuripot na. Pinaprocess na rin dapat niya ang papel niya dahil nagaapply eto na nurse sa America. Nahihirapan na rin siya sa trabaho bilang caregiver sa France. Nursing graduate siya sa Pinas, pero pinili pa rin niyang magtrabaho sa Europe para makilala ang pamilya ng nanay niya. Kahit hindi related sa kursong tinapos niya, tiniis niya lahat para lang maabot ’yung goal na ’yon.
Na-acquire niya ang kanyang French passport matapos ang sampung taon ng paninirahan sa France. Dahil French descent ang kanyang ina, mas napadali ang proseso. Sakto rin na noong bata pa siya, nakauwi sila sa France at nairehistro siya sa French consulate.
Ilang buwan nakakaraan bago siya biglaan umuwi sa Pinas dahil sa kayang tatay ay nakapag pa dual citizenship siya.
Sumakto lahat ng pangyayari sa buhay niya. Pero mukhang hindi umaayon ngaun ang tadhana sapagkat hirap na hirap siya makapaghanap ng buyer.
Pero yung property nila sa San Pablo, Laguna—iba ang halaga. Priceless. Lalo na sa tatay niya, na kahit nag-asawa ulit, si Josephine pa rin ang laman ng puso. Yung bahay na lang ang natitirang koneksyon nila sa nakaraan. Hindi niya puwedeng hayaang mawala ’yon.
Hindi p’wede. Hindi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila. ’Yon na lang ang natitirang alaala ng mga magulang niya. Ramdam niyang hindi talaga naka-move on ang tatay niya sa pagkawala ni Josephine. At ngayon, after tumawag ang banko, ayun ang tatay niya—nasa hospital bed, wasak ang puso.
Tumulo ang luha ni Tala, pero agad niya itong pinunasan—dahil hello, nasa public place siya, hindi naman siya gusto magmukhang sobrang drama. Tapos biglang tumunog sa buong café yung kanta ni Mareng Whitney Houston:
“I have nothing, nothing, nothing...
If I don’t have you, you, you, you, you.”
Grabe, sumabog ang emotions niya!
Ganito na siya palagi ngayon—bigla-bigla na lang siyang naa-attake ng anxiety parang pa-guest sa teleserye. Napahawak siya sa bag niya, nagdadalawang-isip kung iinumin ba niya yung gamot niya o magpapaka-balat-sibuyas na lang.
Huminga siya ng malalim, pilit pinagpapakalma ang sarili. Alam niyang bukod sa gamot, makakatulong din ang pag-exercise ng deep breathing, pag-focus sa mga bagay sa paligid para hindi mag-overthink, at pagsubok na mag-meditate kahit sandali lang.
Buti na lang, tinutulungan siya ni Gladys na makahanap ng buyer. Yung asawa ni Gladys na si Rodel, nagtatrabaho sa Saudi as an engineer, at may ka-work siyang si Chris—na mukhang golden ticket.
“Gladys! Finally! Buti nakarating ka,” bati ni Tala, sabay kaway.
“Ugh, Mare! Sorry late ako—grabe ang traffic sa Turbina!” Gladys slumped sa chair sa harap niya, sabay kuha ng menu. “A few hours lang from Calamba to San Pablo, pero laging may traffic. Only in the Philippines talaga—probinsya na, traffic pa rin!” (Si Gladys, taga-Calamba.)
“Mare” ang tawagan nila sa isa’t isa—isang paraan ng pagpapakita ng closeness nila.
“Order ka na, Mare—gutom na gutom ka na yata,” pansin ni Tala sa itsura ng kaibigan. Halatang pagod, pati lips tuyong-tuyo.
“Go ahead, pero Mare, Dutch tayo ha? Gusto talaga kitang ilibre, kaso paubos na talaga pera ko. Pag naka-benta tayo, promise—treat kita parang reyna! Pero ngayon, taghirap ako.” sabay yuko ng ulo niya. “Itay is still in the hospital,” bulong ni Tala.
