“Aayain mo akong makipag date sa'yo sa free time ko?” tanong ko kay Blaze na ngayon ay nasa harapan ko. Nasa private restaurant kami kaya walang paparazzi na makakakuha sa amin ng litrato. Katatapos lang ng work ko then suddenly nag message siya sa akin na balak niya akong sunduin. Wala na rin naman akong gagawin kaya pumayag ako at nagpasundo sa kan'ya. Doon kami sa likod ng studio dumaan dahil may mga nakaabang na paparazzi sa entrance dahil sa ibang mga models na nasa loob. “Bakit ayaw mo ngayon? I'm free,” sabi ko sa kan'ya. “No, you're tired. Kagagaling mo lang sa work,” napa-aww naman ako sa sinabi niya pero inom lang ng wine ang sinagot niya sa akin. “Anong balak mo? Isang oras na yata tayong nag-uusap dito.” “Hmm? Are you bored na ba?” umiling ako. “Would you like us to go f

