HERSHEY'S MABILIS na lumingon ang mga mata ko sa aking likuran at doon nakita ko si ate Hera kasama sila ate Raquel at 'yung isang magandang babae na nakita namin sa Palawan. She smiled and approached me, ngunit napahinto siya ng mapansing titig na titig sa kan'ya sila Cassandra at Gerald. “Hi.” bati niya sa mga 'to dahilan para malaglag sa kinauupuan niya si Cassandra. Nagulat naman si ate dahil don kaya lumapit siya rito at tinulungan. “Are you okay? Be careful.” batid ni ate ngunit walang lumabas na salita sa bibig ni Cassandra, nakatitig lang siya kay ate, nagniningning pa ang mga mata. Pero sabi na nga ba! Tama ang hinala ko, siya 'yung nakita ko kanina— omg! May kasama pala si ate. Tinagilid ko ang aking ulo upang tingnan ang isa nilang kasama. She was the one we saw approaching