Tumawa si Gladys pero tumango rin with sympathy. Alam niya ang hirap—galing din siyang abroad.
“Deal, Mare. Pero siyempre, once mabenta ko ’yan kay officemate ni Rodel, five percent commission ko ha,” sabay kindat.
“You said it,” buntong-hininga ni Tala. “Parang nasa zero ulit ako. Pero kelangan ko talaga—cash lang ha, walang pa-installment. Kailangan ko ng pera. Para sa bahay… at kay Itay.”
Napakagat-labi siya. Sana noon pa pinakinggan siya ng tatay niya tungkol kay Mercedes. Pero paano nga ba? Baka naghanap lang ng pag-ibig ulit ang tatay niya. At siya? Baka wala siya noong kailangan siya ng tatay niya.
May mga pagsisisi. Marami. Pero hindi pa panahon para malunod sa lungkot. Kailangan niyang maniwala—malalampasan din nila ’to.
Uminom si Gladys ng tubig, tapos tanong, “So, naisip mo na ba sagot sa tanong ko kagabi? Seen-zone mo ako, Mare!”
“Ang dami mong tanong kagabi ah! Alin dun?” tawa ni Tala.
Ngisi si Gladys. “Ulitin ko—anong pipiliin mo: pera o love life problem?”
“NONE!” sabay kurot ni Tala. “Pero sige na nga… love life na lang.”
“HA! Love life talaga!” tili ni Gladys.
“Kasi naman, mas mahirap hanapin ang pera ngayon. Pero love life? Isang landi lang, may naliligaw na agad!” drama ni Tala habang hinawi ang buhok.
“Girl, 30s ka na, wala ka pa ring jowa?! May mga nagkakagusto sa ’yo—Filipino, foreigner—pero wala pa rin?”
“Kumain ka na lang diyan, Mare,” natatawang sagot ni Tala. Alam na niya—nandito na naman si Gladys sa usual topic: ang love life niyang hindi pa dumadating.
“O baka naman... hindi ka pa rin over sa ex mo? Yung kwinento mo nung nasa Italy tayo? Kaya ka nga umalis noon, diba? Spill mo na, tatawanan pa rin kita!”
Ah, Italy. Kung saan nalasing siya sa mumurahing wine at nagdrama like a heartbroken teen. Hanggang ngayon, ginagaya pa rin ni Gladys ang eksena—kunwaring may hawak na bote at umiiyak:
"‘Why did he leave meee, Gladyyyys? Binigay ko na lahat—even my Spotify password!’"
Laging may dagdag na details si Gladys sa kwento, pampasakit ng ulo lang talaga.
Si Gladys ang naging first Filipino roommate niya sa France. Si Tala, nurse sa Pinas, naging caregiver abroad. Bukod sa trabaho, gusto rin niyang tuklasin ang French side niya—dahil ang nanay niyang si Josephine, French. Nakilala niya ang ilang kamag-anak, pero hindi siya naging close sa lola niya—na galit pa rin kay Josephine dahil iniwan nito ang France para sa tatay ni Tala.
Si Gladys ang naging anchor niya abroad. At kahit umuwi na si Gladys sa Pinas para magpakasal at bumuo ng pamilya, solid pa rin ang friendship nila. Social media ang tulay nila sa layo ng mundo.
Ngayon, bilang real estate broker, si Gladys ang tumutulong ibenta ang property ni Tala. In exchange, 5% ng ₱2.5 million selling price ang kikitain niya.
“Oh, bago ko makalimutan—eto,” sabay kuha ni Tala sa bag. “Pasalubong galing Milan—lotion, perfume. And eto bracelet for your baby girl. White gold ‘yan, kaya wag mong isangla ha!”
“OMG, spoiled talaga si Eunice kay Ninang Tala! Thank you! Halika nga dito, yakap!” tili ni Gladys. “Namiss kong kurutin ilong mo!”
