CHAPTER 2

5000 Words
HERA'S KUNOT noo ko siyang tinitigan habang patuloy lang siya sa pagsasalita ng kung ano anong bagay na hindi ko maintindihan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha, inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Siya yung isang gay na bisita ni Mr. Velasquez kaya pala siya familiar siya sa akin. Mas gwapo siya sa personal kaysa doon sa picture. I mean gwapo siya sa picture pero hindi ko akalain na mas gwapo siya sa personal and because of her appearance, you'd never guess the person I'm speaking with is gay! I don't know kung paano ko siya pupurihin. "You're Neveah right?" "I'm Neveah." Napatingin kami sa isa't isa at sabay na tumawa. Sabay kasi kaming nagtanong at pangalan pa niya ang sinabi namin. Tumigil kami sa pagtawa ng magsalita siya. "You remembered me!" Natutuwa niyang sambit sa akin. Humarap ako sa waiter ng abutan ako nito ng alak I grabbed it and placed it on my table before turning back to face her. Nakangiti siya sa akin ng malaki pag kaharap ko. "Uhm sorry but did we talk at events?" Gulat ang naging reaksyon nito sa aking tanong. "You know my name but you don't remember whether we spoke or not? I'm sad Hera darling!" Nag pout ito na ikinakunot ng aking noo. "Syempre oo! We meet in the hallway of the restroom, and I notice you're quite pretty drunk! Syempre as a good samaritan tinulungan kita. I went to your Uncle because you're wasted and don't seem to be able to go home, but the guy he was speaking with said he went out." Pinagkrus nito ang dalawa niyang braso. "Nako Ms. Hera I don't know what to do na talaga kasi hindi ko mahanap ang Uncle mo. Since no one approached me to pick you up and I waited for your Uncle for an hour but he didn't show up I'm sorry, but I have no choice but to drive you to the hotel." Natakpan ko ang aking mukha sa kahihiyan I let a stranger look after me despite the fact that she wasn't responsible for it. "I'm sorry Neveah I… Nakakahiya… But can you please continue the story?" Kailangan kong malaman ang kahihiyan na pinaggagawa ko. "Since you're a popular model I contacted a friend and made a reservation for you. Ihahatid na sana kita sa hotel ng biglang tumawag sa akin ang boyfriend ko dahil emergency iyon ayaw kitang isama dahil pagkakaguluhan ka so I called my best friend, who was also invited to your Uncle's event." Who? "Kaibigan mo ba si Jaida?" "Omg! Yes!" So baka siya ang tinawagan nitong si Neveah I owe her gratitude. "Sapilitan pa ang ginawa ko para pumayag siyang ihatid ka, perhaps my career would have died long ago if she hadn't been my sister." Magkapatid sila ni Jaida? Or tawagan lang nila 'yon sa isa't isa? "Can I get her number? Para naman makapagpasalamat at makahingi ako ng tawad sa kanya." Mahina niya akong hinampas. "No need I decided to help you as well kaya wala kang kasalanan and for her number I'm sorry but I won't be able to give it to you." Tumango naman ako senyales na naintindihan ko ang kanyang sinabi. Siguro gusto ng kaibigan niya ng privacy. "Pakisabi kamo salamat." "Nakahanap ka na ng boylet?" Parehas kaming napatingin ni Neveah kay Raquel. Narinig ko ang mahihinang pagtawa ni Neveah dahil sa sinabi ni Raquel. "She's gay Raquel." Umiling ito habang matiim na tinititigan si Neveah. Maya maya ay umupo ito sa tabi ko habang umiiling iling. "Daming gwapong bakla." Natawa naman ako dahil sa binulong niya, mukhang narinig naman ito ni Neveah dahil agad siyang nag react. "I'm both pretty and handsome no?" Napangisi si Raquel at humarap kay Neveah na nakangisi rin tulad niya. Nagtaasan ang dalawang kilay ng dalawang taong aking katabi habang nanatili akong tahimik at hindi sila pinapakialaman. Inilapag ng waiter ang order kong alak at agad ko itong ininom at hindi ininda ang pait na nalasahan ko galing dito. Wait, this is not my order baka kay Raquel? Martini lang ang iniinom ko kapag nasa nightclub ako. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at pumunta ng restroom. My brow furrowed when I noticed two people in the dark corridor heading to the restroom. Oh god they're kissing like no tomorrow. Hindi ko na lamang sila pinansin at pumasok na sa restroom, hindi naman ako nagtagal dahil tiningnan ko lang ang aking hitsura. Pagkalabas ay may nabunggo akong likod ng isang tao, napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang hilo. "Damn it." Mahina kong hasik. "I'm sorry." Sambit ko sa taong aking nabunggo at naglakad na papaalis doon. Pagkabalik ko sa aming table ay halos mawindang ang dalawa kong mata sa nakita. Raquel is kissing a stranger and Neveah too. Omg! Anong nangyari noong sandali akong nawala? Bakit nakikipaghalikan sila na para bang wala ng bukas? Ang akala ko ay titigil na sila dahil binitawan na nila ang dalawang lalaking kanilang kahalikan pero nagulat ako ng magpalit sila ng taong hinahalikan. OMG! What the hell? The man who kissed Neveah are now kissing my bestfriend, and the man who kissed Raquel is now kissing Neveah. Hindi pa naman ako lasing hindi ba? Is this foursome? Omg! Lalapit na sana ako upang paghiwalayin si Raquel at ang lalaking kahalikan niya ng bitawan niya ito, ganoon din ang ginawa ni Neveah, and when they exchanged glances, they both grinned. "Who's the best kisser?" Sabay nilang tanong sa dalawang lalaking kahalikan nilang dalawa na ikinagulantang ng aking pagkatao. They're playing around! "Both." Sagot naman ng dalawa na ikinairap ni Raquel at Neveah mukhang hindi nila nagustuhan ang sagot ng dalawang lalaki kaya pinaalis na nila ito na para bang wala lang. Hindi ako makapaniwalang lumapit sa kanila. I was startled when they both squeezed my hands, nakanguso sila sa aking dalawa na para bang may gusto silang gawin sa akin. Mabilis na pumasok sa isip ko ginawa nila kanina sa dalawang lalaki, kinuha ko ang kamay ko sa kanila at tinaasan sila ng kilay. "No, I'm not going to look for a guy just to pleasure both of you." Inirapan nila akong dalawa at pinagkrus ang dalawang braso. Mabuti na lang at naging okay na silang dalawa, nagpa-alam na sa amin si Neveah ng tawagan siya ng kaibigan niya. Naiwan kaming dalawa ni Raquel may katabi na din itong lalaki at mukhang iiwan na ako ng bruha dahil sa lalaki niya. Maya maya lang ay narinig ko na ang magic word niya. "Hey see you tomorrow! Kaya mo na ang sarili mo diba? Bye." Hinalikan ako nito sa pisngi bago umalis. Wala naman akong nagawa kung hindi panoorin lang siyang umalis sa tabi ko. Nang mawala na sa paningin ko si Raquel tsaka ko lang naisipang tumayo upang umuwi. "Hey you're alone?" Napatingin ako sa isang lalaking sumulpot sa gilid ko. Hindi siya yung lalaking nagpumilit na kausapin ako kanina, bago siya at mukhang kalahi rin nung nauna. I took a deep breath before I faced him. I stared at him from head to toe, and I was irritated even more when I saw his big grin on his face. Tumingin ito sa kanyang likuran dahilan para tumingin din ako rito, may grupo ng kalalakihan sa table na tinitignan niya at kung hindi ako nagkakamali ito ang mga barkada niya. Sayang ang kagwapuhan kung wala namang utak. "Not interested." Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ng nakakadiri niyang kamay ang ginto kong palapulsuhan. Matalim ko siyang tinitigan na mas ikinangisi niya ng malaki. "Let go." Mahina ngunit madiin kong sambit. "Are you that horny?" Irita kong sabi na ikinabago ng kanyang expression. Bingo! Malakas kong kinuha ang kamay ko sa kanya at matalim siyang tinignan. "Hindi ako parausan ng mga lalaki ha? If you're horny, don't even think about approaching me because you disgust me." Diin kong sabi sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko. "Bitch." Gigil na sambit nito sa akin habang nakatakas ang kanyang palad na mukhang ready na akong sampalin. Tinitigan ko siya. "Asshole." Hasik ko ng hindi niya ituloy ang pagsampal niya sa akin. Kinuha ko ang bag ko at umalis sa harapan niya pero bago ako makaalis ay muli niya akong hinila at hiniga sa lamesa saka kinaubabahan. Takot ang namayani sa buo kong katawan ng makita ko ang mala demonyo niyang pagmumukha. He smirked when he noticed how nervous I was about him, ginawa ko ang lahat para makawala sa kanya pero mukha siyang nakalunok ng bato dahil sa sobrang tigas niya. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga taong nanonood sa amin ngunit ni isa sa kanila ay hindi nakuhang gumalaw para tulungan ako. "Damn! Ang swerte ko!" Sigaw niya na ikinapalakpak ng mga tao. Nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig. "I like that." Sambit niya. "Asshole! Don't let me out of here because if I do, I'll make sure you and your scumbag gangs will end up in prison!" Matigas kong sambit na ikinatawa niya ng malakas, agad naman siyang sinuportahan ng mga barkada niyang gago. Muli akong kumawala sa kanya at ng makakuha ako ng chance at tinadyakan ko ang dalawang itlog niya. Sinigurado kong basag ito upang hindi na siya magkaanak pa. Mag kanda hiyaw naman siya sa sakit. I clenched my fist and braced myself to punch him. Thankfully, I was able to study boxing abroad, but I never imagined I'd be able to use it against such a horrible guy. Malakas kong sinuntok ang mukha niya at siniguradong masisira ang bungo niya. I took out my phone and focused it on him, double-checking that the camera could capture his f*****g face. I went to his scumbag gangs and captured them right before they left. "Send me the hospital bills." Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko ng makalabas ako sa bar, bumibigat na din ang talukap ng aking mata dahil sa luha na aking pinipigilan. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa aking sasakyan good thing no one knew me, hindi sasakit ang ulo ng aking agency sa akin. I WAS suffering from a bad hangover when I woke up, I stood up when I heard someone knocking on my door. Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Manang, inilapag niya ang mga pagkain na pinahain ko sa lamesa saka umalis din agad. Sinimulan ko ng kumain hindi pinapansin ang sunod sunod na pagtunog ng aking phone. Nakahiligan ko na kasi na hindi hahawakan ang aking phone kapag kumakain ng agahan, nawawalan ako ng gana at hindi na ako makakakain pa. Ang pamilya ko naman they didn't bother calling me every morning because they knew I'd ignore them. Matapos kumain ay agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. It's Jasmine. Muli kong dinial ang number niya at wala pang isang segundo ng sagutin niya ito. She screamed at me so loudly that I couldn't even say hello, mabuti na lang at nailayo ko na sariling tainga rito. "What? Are you pregnant? Say something Hera! Who's the father? Is Victoria the father of your unborn baby? Wait, should I say mother? Anyways say something Hera Why don't you respond to my questions?" Napatampal ako sa aking noo ng marinig ang mga hinanaing niya. "I'm not Jasmine." Sambit ko ng makakuha ako ng tiyempo para makapagsalita. "Oh? So what's the good news you are talking about huh?" "I'm not pregnant Jasmine." Giliw kong sambit na ikinatahimik ng kabilang linya. Sinigurado ko pa na hindi ko ito napatay dahil walang sumasagot sa akin. "You're not happy?" Tanong ko sa kan'ya. "I am but I had imagined myself as a godmother." Natawa ako dahil sa sinabi niya. I know she's joking, but she seems to be desperate to be a godmother, which is hilarious. "But have you confirmed that Victoria is the one who took your virginity?" "Uhm no? When I found out that I wasn't pregnant, I decided not to get to know the person who got my virginity and if it was Victoria, I wouldn't care as long as I wasn't pregnant. But I do feel bad about what happened because I gave my virginity to someone I don't love." Rinig ang panghihinayang sa boses ko. Syempre hindi talaga mawawala 'yon, pero nangyari na ang dapat hindi nangyari at wala ng ibang paraan kung hindi tanggapin. "Yeah." Sang-ayon ni Jasmine. "But I'm happy for you Hera. You're not pregnant, you can continue to be a wonderful daughter to your parents." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Matagal kaming nag-usap hanggang sa nagpa-alam siya sa akin, ginugulo raw kasi siya ni Freda. Magkasama sila sa hotel habang si Meaghan at Xyriel naman ang magkasama. I went up to the gym to work out after the dizziness faded away. I went down to see Herminia and Hershey after a two-hour workout, mabuti na lang at naabutan ko sila. Since my body was still sweaty, I didn't hug them instead, I simply fist bump into them. "Here." Abot ko sa kanila ng gift na last week ko pa balak ibigay sa kanila. "Ate!! Eto yung latest na bracelet ng Tiffany & Co!" Yayakapin sana ako ni Hershey ng sabihan ko siyang huwag na. Tuwang tuwa din si Herminia sa regalong natanggap niya sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na sila upang umalis. Bagong ligo ako ng makalabas sa loob ng kwarto, may naghahanap daw kasi sa akin sabi ni Manang, tinanong ko siya kung sino pero hindi niya raw kilala kaya nagtataka ako. Manang knows everyone who comes to our house, so when she told me that she didn't recognize the person in front of the door made me nervous. Sino 'yun? "Who are you?" Hasik ko, rinig naman ang boses ko sa labas dahil may speaker doon na naka-connect dito sa loob. Walang nagsalita kaya pinindot ko ang button para makita kung may tao ba o wala, we have cameras in outside para in case na may tao na hindi namin kilala na kumatok ay hindi namin ito pagbubuksan. Agad na nagsalubong ang noo ko when I saw a man outside, he was wearing sunglasses and seemed to be wealthy based on the outfit he was wearing. I knew I didn't know him since his lips were unfamiliar to me. Who is this? I'm sure hindi ko 'to kilala or bisita man lang, baka kila Mom? Wait ang gulo. "Is it okay if I ask your name?" Pormal kong tanong. "Since I don't expect any guests, and Manang is unfamiliar with you, if you introduce yourself, I may be able to figure out who you are." Dagdag ko upang hindi siya maoffend. Pumamulsa ang lalaking nasa pintuan at mukhang naiirita base sa pagbuga ng hininga niya. "Vincenzo." "Vincenzo lang? You don't have a surname?" "Are you the daughter of Mr. Guttierez? Just tell him my name." Gulat ako ng banggitin niya ang pangalan ni Dad pero nanatili pa rin ako sa pwesto ko at hindi gumalaw. My parents were not here, they had informed me that they were leaving, and Dad had never mentioned to me that he was expecting a visitor now. "He's not here Mr. Vincenzo, kung maari bumalik ka na lang mamaya kasi mamaya pa ang balik nila." Magalang kong sambit ngunit hindi siya sumagot sa sinabi ko at nanatili lang na nakatayo sa harap ng pinto. Umikot ang mata ko at kinuha ang phone. When I dialed Dad's phone number, I was relieved to hear his response. Pinatay ko muna ang button ng mic tsaka ko siya kinausap. "Hello Dad? Sorry sa pang-iistorbo sa date niyo ni Mom pero may bisita ka Vincenzo ang pangalan." Matagal bago sumagot si Dad narinig ko pa ang halinghing ng isang babae si Mom siguro. "Ano ulit 'yon darling?" "May bisita ka. Vincenzo ang pangalan." "Oh si Mr. Della Valle? Allow him to enter and hand over the file he requested, the file is in my study room nasa desk." Tumango ako kahit na hindi ko siya nakikita at nagpaalam na. Nakakaistorbo yata ako sa date nila ni Mom. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng maibaba ko na ang tawag at hindi ko inaasahan ang lalaking aking makikita. He's tall, and even though he's suited up, I can tell his body isn't particularly large, only typical for someone like him, and if I'm asked he can't be a model because even though I just see his lips and nose, I can tell he's absolutely gorgeous. He had the appearance of a Greek god. "Are you done checking me out?" Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nahiya sa aking inasal. Upang matanggal ang kahihiyan na aking ginawa ay pinapasok ko siya at pinaupo sa couch. "Manang asked him if he wanted water or juice." Batid ko ng nakasalubong ko si Manang. I walked into Dad's study room and went straight to his desk, where I quickly noticed the file he had requested, I took it and I exited the room. Pumunta ako sa living room at naabutan ko si Mr. Della Valle na sosyal na nakaupo sa couch, hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa tindig ng karisma niya. I think he's a businessman. "Thanks for waiting Mr. Della Valle here's the file." Nakangiti kong sambit habang inaabot sa kanya ang folder. Inabot naman niya ito. Napansin ko na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tinatanggal ang shades niya. "Thankyou Ms. Guttierez." Pormal niyang tugon saka tumayo. Tumayo rin ako upang daluhan siya papuntang pinto ng bahay. Nang nasa labas na siya ng bahay ay muli siyang humarap sa akin at hindi ko alam kung ako ba'y niloloko ng mata ko o hindi? He's smirking at me. Nakaalis itong nagtataka ako. Anong nginingisi niya? Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang ngising binigay niya sa akin at umakyat sa aking kwarto upang mag-ayos. I informed our driver that he should take a break now because I was gonna pick up my siblings. I'm going to the mall with them to buy the shoes and sandals they want. Makalipas ang ilang oras ay umalis na ako ng bahay upang sunduin sila, sakto naman ang dating ko sa kanilang eskwelahan dahil nakita ko na nag-lalabasan na ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Since I'm not allowed to leave my car, I've decided to stay seated. I'll send Herminia a message that I'm waiting for them outside the entrance. A few minutes later, I saw Herminia and Hershey coming out at the same time. They looked for me and when they saw my car, they ran towards it. "Ate!" Masiglang bati ni Hershey at pumasok sa loob ng kotse at ganun din si Herminia. Nginiwian ko si Hershey ng panggigilan niya ang pisngi ko. "Anong ganap ate? Bakit ikaw ang nagsundo sa amin?" Tanong ni Hershey sa akin, saglit ko siyang sinulyapan bago sinagot. "I'm bored." Tumawa silang dalawa dahil sa sinabi ko. "How's the school?" "Nothing special ate." Sagot ni Herminia habang nakasuot ng earphone nakasanayan na kasi ni Herminia na magsuot ng earphone tuwing byahe lalo na't kapag kagagaling niya lang sa school. Sinulyapan ko si Hershey ng sumagot siya. "Nothing special din naman ate, marami pa ring pinapagawa." Natawa ako dahil sa reklamo niya. Well totoo naman ang sinasabi niya, mabuti na nga lang at tapos na ako sa pag-aaral, hindi ako ganun katalino para masiyahan sa mga mahihirap na gawain. Nang makarating kami sa balak kong puntahan ay nagtataka nila akong tinitigan. Kita ko ang pagtataka at excitement sa kanilang mga mata pero mas pinili nila ang hindi magtanong sa akin. "Let's go." Hindi na sila nagtanong at lumabas na lang ng kotse. Nang makapasok kami sa mall ay rinig na rinig ko ang saya sa tono ng boses ni Hershey at Herminia habang nagtatanong sila kung bakit kami nandidito. Mas pinili ko na lang na manahimik kaysa sagutin ang mga tanong nila. Because I keep my identity hidden from the public, I only invite my siblings to go shopping once. To avoid attracting attention, I'll make sure that no one recognizes me when Raquel and I leave. Gusto kong tahimik ang buhay ko kapag nasa labas ako ng modeling, dito ko lang din nararanasan ang tahimik na buhay na gusto ko dahil walang media na nakasunod sa akin ibang iba sa ibang bansa na lalabas ka pa lang sa bahay mo ay may mga media kaagad na nakasunod sa iyo. Pumasok muna kami sa restaurant na favorite nilang dalawa. When two teenagers approached us and took out their cellphones while staring at Hershey, my natural eyebrows arched. Mukhang napresensyahan nila ang matatalim kong titig na binibigay sa kanila kaya umiwas sila ng tingin sa akin at bigla na lang tumalikod at bumalik sa kanilang kinauupuan. Tumingin ako sa dalawang nasa harapan ko na tila walang pakielam sa paligid nila. Napangiti ako ng marealize ko ang sarili sa kanila. Dumating na ang pagkain namin at sinimulang kumain. Hindi namin makuhang magsalita o mag-usap dahil pare pareho kaming busy sa pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami, saglit kaming nagpahinga. Nang makapagbayad ay lumabas na kami. "Ang sarap talaga ng hipon!" Batid ni Hershey habang hawak hawak ang kanyang tyan. Sinang-ayunan naman namin siya ni Herminia. Habang papunta kami sa boutique ng Miu Miu rinig ko ang iilang singhap ni Hershey at hindi ko maiwasang matuwa habang naririnig ang iilang singhap niya. Huminto ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko at binungad sa