‘Hm? Nandito kami sa silong, bakit?’ taka kong tanong kay Harold sa kabilang linya. Napakapit ako sa coat ni Victoria ng marinig ko ang malakas na kidlat na nanggagaling sa kalangitan. Nagulat naman ako ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa sa akin, samantalang hindi naman ako natatawa. ‘Sino ang kasama mo?’ tumingin ako kay Victoria, di hamak na mas matangkad naman sa akin ang taong ito. ‘Friend ko bakit?’ sagot ko naman dito. Dalawang oras na yata kaming nakasilong sa tindahan ni Victoria. Paano ba naman ay naabutan kami ng malakas na ulan, kaming dalawa lang ang magkasamang umalis, wala kaming dalang payong. Gustuhin man naming bumalik sa mall para bumili ng payong ay hindi namin magawa. Naisipan naming maglakad lakad ni Victoria pagkatapos naming mamili ng mga damit. Malayo ang

