CHAPTER 9

5000 Words
HERA'S HE was murdering me with his sharp eyes while I grinned as I looked at him. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag at agad siyang kinuhanan ng letrato na mas lalo niyang ikinainit ng luto. Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng makita kong desperada na ang kaniyang mga mata na makalabas ng kulungan. Gusto kong kaawaan siya dahil sa lagay niya ngayon, pero mas lalo lang ako nainis dahil sa matatalim na tingin na ipinapakita niya sa'kin. I can forgive him, but now? Wala akong maramdamang awa habang nakatingin sa kan'ya. Suklam at galit ang nararamdaman ko. Ngumiti ako nangg muli siyang tumingin sa'kin. Alam kong minumura na ako ng mga mata niya, pero mas nakuha ko pa rin siyang asarin kahit na asar na siya sa'kin. Kinuha ko ang itim kong salamin at sinuot ito para mas lalo siyang inisin. At tama nga ang ginawa ko dahil halos makaalis na siya sa kulungan para lang makapunta sa'kin. Dahil nandidito siya sa police station ay agad siyang pinigilan ng mga pulis. Tumayo ako sa pinagkakaupuan ko at mabilis na nilapitan ang kaniyang ama na mukhang wala ng pakielam sa kan'ya. Sa expression na nakikita ko ay mukhang matagal niya ng gustong makulong ang sarili niyang anak samantalang ang asawa naman ni'to ay mangiyak ngiyak na pinipigilan ang mga pulis sa pagpapakalma sa anak niya. “Hi, sir.” panguna ko dahil mukhang wala siyang balak na kausapin ako. Hindi niya ako kilala at sinisiguro ko na hindi nila ako makikilala. I can let them ruin my career. Wala man siyang pakielam sa'kin o sa anak niya pero ang asawa niya ay may balak na yata akong sakmalin. “Nice to meet you Ms.” “Velasquez.” nakangiting pahayag ko. “I'm glad to meet you Ms. Velasquez. I want you to know that I am unconcerned about what you can do to that asshole. I allow you to do the right thing. Just do what ever you can do.” hindi ko maiwasang mamangha sa kan'ya ng marinig ang mga sinabi niya. Talagang wala na siyang pakielam sa anak niya ha? He even called him an asshole. Aww, that's sad. ”I simply want to imprison him in this hell, with no one in a higher rank to assist him in his escape. I know you really don't care about your son but look at your wife, sir.” tumingin siya sa kaniyang asawa na hinahaplos haplos ang pagmumukha ng demonyong anak nila. Mukhang nakuha niya ang sinasabi ko dahil napabuntong hininga siya. Pinakita niya sa'kin ang ugali niya, then ipapakita ko rin sa kan'ya ang ugali ko. He's a great lawyer, he should take care of his own child, but tignan mo nga naman. Siya pa itong suportado na makulong ang anak niya na mahal na mahal ng asawa niya. “I can handle that.” tugon niya sa'kin at lumapit kay Mr. Aquino na nakatayo hindi kalayuan sa'kin. Tumingin bigla sa'kin si Mrs. Sanchez ang asawa ni Mr. Sanchez na nakausap ko kanina. Galit na galit ang kaniyang mga mata, kulang na lang ay kainin niya ako ng buhay para mamatay lang ako sa harapan niya. Nakakaawa siya dahil ginagawa niya ang lahat para sa anak niya, samantalang yung anak niya hindi makita ang effort na kaniyang ginagawa. Hmm, this is complicated, huh? Isa lang ang pumasok sa isip ko kung bakit nagkakaganito ang anak nila. He was born into a wealthy family and inherited a large amount of money. Perhaps his parents assumed he'd be content with the money they provided him pero ang hindi nila alam kalinga ng isang ama at ina ang kailangan niya at hindi pera lang. I feel bad at him but being an asshole was not the solution to his problems. “You.” duro sa'kin