akin ang napakaganda niyang ngiti. "Uhm b-bibili ba tayo ng shoes?" Nginitian ko na lang siya kaysa na sagutin ang kaniyang tanong. Sabay sabay kaming pumasok sa naturang boutique at mabilis naman na pumunta si Hershey sa sapatos na gustong-gusto niya na salungat kay Herminia. She prefers shoes with no heels, such as rubber shoes and black shoes, and when we go to a party, she doesn't wear heels or even a dress, but rather a suit and black loafers. Nirerespeto naman namin ang kagustuhan niya as long na nag-aaral siya ng mabuti I don't have a problem with that. "What do you like?" Nilingon niya ako. "Nothing, marami na akong collections ng shoes sa kwarto ate." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "So you don't want something?" Ngumuso siya senyales na nag-iisip siya kung ano nga ba ang gusto niyang ipabili sa akin. After a minute ay humarap siya sa akin habang kumikinang ang kanyang tsokolateng mga mata. "After this punta tayo sa bilihan ng watch." Nakangiti niyang sambit sa akin. Pinanood lang namin si Hershey na mamili ng mga sapatos na kaniyang gusto. Hindi rin kami nagimikan ni Herminia dahil pareho naming gusto ang katahimikan we feel at ease in peaceful place. Just like shh, don't say anything and keep quiet for a while. Gumalaw lang ako ng tawagin ni Hershey ang pangalan ko sa pinakamaamong tono at hindi ko maiwasang humagikgik dahil sa kacute-an ng kaniyang ginawa. Nang nakapagbayad dumiretso kaming tatlo sa Rolex upang bumili ng relo ni Herminia. Umupo kami sa bench ni Hershey habang hinihintay na matapos si Herminia I looked at Hershey when she said something. "You're planning something, noh?" Hindi ako sumagot sa tanong niya dahilan para humagikgik siya. Parang aso si Hershey ang lakas ng pang-amoy, minsan napapaisip ako kung sa aso ba siya pinaglihi. She's something. Hershey never asked me another question after we left the boutique. Hindi na kami nag-tagal sa mall dahil napansin ni Herminia na parang bang may nakakahalata na ako si Hera Velasquez dahil may isang teenager na lumapit sa akin, thankfully that Herminia took care of the situation while Hershey clung to me. Makalipas ang kinseng minuto ay nakarating na kami sa bahay natagpuan namin si Mom na kausap ang madrona. She stopped talking to Manang when we got her attention. Nagpa-alam ito bago kami puntahan, sinalubong naman namin siya ng yakap. "Saan kayo pumunta? Why didn't you even bother to invite me?" Nagtatampong sambit nito habang nakatingin sa mga paper bags na bitbit ng dalawa. Tumawa ako saka pumunta sa likod ng aking kotse upang ibigay sa kanya ang matagal niya ng gustong bilhin ngunit hindi niya mabili dahil sa busy niyang schedule. "Wow Hera!" Batid niya habang nakatingin sa vase na binigay ko. It's a simple ceramic white dove, maganda siya para sa kwarto nila ni Dad since may malaki siyang frame ng dalawang dove It represents serenity, but she also considers it romantic because she sees herself as a female dove. "It's gorgeous!" Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap. "Let's go inside, mag-gagabi na." Pumasok kami sa loob ng bahay ngunit hindi namin nakita si Dad sabi ni Mom busy daw ito sa company nila ni Mr. Velasquez. Nagpa-alam ako sa kanila na aakyat muna ako sa taas upang magpalit ng damit. Matapos magpalit ay nag-stay muna ako sa loob ng kwarto upang kumuha ng litrato sa sarili. It feels pleasant to be at home because you are free to walk around and don't have to hide anything. Hindi katulad kapag nasa labas ka you need to hide your face. Pagkababa ko ay nakita ko sila Mom at ang dalawa kong kapatid na nag-uusap it seems they're having fun. I leaned in and hugged my mom's arm. Ginulo niya ang buhok ko at tinuloy ang pakikipagusap kila Hershey at Herminia. "Ang tagal ni Dad." Nilingon ako ni Mom. "Don't worry paparating na raw siya sabi niya sa akin." Batid niya at tumango ako. Tumayo ako ng mapansin kong alasais na ng gabi. The maids are confused by the calories in my cuisine, so I prepare it myself. Nang matapos ko ang paghahanda ng sarili kong pagkain ay tumungo ako sa dining room at naabutan ko doon sila Mom. Where's Dad? Ganun ba siya ka-busy today, hm? Kibit balikat akong pumunta sa pwesto ko. Hindi pa kami kumakain since wala pa si Dad pero nag-aya na si Mom na mag-pray senyales na hindi na namin hihintayin si Dad. Si Hershey ang nagdasal and when she finished ay sinimulan na naming kumain. "Sinabi ba sayo ni Dad na hindi siya makakauwi Mom?" Umangat ang ulo ni Mom at tumingin kay Hershey. "Yes, your uncle is currently with him. Let's not waste any time waiting for him because they still have a lot of work to do." Nagulat kami dahil sa sinabi ni Mom pero nanatili kaming tahimik at itinuloy ang pagkain. I think she's mad. Never pa kasing ginawa ni Dad ito, gumagawa ito ng paraan para makasama kami sa hapag kahit na marami pa siyang gagawin. Pagkatapos kumain ay agad kong pinuntahan si Mom sa labas at natagpuan ko siyang nakatanaw sa madilim na kalangitan. "Nag-away ba kayo?" Nilingon niya ako at binigyan ng tipid na ngiti senyales na huwag ko siyang intindihin dahil wala lang iyong sinabi niya kanina sa hapag. But I feel like they are fighting, hindi ko naman pwedeng hayaan ang ganoong problema. "What happened? Did you two fight?" Hindi niya ako sinagot. I sighed softly and placed Mom's hand in mine. I knew she and Dad had a problem the moment she didn't answer my questions. Tumingin ako sa kaniya gamit ang maamo kong mukha, hindi niya ako binigyan ng reaksyon na gusto kong makita kaya alam ko na may problema talaga siya. "What's your problem with Dad, Mon?" Kinuha niya ang kamay sa akin at pinagkrus ito sa ilalim ng kanyang dibdib. "Nothing, Hera." Napakurap ako dahil sa tono ng boses niya. "Mom, are you okay?" Nag-aalala kong tanong pero nanatili lamang siyang tahimik at hindi sinasagot ang tanong ko. "Hera, I'd like you to leave me alone. If meron man kaming problema ng Dad mo kaya na namin itong ayusin, malaki na kami alam na namin ang tama at mali you don't have to worry." Bumuntong hininga ako saka tinitigan siya ng matagal. Ayokong iwan si Mom dahil mukhang seryoso ang napag-awayan nila ni Dad pero ayoko naman siyang tanungin dahil gusto niyang mapagisa. Si Mom kasi yung tipo ng tao na kapag kaya niya pa ang problemang kinakaharap niya hindi niya ito sasabihin sa iba, mas pipiliin niya itong kupkupin hanggat sa makahanap siya ng solusyon kung paano ito ayusin. "Okay but tell me if you're not okay, ok?" Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng bahay, nakita ko si Hershey at Herminia sa sala I came over to see what they were talking about because they looked serious. "Omg ate nakakabigla ka naman." Biglang tugon ni Hershey habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Mukha kasi kayong seryoso." Hasik ko. "Because it's about school, ate." Tugon sa akin ni Herminia habang kinukuha ang librong nasa babasaging lamesa at saka ito binuklat upang basahin. "Si Mom tignan tignan niyo ha? Aakyat na kasi ako para magpahinga. You're free to come to my room when she tells you about her problems." Tumango silang dalawa. Muli akong nag-paalam at dumiretso na sa aking kwarto. I finished washing my entire body, but I couldn't close my eyes when I sat down on my large, comfortable bed. May gumugulo sa aking isipan at 'yon ay si Mom. I have a strong suspicion that Mom doesn't have basic problems like she used to. Instead, I believe that Dad and Mom argued for a big reason, which I don't know, because when they fight, they usually settle their issues quickly at ngayon lang sila hindi nagkaayos. What should I do? I'm freaking curious. Tumihaya ako at huminga ng malalim. I'm going to return to modeling, and before I do, I'd like Mom and Dad to work out their issues with each other, since if they don't get along, I might be distracted from my work at ayokong mangyari 'yon kaya kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. I feel goosebumps. Really. Shit! Nakalimutan ko na ang problemang meron ako, bukas pupuntahan ko ang pinagkakatiwalaang lawyer nila Mom and Dad. Hindi ko pwedeng kalimutan ang ginawa niya. Fucking asshole. Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD