Umaalingawngaw ang mabilis na yabag ni Lalkha sa kahabaan ng pasilyong tinatahak niya. Room 176 Sinusuyod niya ng tingin ang lahat ng madaanang pinto. Room 173, 174, 175… Huminto siya sa tapat ng Room 176. Ito na iyon. Pinayapa muna niya ang nagririgodon na puso bago kinatok ang pinto. Each knock was bouncing back at her like a sharp, rusty knife. Dahan-dahang umawang ang pinto. She was greeted by a face overcast with sorrow. Lalo siyang kinabahan. “Shin… si… si… si Athelstan?” Hindi ito nagsalita. He only stepped aside. Iminosyon nito ang bakanteng hospital bed sa gitna ng malawak na silid na mas mukhang hotel suite sa gara at ganda. Nandoon din sina Ziggy at Harper. Nakaupo ang mga ito sa sofa at malungkot na nakatitig sa bakanteng kama. "They took his body to the morgue and left