ng kaniyang ina. Napatingin tuloy ang mga kapulisan sa amin dahil sa kan'ya. “Ang kapal ng pagmumukha mo para ipakulong ang anak ko! Do you have proof that he was the one who abused you? You have the guts to go to a bar and not expect to be disrespected? Are you stupid, huh?” napabuntong hininga ako at tumingin kay Mr. Sanchez na hawak hawak ang kaniyang sentido. See? This is what I'm talking about. “Maybe you seduce him, tapos nag-eskandalo ka na nira-rape ka niya.” tila nahihibang na ito sa mga pinagsasabi niya sa'kin. “Malandi.” agad na nagtagis ang bagang ko ng marinig ang sinabi niya. Pero pumikit ako upang pakalmahin ang sarili. Ang lakas niyang mang-inis, nakakairita. “Ngayon alam ko na kung bakit po bastos ang anak niyo.” nagtataka niya akong tiningnan at mabilis na naglakad papunta sa'kin upang ako'y sabunutan ng pigilan siya ng mga pulis na nandidito. “What the f**k are you saying, huh? Na isa akong pabaya ina kaya naging gan'yan ang anak ko?!” nagkibit balikat ako. “Wala po akong sinabing pabaya kang ina, Mrs. Sanchez.” mahinahong tugon ko na naging dahilan para mas lalo siyang nagwala. Bumuntong hininga ako at pumunta kay Mr. Aquino na kausap ang kapwa niya lawyer. “Are you sure? You're not going to fight for your son? What happens if your wife hires a different lawyer? I acknowledged our agreement because it was good for the defendant, and I know my client supports you too.” rinig kong tanong ni Mr. Aquino kay Mr. Sanchez. “It's okay with me in case you change your mind, or if your wife hires a lawyer to defend your son. I'd like a proper argument as well, so please contact me if you change your mind.” tila nagkasundo na silang dalawa dahil sa paglalahad ng kamay ni Mr. Sanchez kay Mr. Aquino. Habang tahimik akong nakikinig sa kanila ay nagulat na lang kami sa biglaang pagsulpot ni Mrs. Sanchez sa harapan ko. Hawak pa rin siya ng mga pulis dahil mukhang kanina pa ito hindi kalmado. Bumuntong hininga ako at lumapit sa tabi ni Mr. Aquino. Ayokong mahawahan ng masama niyang pag-uugali. “What the hell are you doing Ferdinand?!” galit nitong tanong sa asawa niya. Nakita ko naman kung paano hilutin ni Mr. Sanchez ang kaniyang sentido dahil sa asawa. Tumingin siya sa'kin at humingi ng pasensya dahil sa akto ng kaniyang asawa, tango lang ang sinagot ko sa kan'ya. “Are you not going to defend our son, huh? Talaga bang wala ka ng pakielam sa anak mo?! Anong klaseng ama ka? Paano ka gagayahin ng sarili mong anak if you'd never stepped in to help him?” galit na galit na tanong ni Mrs. Sanchez sa asawa. Tumingin ako kay Mr. Aquino at mukhang napresensyahan niya ako, kaya tumango siya at pasimpleng sumingit sa usapan ng mag-asawa. “Excuse us Mr. and Mrs. Sanchez.” tumango sa amin si Mr. Sanchez at saka kami naglakad palabas ng police station. “We talked yesterday.” sambit niya ng makapasok kaming dalawa sa loob ng kaniyang kotse. Sinundo ako kanina ni Mr. Aquino sa amin, magdadala sana ako ng kotse pero sinabi niyang hu'wag na. Pumayag naman ako dahil mukhang importante ang pupuntahan. Sinabi niya lang sa'kin noong nasa loob na kami ng sasakyan. I'm freaking surprised! Hindi ko kasi expected na mahuhuli ang demonyo 'yon agad agad, pero tuwang-tuwa naman ako dahil sa wakas ay nahuli na siya. Mas dumoble pa ang sayang nararamdaman ko ng marinig ko pa ang usapan nila Mr. Sanchez at Mr. Aquino. Para sa'kin malaking tulong na 'yon, at para sa mga babaeng nabiktima niya. “He said he didn't give a damn about her son. He also said that he was tired of having go to the police station to protect his son, who was probably Satan's children.” hindi ko maiwasang matawa ng marinig ang sinabi niya. Nakangisi naman akong sinulyapan ni Mr. Aquino, tila hindi rin makapaniwala sa narinig niya. “They really loved each other, huh?” batid ko at tumingin sa labas. Habang tahimik na tumitingin sa labas ay bigla kong naalala si Criselda. Hindi ko na siya nadaan kanina dahil sa pagmamadali na makita ang lalaking 'yon. “Let's go to a coffee shop close by.” tumango siya. Minuto lang ang tinagal bago makahanap si Mr. Aquino ng coffee shop. Mabilis lang ang naging proseso dahil nag drive thru kami. Tumingin ako sa kan'ya at hinawakan ang libre niyang kamay dahilan para magulat siya. “Gusto mo ako? Sorry Please don't show your feelings because you're not my type.” inis kong binitawan ang kamay niya. Saglit niya akong sinulyapan at ngumisi ng pagkalaki laki dahilan para mas lalo akong mainis sa kan'ya. “The feeling is mutual, sir.” batid ko sa kan'ya. Isa sa pinaka-ayaw ko sa lalaking 'to ay assuming siya. Hindi ko kinakaya yung kahanginan niya. “Kidding, what is it?” muli akong tumingin sa kan'ya. Pinagkakatiwalaan ko si Mr. Aquino, matagal na rin kaming magkakaibigan pero mas pinipili ko siyang tawaging Mr. Aquino kahit na yaw niya. I can't drop the formality, lalo na't pinagkakatiwalaan din siya ng family ko. Tatlong taon lang ang agwat namin ni Mr. Aquino. Nakilala ko siya noong nagtratrabaho pa ako bilang secretary. Bago bago pa lang siya bilang lawyer, at guest siya ng amo ko. I remember na may pag-uusapan sila no'n about sa kaso ng isang empleyado sa naturang company. Since I'm secretary, dumadaan muna siya sa'kin bago siya pumasok sa opisina ni boss. Dahil napapadalas ang pagpunta niya sa company, ay napapadalas din ang pag-uusap naming dalawa. Hanggang sa nalaman ko na ang name niya, nagpalitan kami ng number, then naging mag-kaibigan na kami. Akala noon ni Raquel boyfriend ko siya, pero parehas naming tinanggi 'yon dahil hindi naman talaga siya totoo, also hindi namin type ang isa't isa. Oh, diba? The feeling is mutual. “Hospital. Ihinto mo ako sa hospital kung saan nagtratrabaho si Thea at Theo.” kita ko kung paano kumunot ang makinis niyang noo. Tila nagtataka kung bakit ako pupunta ng hospital. Tumingin na siya sa'kin ng tuluyan ng maging pula ang stop light. “Are you pregnant?” hindi makapaniwala ang mga tainga ko ng marinig ang seryosong seryoso tanong niya sa'kin. I know na hindi siya nagbibiro, dahil kabisadong kabisado ko kung nagbibiro ang boses niya. “Who's the father?” biglang tanong niya ng magsasalita na ako. “What the hell are you saying? Inuunahan mo agad ako.” reklamo ko, hindi na ako nagtaka ng bigla siyang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang timing sa kan'ya ang stoplight. “So, what's your reason for visiting the hospital? I'm going to assume you're pregnant because I've never heard of your parents being in the hospital.” pangunguna niya sa'kin dahil alam niyang sesermunan ko siya. May advantages talaga ang pagiging lawyer, promise. Lalo na't kapag nag-aaway kayo, mapapasalampak ka na lang dahil talo ka. “Since you're my amazing friend—” “We're friends?” kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Napapikit na lang ako sa inis ng maalala na hindi raw pala kami friends. We're buddies daw. Nakakairita hindi ba? “Whatever, bibisitahin ko lang ang katulong namin.” pag-uumpisa ko. Hindi niya na sinundan ng kalokohan ang sinabi ko dahil mukhang nakatunog siya