HERA'S DALAWANG araw na ang nakalilipas simula ng umalis si Harold sa bansa, dalawang araw ko na rin ginagawa ang ang planong sinabi sa akin ni Herminia. Tuluyan na rin akong nakipagtulungan sa kanila, hindi ko rin naman kaya ng mag-isa ito. Mabuti na lang at kinompronta ako ni Herminia at sinabing makipag-tulungan ako sa kanila, actually nagdadalawang isip talaga ako katulad ng sinabi ko noong nakaraan, sobrang hirap isama sa gulo ang mga nakababata kong kapatid. Ngunit naisip ko rin na ganoon din naman ang mangyayari kaya naisip ko na makipag-tulungan na sa kanila. Nasabi sa akin ni Herminia na nasabi niya na kay Hershey ang mga nalalaman ko tungkol kay Dad, at sobra raw itong nabigla at naging emosyonal sa nalaman. Kaya heto ako ngayon papunta na kaniyang kwarto upang kausapin. “Her