“Buntis ka na naman ba?” biro ni Tala. “Naalala mo noong bumalik ka sa France from Pinas? Lagi mo akong inaaway—yun pala, buntis ka! Ako pa yung pinaglilihian mo!”
Tawa si Gladys. “Kaya pala, kamukha ni Eunice si Ninang!”
Si Tala? Maganda talaga. Sabi nga ng iba, parang Anne Hathaway kung may almond eyes at mas bilugan ang mukha. Tall, 5’8”, nagmo-model noon sa college. Halos sumali na sa talent search—kung hindi lang pinigilan ng ex niyang si Top.
“Still can’t believe na pinakawalan ka ni Top,” bulong ni Gladys, sabay peace sign.
“Ten years na ‘yon. Over na ako diyan,” sabay kibit-balikat ni Tala.
Tumunog ang phone. “Oh, si Rodel tumatawag! kaso ang bagal ng mobile data ko”
Pero hindi makakonek. Walang signal. Nasa airport daw si Rodel kasama si Chris, yung potential buyer. Pauwi na ng Pinas si Chris for good, si Rodel naman, vacation lang.
“Gamitin mo Wi-Fi ng café!” excited si Tala. Gusto na niyang makita kung sino si Chris.
Pero bigla—
“AHHHHHHH!”
Nagtilian ang lahat sa coffee shop. Nag-brownout. Lights, TV—lahat patay.
“Sorry po! Power interruption! Wala rin pong Wi-Fi. Pasensya na po!” sabi ng café manager. Tulad ng maraming café sa San Pablo, walang generator ang lugar. Pero favorite pa rin ’to ni Tala—bohemian vibes, chill music, comfy ambiance. Kahit brownout, okay lang.
“OMG, let’s go to the mall!” sigaw ng teens sabay alis.
“Wala nang Wi-Fi? Lipat na lang kaya tayo or punta sa mall?” mungkahi ni Tala.
“Wala nang oras,” sabi ni Gladys habang nagta-type. “Boarding na raw si Chris. Meet daw tayo Friday sa Malate after agency visit niya. Sabi niya, ‘Tell Tala to bring her A-game sales talk.’”
“Friday?! E diba Tuesday pa lang arrival niya? Baka wala na tayong oras para sa banko before i-foreclose…Need ko pa naman pumuntang bank next week. Pero sana may pambayad na. Tumawag ulit sila kahapon. Dapat this upcoming August nabayaran na or makapag settle ng large amount para hindi i-foreclose ang ancestral house ni Itay.”
“Sabi ni Rodel may aasikasuhin muna ata, he needs to visit his Family muna, Mare. Di mo rin masisisi,” sabay tapik ni Gladys.
“Sige na nga,” buntong-hininga ni Tala. “Anong full name niya ulit? I-stalk ko.”
“Chris Madrid,” sagot ni Gladys.
Nag-search si Tala gamit ang mobile data. Ang bagal mag-load. Classic probinsya internet—spotty signal, overloaded networks.
“Hmmm… Mukhang nasa 60s. Mukhang loaded. Engineer daw sa Saudi—so for sure, may pambayad ’yan... in cash,” bulong ni Tala, parang nag-i-investigate lang ng konting chismis.
“Relax ka lang, Mare,” ngumiti si Gladys. “Feeling ko mabebenta natin ’yang house mo sa Cabuyao. Manifesting tayo—wait and see.”
“Mare, kahit ano talaga gagawin ko, basta lang maisalba ko ’yung property ni Itay.”
“Eh paano kung mag-offer ng marriage proposal?” sabay turo ni Gladys sa social media profile ng prospect buyer. Hawak niya ang phone ni Tala habang todo swipe sa mga photos. “Mukha ngang may kaya sa buhay, oh!”
“Yikes, ano ’to—sugar daddy package?” sabay tampal ni Tala sa braso ng kaibigan.
“But if the price is right…” dagdag pa niya, sabay kindat. “Ay, kumain ka na lang,” natatawang sabat ni Tala, sabay sungo kay Gladys sa bagong serve na pagkain.