Naikuyom ni Lalkha ang mga kamay. Her knuckles hurt and it felt like bursting. Gusto niyang saktan ang doktor. Malaki ang utang na dapat nitong pagbayaran sa kanya. You wouldn’t know how much pain a person has caused you, until you see that person again in flesh. Sinubukan ni Kenshin na hawakan siya pero mabilis niya itong sinibat ng matalim na titig. “H’wag mo akong hawakan!” madiin niyang sikmat dito. Umarko ang mapait na ngiti sa labi ng doktor. “Pabayaan mong ayusin ko ang lahat.” “Paano? Paano mo pa aayusin ang nasira na? Hindi na niya ako matandaan! Inalisan mo ng ama ang baby ko! Madamot ka!” kontrolado ang lakas ng boses niyang hiyaw dito. “Buhay ang bata…” Lalong lumatay ang guilt sa mukha ni Kenshin. Gumalaw ang panga nito at sandaling sumagap ng hangin bago siya muling tinit

