“Yes, Mr. Giamatti, Lalkha Krisano was your wife albeit not in a legally recognized arrangement. It was a domestic partnership.” Hindi sa hindi siya naniniwala kay Lalkha. Sa pagbukas palang ng bibig nito, alam na niyang nagsasabi ito ng totoo. He just needed to know the full details. Mga detalyeng alam niyang hindi nito ikukuwento sa kanya. “Kumpirmado. May anak nga kayo. Isa. Si Ezekiel Krisano.” Inilapag ng PI ang mga litrato ng bata sa ibabaw ng executive desk. Parang masisiraan ng bait si Athelstan habang pinagmamasdan ang mga pictures. Hindi niya iyon mahawakan. Nanlalambot ang mga buto niya sa katawan. Who would’ve thought that he was once a father and a husband? Siya na ingat na ingat sa pagpapakasal at pag-aasawa ay nakabuo na pala ng sarili niyang pamilya. He married her… H