na importante ang sasabihin ko. “She was raped.” nakita ko ang unting paglaki ng mata niya pero mas pinili niya munang manahimik upang patapusin ako sa pagkwe-kwento. “I don't know how that thing happened since wala kami sa tabi niya noong naganap ang bagay na 'yon.” halos hindi masikmura ng bibig ko ang sinasabi ko. Nanghihina ako para kay Criselda. “Then, who's with her?” umiwas ako ng tingin sa kan'ya kahit na alam kong nasa daan ang mga tingin niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang bagay na 'yon. It's complicated, pakiramdam ko nakakadidiri ako. I know that we need evidence, pero siya lang kasi ang kasama ni Criselda ng mga araw na 'yon and I can't ignore this feeling I'm feeling right now. “Next time.” tumingin ako sa kan'ya dahil sa pagtataka. “If you can't tell me who's with her right now, you can do it later. I'm not in a rush and I'm also willing to wait for whatever you have to say.” napabuntong hininga ako at inayos ang pwesto. “I'm prepared to tell you everything, but when I tell you kung sino ang nakasama niya, I can't help but feel ashamed.” napahilot ako sa aking sentido dahil doon. Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko na si Dad ang kasama ni Criselda noong nasa Palawan kami. Natatakot din akong sabihin sa mga kapatid ko ang nangyari. Wala silang alam ngayon, but I know na inaalam nila ang mga nangyayari sa loob ng bahay. Parehong weird ang kinikilos ng mga magulang namin, sino ba naman kami para hindi maging aware rito. Muli akong napabuntong hininga dahil sa frustration na nararamdaman. Damn. For now. For now I'm not going to tell them what's happening till I have the information. I knew I'd have to ask Criselda's consent as well, lalo na kapag sasabihin ko na sa kanila ang nangyari. Muli akong napabuntong hininga. “You're tired, Miss.” tumingin ako sa kan'ya dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. “Yes, I know.” Tahimik na ang buong byahe at walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Gusto ko sana siyang kausapin pero tinatamad ang labi kong bumuka, hindi naman na ako kakausapin ni Mr. Aquino dahil alam niyang problemado ang lola niyo. Maya maya lang ay nakarating na sa hospital. Tumingin ako sa kan'ya at niyakap. “Ngumiti ka naman, baka akalain nilang baliw ka at dalhin ka sa mental hospital.” mahina kong hinampas ang likod niya at saka binitawan siya mula sa pagkakayakap. Muli akong nagpaalam sa kan'ya bago tuluyang bumaba sa loob ng kotse niya. “Where's my goodbye kiss?” napairap ako dahil sa kapilyuhan niya. “Just go, Mister.” napangiwi siya dahil sa sinabi ko at naisipan na ring umalis papalayo sa hospital. Hindi naman na ako nagtagal dahil iilan lang ang mga nakakasabay ko sa elevator. Nang makarating sa floor kung nasaan si Criselda ay mabilis akong lumabas. Mukhang may nakakakilala kasi sa'kin sa isa sa mga nurse. Sikreto lang ang identity ko sa hospital na ito. Tanging si Doktora at ang magkapatid ang nakakakilala sa'kin and no one else. Ayoko namang magkagulo once na makita nila ako. Isa pa, gusto ko ng tahimik na buhay lalo na if off ako sa work. Nang matapat sa kwarto ay mahina akong kumatok bago pumasok sa loob. Doon naabutan kong mag-isa si Criselda, tahimik na nanonood at tila nagulat ng masilayan ako. Uupo sana siya upang batiin ako ng itaas ko ang palad ko na senyales na hu'wag niya na itong gawin. “Where's Thea?” takang tanong ko habang inilalapag ang isang coffee sa lamesa. “Lumabas lang po, ma'am.” mahinang tugon niya. Tumango ako at lumapit sa kan'ya para abutan siya ng kape. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa lamesa upang ayusin naman ang binili kong breakfast for both of them. “Tapos ka na bang kumain?” tumango siya at tinuro ang isang plato na wala ng laman. “Then if you're hungry, sabihin mo lang sa'kin. I'm going to stay here for a while, wala na rin naman akong inaasikaso.” nakangiting batid ko at tinanggal ang shades at facemask na suot suot ko. Ugh, sarap sa feeling. Naupo ako sa couch at isinandal ang ulo sa sandalan ni'to. I feel exhausted. Saglit akong pumikit at huminga ng malalim. Himala na lang na nakontrol ko ang sarili kanina, dahil kung hindi malalaman nila na isa akong model, gagamitin nila ito sa'kin. Muli akong nagpakawala ng mahabang buntong hininga. Damn it. “Ma'am Hera, okay lang po ba kayo?” binuksan ko ang mga mata ko at sakto itong nagtungo kay Criselda. Nakatingin siya sa'kin suot suot ang nag-aalala niyang expression. Inayos ko ang sarili saka siya nginitian. “Yes, I'm okay. Don't worry.” nakangiting lingon ko sa kan'ya. “How are you? Maganda ba ang lagay mo ngayon?” umiwas siya ng tingin at ininom ang kapeng binigay ko sa kan'ya. “Opo, okay lang po ako, ma'am.” sagot niya sa mahinhin na tono ng kaniyang boses. “That's good.” nakangiting tugon ko. Hindi na ako nagtanong ulit at pinili na lang na tumahimik. I think she liked this atmosphere as well. “Ma'am...” mabilis ko siyang nilingon dahil baka may gusto siyang sabihin sa'kin. “Ma'am, natatakot po ako...” natahimik ako ng marinig ko ang nanginginig niyang boses habang sinasabi sa'kin na natatakot siya. “Why? May masakit ba sa'yo?” naguguluhan kong tanong sa kan'ya. “W-wala po, natatakot lang po akong sabihin sa'yo ang lahat...” natahimik at napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tumayo ako sa pinagkakaupuan ko at dahan dahang umupo sa malambot niyang kama. Ngumiti ako para maibsan ang takot na nararamdaman niya. Hindi naman ako nagmamadali, kaya ko siyang hintayin basta't alam kong hindi kami mahuhuli. Hindi niya naman kailangang pilitin ang sarili niya kung alam niyang hindi niya pa talaga kaya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya saka nagsalita. “Criselda...” malambot ang tinig kong sambit sa kan'ya. “If you aren't ready, you don't have to tell me. Don't push yourself to say something that you don't want to. Willing akong maghintay, Criselda.” mahinahon ko pang dagdag sa kan'ya. Hindi naman niya talaga pwedeng pilitin ang sarili niya. Isa 'yon sa bilin ng doctor, kaya hindi ko siya pinipilit sabihin sa'kin ang nangyari. Gusto kong sabibin niya sa'kin kapag nakapagdesisyon na siya, kapag buo na ang loob niyang sabihin sa'kin ang katotohanan. “P-pakiramdam ko po kasi kapag hindi ko sinabi sa'yo agad ang nangyari ay mahuhuli na ako.” napatango ako dahil naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. “Hindi tayo mahuhuli, Criselda. Walang nakakaalam na nandidito ka, ligtas ang nangyari sa'yo rito. Kaya hu'wag mong madaliin ang sarili mo.” tumango siya at niyakap ko siya dahil sa awang nararamdaman. “Ipakukulong ko sila, Criselda.” hinaplos ko ang buhok niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya. I couldn't help but sigh when I noticed how frustrated I was. How did they dare to rape this powerless woman? f**k! Paano? Hindi ba sila naawa sa babaeng 'to na gusto lang magtrabaho para sa pamilya niya? “Salamat po.” batid niya ng makabitaw siya sa bisig ko. “Take your time, Criselda. Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo, maghihintay ako, at once na nalaman ko na ang lahat ipapangako ko sa'yo na makukulong ang taong gumawa sa'yo ni'to.” Alam kong kulang pa ang lahat ng ginagawa ko para maibsan ang mga bigat na nararamdaman niya, pero sa ngayon ito lang ang kaya kong ibigay. Ito lang ang pwede kong ibigay na alam kong mawawala ng kaunti ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Once na mapakulong ko ang taong gumawa ni'to, ay alam kong isang malaking bagay na ito para sa sarili niya. Maghahalo ang tuwa at inis niya katulad ng nararamdaman ko kanina. Alam kong makakaalis rin sa ganitong sitwasyon si Criselda. Hindi man ngayon, pero balang araw at ang balang araw na 'yon ay hindi tatagal. Nginitian niya ako at tumango tango at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Maya maya ay dumating na rin si Thea, mukhang kadadaan niya lang sa nga pasyente rin dito. Nag-usap usap muna kami hanggang sa dumating ang tanghali at nagpaalam na rin ako. Pagkapasok sa kotse ay pinaandar ko na ito papunta sa bahay namin. Hindi naman ako inabot ng matagal sa byahe dahil medyo malapit lang naman ang hospital na ito sa bahay namin. Mabuti na lang talaga at walang nakakakilala sa'kin, kinakabahan din ako sa tuwing pupunta ako sa hospital para dalawin si Criselda. Bukod sa seguridad niya, ay seguridad ko rin ang isa sa iniintindi ko. Speaking of that. I'm curious as to why Criselda is free. Was it because they assumed she wouldn't report them kaya buhay pa rin siya hanggang ngayon? Are they stupid? Hindi ba nakakapagtaka 'yon? Sinong tanga ang mag-iiwan ng biktima nila? Kapag ginahasa ka, may posibilidad na patayin ka o kaya ay ikulong ka. But sa kaso ni Criselda, malaya siya. Rare ang ganitong case, usually mga maniac na adik lang ang nag-iiwan ng biktima nila at tatakbuhan ang krimen na ginawa. God, sino ba ang gumawa ng kabrutalang ito sa kan'ya? ‘Ask your Dad, Hera.’ Natahimik ako dahil sa mga salitang lumalabas sa isip ko. Right! Nakalimutan kong tanungin si Dad about dito. Pakiramdam ko siya lang ang makakasagot ng mga katanungan ko. Mabilis akong tumawid sa kabilang side at pinaandar papunta sa company ni Mr. Velasquez, his brother, my uncle. Medyo malayo ang company nila kung nasaan ako, but I think maaabutan ko pa naman si Dad doon. Madalas kasing wala si Dad ayon sa naririnig ko I think busy siya sa trabaho niya. Isang oras ang tinagal ko bago makarating sa company. People here know I'm a model since they saw me at Mr. Velasquez's new product launch event, but I'm still observant because I don't trust anybody. Mahirap na at baka may mapagsamantalang tao akong makasalubong na nagtratrabaho rito. Agad akong dumiretso sa office ni Dad. Magkaiba kasi ang office ni Dad at ni Mr. Velasquez and they don't share the same floor. If Dad is on the fifth floor, his brother is on the sixth floor. Ang suggestion nga ni Mr. Velasquez mag same office na lang raw sila, but my Dad refused his offer, that's why magkaiba sila ng office noon, hanggang ngayon. Napakunot ang noo ko ng hindi ko makita ang secretary niya. Laging nandidito si Ms. Preci but now why she's not here? Kahit naman anak ako ni Dad ay ginagalang ko pa rin siya bilang business partner ni Mr. Velasquez. Naupo ako sa upuan kung saan dapat hintayin ang secretary. Kalahating oras na yata ang nakalilipas pero wala pa ring sekretaryang bumungad sa mga mata ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Dad, pero walang sumagot at sinasabing mag-iwan na lang daw ako ng mensahe sa kan'ya. Kumunot ang noo ko at muli siyang tinawagan. Tinawagan ko siya hangga't sa sagutin niya ang tawag ko sa pang singkwentang beses. “Hera?” kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng hingal sa boses niya. “Dad? Nasa office ka ba?” segundo ang tinagal bago niya ako sagutin. “Yes, why?” uhm, bakit parang hingal na hingal yata si Dad? What happened? Tatanungin ko na lang siya once na makapasok na ako sa office niya. “I'm here, Dad. May itatanong lang sana ako sa'yo but I can't get inside your office because your secretary isn't here. I promise naman sa'yo na I respect your privacy kaya hindi ako pumasok agad agad.” napakagat ako sa pang-ibaba kong labi ng wala akong response na narinig galing sa kan'ya. Tiningnan ko pa ang phone ko para kumpirmahin na hindi niya binaba ang tawag. “Wait, Hera.” tumango ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. Nanatili pa rin akong nakaupo at hindi tumayo papunta sa pintuan ng opisina niya. After a while ay muli siyang nagsalita. Pinahintulutan niya na akong pumasok sa office niya. Doon na ako tumayo at bago ako tumuloy sa opisina niya ay tiningnan ko ang desk ng secretary niya. Where is she? Absent ba siya? Well malalaman ko 'yon kay Dad. Inayos ko ang sarili bago ako kumatok sa pintuan niya. Pumasok na ako at nakita ko si Dad na may pinipirmahang mga papeles. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang iilang papel na nagkalat sa sahig at sa ilalim ng table niya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang iilang pawis sa kaniyang noo. Anong ginagawa niya rito... Wait! I smell something. Perfume! Pabango ang naaamoy ko na may halong hindi ko mapaliwanag na amoy. Napataas ang kilay ko habang papalapit kay Dad. Umangat ang tingin niya at napansin ko ang lukot niyang pang-itaas. Tumayo siya pero bago pa man siya makalapit sa'kin ay agad ko na siyang pinigilan. “No need, Dad. Mabilis lang ako.” nakangiting batid ko at umupo sa swivel chair sa kaniyang harapan. Tiningnan ko ang itsura ng kaniyang opisina pagkaupo ko sa swivel chair. There was something seriously wrong here, and I can't just ignore it, especially after what I've witnessed so far. May ginagawa ba siyang hindi kaaya aya habang nasa labas ako ng opisina niya? “What brought you here, nak?” tumingin ako sa kan'ya at nawala ang pag-iisip dahil sa boses niya. Medyo nawala sa isip ko ang pakay ko rito but should I open that topic here? Sa ganitong atmosphere? “I forget na Dad.” natatawang batid ko para maniwala siya sa sinasabi ko. Masama na ba akong anak kung hindi ko pagkakatiwalaan ang sarili kong ama? Una mas suspetsa kami sa kan'ya, and now mas lalo itong umangat nang umangat. What should I do? “What?” his brows frowned when he heard what I said. “What? Binibiro mo ba ako, Hera?” umiling ako sa tanong niya. Wala lang akong balak itanong sa'yo ngayon ang gusto kong itanong Dad lalo na ngayon na ang dilim dilim ng atmosphere na nararamdaman ko sa loob ng opisina mo. Gusto ko sana itong sabihin sa kan'ya pero mas pinili kong maging magalang. May tinatago siya. “Where's your secretary, Dad?” mas lalong lumakas ang kutob na nararamdaman ko sa kan'ya ng biglang magbago ang expression ng kaniyang pagmumukha. Mukhang naghahanap din siya ng magandang salita na ibibigay sa'kin. “I-i ordered her to make me a cup of coffee. You know how much I love coffee, right?” tango na lang ang sinagot ko sa kan'ya. Pasimple akong tumingin sa kaisa isang pinto sa loob ng kaniyang opisina. Ang kaisa isang pinto kung saan may kwarto pang