HERA'S PERSPECTIVE “HUH? What do you mean?” lasing niyang tanong kay Neveah. Paanong hindi si Raquel ang kaninang nagsalita samantalang kaboses nito ang kaibigan. “You're cute, sissy! Lalong lalo na kapag lasing ka. Kapag normal lang kasi ang ayos mo you look intimidating, sophisticated, you know what I mean? Ganon! Kaya pak na pak ako sa beauty mo.” kahit na lasing ay pinasalamatan niya si Neveah. Kahit kailan ay ang lakas nitong mambola sa kan'ya, pero hindi naman niya maitatanggi na maganda talaga siya, hindi nga lang sobra katulad ni Victoria. Kumunot ang noo niya ng mabanggit sa isip si Victoria. Kung nandito si Neveah, panigurado nandidito rin ang mortal niyang kaaway na si Victoria? Napaisip siya bago nilingon si Neveah na tila natutuwa sa kalasingan niya habang ang taong pinagka

