Chapter One: Tragedy Happened
Maingay ang paligid, may mga usok, apoy at hindi maintindihang pangyayari. Giba-gibang mga bahay, mga bata na umiiyak. Isang malaking kaguluhan ang nangyayari sa kanilang nayon. Naghahalong amoy ng usok, nasunog na tao, at dugo. Sa gitna nito may isang binata ang may buhat na batang babae.
"Ame, gising ka pa ba?" tanong ng binata.
"Zion, anong nangyayari?" naiiyak nitong saad.
Zion: "Malapit na tayo, maghahanap tayo ng tulong kayna Tito. Kaya huwag kang matutulog Ame."
Ame:"Hmmm..."
mahina nitong tugon.
Ginang:"Iho, tulungan mo ako, ang aking anak nasa loob"
nanginginig na pakiusap ng Ginang.
"Nahihirapan akong tumayo" ani pa nito.
Tiningnan ni Zion ang bahay kung nasaan ang anak nito. Umiling ito sa ginang, patuloy itong naglakad palayo.
Ang bahay na kung nasaan ang bata ay giba na, hindi na ito kaya pang pasukin upang matulungan ang ginang.
Ginang: "Ahhh, tulungan nyo ako... ahhh" sigaw, hagulgul ng ginang."Ang anak ko." malakas nitong iyak.
Ame: "Zion?" hindi ito sumagot.
naramdaman na lang ni Ame ang maligamgam natubig na tumulo sa kanyang kamay. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa may leeg ni Zion at muling umimik.
Ame: "Magiging okay din ang lahat." umiiyak nitong sabi.
Tumango naman si Zion bilang pagtungon.
12 na anyos si Ame at 14 naman si Zion, nakatira sa isang maliit na baryo, malayo sa sibilisasyon. Namumuhay sila ng mapayapa at pagsasaka ang pangunahing pangkabuhayan.
_________
2 hours earlier
Teacher:"At dito tayo nagtatapos"
pagkasabi ito ng guro agad nagsaya ang mga mag-aaral nito.
Students: "Yehey, makakauwi na kami."
Whenie: "Ame uuwi ka na ba agad? Gusto mo pumunta muna tayo sa bahy? Maraming mga bagong dalang klase ng bulaklak si Mama at Papa.
Ame: "Talaga?" Nasisiyahang tugon nya sa narinig."Kaso kasabay ko si Zion sa pag-uwi. Pwede ko ba syang yayain?"
Whenie: "Oo naman."
Agad na tumakbo paalis si Ame upang hanapin si Zion. Mas mataas ng isa taon nag-aaral si Zion dahil matalino ito at matanda na mag-isip hindi kagaya ng ibang mga bata.
Ame: "Zion, tara na."
kinuha nya ito sa braso upang hilahin paalis.
Zion: "Teka, sandali lang" muli nito hinila ang braso na hawak pa rin ni Ame. "Hindi pa ako pwedeng umalis may gagawin pa ako dito. Pupunta ka ba kayna Whenie?" Nagtataka man si Ame dahil nalaman agad ni Zion kung bakit sya nito niyayakag.
Ame: "Huh? Paano mo nalaman? Staka ano pang gagawin mo? Pwede ka dw sumama sabi ni Whenie." hila pa rin nito ang braso ni Zion.
Zion: "Hindi nga pwede, may mga dapat pa akong pag-aaralan. Pupuntahan na lamang kita kina Whenie kapag uuwi na tayo." ngumuso ito at binitawan sya.
Ame: "Sige pero huwag kang magtatagal, kailangan natin umuwi bago magdilim." Hinawakan naman ni Zion ang balikat niya at itinalikod sa kanya.
Zion: "Oo na, Babye"
ngumiti ng malawak si Ame bago nagpaalam.
Ame: " Babye" tumakbo ito palayo kay Zion.
Whenie's House
Ang pamilya ni Whenie ay nag-tatanim at nagbebenta ng mga bulaklak. Sila ang may pinakamalaking tindahan at farm sa Lugar.
"Wooow!!!" hangang-hanga si Ame sa kaniyang nikikita.
"Tita, andami pong bagong bulaklak. Nakakaingit naman." wika nito habang malikot ang mga matang tinitingnan ang mga bulaklak sa paligid.
Habang naaliw sa nakikita, napukaw ng pansin ni Ame ang isang bulaklak na pabilog. Lumapit sya rito at binasa ang pangalan.
"Hydra-hydrangea?" bulong nito at ngumiti.
"Nakakatuwa ang iyong anyo, kakaiba at mayroon kang iba't ibang kulay. Blue, Green, purple and white..." natigilan ito at umupo sa harap ng puting bulaklak.
"Ame, nagustuhan mo ba ang bulaklak na iyan?" tanong ng isang matanda na may hawak na libro.
"Ah, lolo. Magandang hapon po." lumapit sya rito at nagmano. Isang matandang nakatungkod at may sumbrero, lolo ni Whenie
"Hydrangea po, ang ganda po nila. Pero halos lahat naman po ay magaganda." tumingin sya kay lolo at muling umimik.
"Lolo alam nyo po ang kung ano po ang simbolo ng bulaklak na ito." tanong nito. Tiningnan ng matanda ang bulaklak.
"Bago lamang ang bulaklak na iyan, sabi ng nagtinda sa amin 2 lang kami na meron nyan dito sa bayan. Kung gusto mong malaman kung ano ang simbolo nito, makikita mo sa mga libro." tumalikod ang matanda at pumasok sa isang kwarto.
"Si Lolo naman, alam ko namang alam nya yun." mungkahi ni Whenie
"Talaga? marami pala talagang alam na bulalak ang lolo mo. Pero bakit hindi nya sinabi ang sagot sa tanong ko." nagtatakang tanong ni Ame rito.
"Haha, ganyan talaga si lolo. Sa halip na sagutin yung tanong mo may iba pang kwento ang sinasabi. Ganun siguro pagmatanda na."
Patuloy na nagkwentuhan si Whenie at Ame makalipas ng ilang minuto dumating na si Zion. Kumaway sya rito at masayang sinalubong ang binata.
"Zion, maraming bagong bulaklak dito. Iba't-iba ang kulay nila tapos tingnan mo ito." ipinakita nya ng bulaklak na pumukaw ng kanyang mga mata.
"Nakakatuwa diba?" ngumiti ito kay Zion
"Ikaw lamang ang natutuwa sa ganito. Dito ka na magtrabaho pag nakatapos ka na sa pag-aaral." Tumango-tango naman si Ame sa sinabi ng binata.
"Kahit hindi mo sabihin, gusto ko talaga dito magtrabaho. Marami na akong alam na mga bulaklak, hindi na ito mabibilang pa sa mga kamay." Taas noo nitong sabi. Lumapit sya kay Zion at hinila papunta sa iba pang mga bulaklak at patuloy na nagkwento kung ano ang mga bulaklak na nasa paligid.
______
"Dalian mo Zion, malapit na dumilim mapapagalitan ako nito." Nauuna sa paglalakad si Ame.
"Sino ba naman kasi ang nagpatagal sa atin." Sarkastiko nitong sagot.
"Ako, kaya nga bilisan mo na." Mabilis pa rin nitong paglalakad. Natawa naman si Zion sa narinig.
Tumigil si Zion at tumingin sa palubog na araw.
"Ame, tingnan mo ang ganda ng paglubog ng araw." Malayo na ang agwat nila sa isa't isa.
"Ame" patuloy nitong tawag. Pumikit sya sandali. Ngunit nagulat sya sa susunod na nangyari.
______
Patuloy pa rin sa paglalakad si Ame kahit narinig nya ang pagtawag ni Zion.
"Ahh, magagalit na si Mama at Papa sa akin, si Zion kasi." Habang naglalakad, napatigil ito sa nakita sa langit maliliit na tila bumubulusok pababa.
"ZIONNN" sigaw nito ngunit may bumagsak sa may harapan nito, umuusok na kulay lila. Tumalsik sya sa di kalayuan. Kitang-kita nito ang kulay lila na usok na tila ito ay nasa kanyang mga mata na.
Matapos ang pangyayari, tumayo si Zion sa pagkakaupo. Nawalan sya ng balanse sa nangyari. Nahihilo man at naguguluhan agad nitong hinanap ni Ame.
"Ame 'cough,cough'" nahihirapang huminga si Zion sa usok at apoy sa paligid.
"A-ame"
"AME!!!" Sigaw nya, ngunit wala syang narinig na tugon.
Matapos ang ilang hakbang nakita nito ang dalaga na nakahiga sa lupa may dugo ito sa ulo, at ilang gasgas sa katawan.
"Ame"bulong nito, naiiyak itong binuhat ang ulo ni Ame at niyakap ito.
"Zi --- zion" mahinang tinig ang narinig ni Zion.
"Ame" tumulo ang luha nito at tiningnan sa mukha si Ame.
"Zion" tinaas nya ang kamay at tila hinahanap si Zion. "Hindi ko kayang imulat ang--- a-king mga mata"
Tiningnan ng ayus ni Zion ang mata nito, bago umimik.
"Ame, bubuhatin kita, dito sa likod ko kaya mo ba?" Tumango ito.....
__________