overtime kung sakaling maraming ginagawa at wala ng oras para umuwi pa. Mali bang isipin ko na someone's there? I can feel it. “Where are you looking at?” mabilis kong iniwas ang tingin sa pintuan ng kaniyang kwarto at nginitian siya. Mabilis akong nagpaalam sa kan'ya at walang lingon-lingon umalis sa loob ng kaniyang opisina. Napasandal ako sa pinto ng kaniyang opisina ng hindi ko maramdaman ang aking mga paa dahil sa kaba. Alam ko, alam kong hindi lang basta basta 'yung nakita ko. My sight was sharp, and I believed what I saw on Dad's neck was a bite mark and as I looked around the office, I found something that disturbed me. Sobrang disturbing ni'to for me, and that's the first time na pinandirihan ko ang Dad ko. What should I do? What should I do? This is a horrifying surprise! How? Paano nagawa ni Dad ang bagay na 'yon kay Mom? How can I look on her face lalo na't may nakita akong bra sa loob ng opisina ni Dad? Paano ko sasabihin kay Mom 'yon? What the hell is happening in my life?! Nang makasakay sa loob kotse ay mabilis ko itong pinaandar at naghanap ng pinakamalapit na pub. Kailangan kong uminom. Kailangan kong pilitin ang sarili ko na hindi totoo ang mga nakita at nasaksihan ko. Nahampas ko ang manibela kasabay no'n ang pagtulo ng mga luga ko sa'kin mga mata. Paano nagawa ni Dad ang bagay na 'yun! Paano ko rin nagawang hayaan lang siya? Natatakot ako! Natatakot akong malaman sa kan'ya, sa mismong bibig niya! Alam kong kaunti na lang ay mawawalan na ako ng kontrol sa sarili, kaya bago pa man ito mangyari ay mabilis kong pinark ang kotse ko sa isang parking lot na nahanap ko. Hababg nakatigil ang sasakyan, ay siyang hindi pagtigil ng mga lugang bumabagsak sa mga mata ko. Bakit biglaan ang lahat ha!? Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay kong kinuha ang phone sa loob ng bag. Hindi ko na ito halos makuha dahil sa sobrang nginig na nararamdaman ng katawan ko. Sabayan mo pa ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luhang humaharang sa paningin ko. Inihiga ko ang ulo sa manibela ng hindi ko makuhang makapag type para tawagan si Mom. Paano nagawa ni Dad ang bagay na 'yon. Natatakot akong maghiwalay sila. Tatahimik na lang ba ako o at magwawalang kibo? Ayokong magtanga tangahan sa mga nasaksihan ko. Hindi ko kayang ilihim ito sa pamilya ko lalong lalo na sa Mom ko na siyang nag-aruga sa amin. Pinunasan ko ang mga luha ko sa mukha ng biglang pumasok sa isip ko ang pinagusapan naming tatlo. Isa ito sa pinagusapan namin, susubaybayan namin si Dad hanggang sa malaman namin ang dahilan kung bakit bigla na lang silang naging matamlay ni Mom. I guess this is both helpful and hurtful news for us. Good news dahil may bago na akong ibabalita sa kanila, dagdag informations sa mga dating nalaman namin. Bad news because hawak ng mga ebidensya ang pagsasama ng pamilya namin. Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ng sobra ang sarili bago ko pinaandar ang kotse papunta sa bahay. I should tell them what I saw. This isn't something I can bear to ignore, pamilya, at kasayahan ang nakasalalay dito at hindi basta pamilya lang. Sa totoo lang kabado ako. Sa'kin nakasalalay ang pagsasama namin dahil ako ang nakasaksi sa mga hindi ordinaryong bagay na dapat makita ng mga tao lalo na't may pamilya ka na. Hindi siya simpleng bagay na babaliwalain ko dahil kaya naman itong makuha sa isang kapatawaran lang. Malaki itong problema dahil hindi lang ako ang kasama rito dahil buong pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD