“Good Morning, Ma’am,” magalang na bati ni Lalkha kay Cecilia Giamatti nang dumaan ito sa harapan ng reception desk. Bahagya pa niyang iniyuko ang ulo. Cecilia threw her a huge hostile glance, an expression of civil disdain written on her aged face. Taas na taas ang noo nito. Papasa itong si Maleficent, minus the black-horned headdress. “Tita!” habol dito ng isang magandang babae. Her hair curled to perfection and bouncing like there’s a soul in it. Kulay ginto iyon na bumagay sa maputing kulay ng balat nito. “Carinna!” salubong dito ni Cecilia. Bigla-bigla ay may nabuhay na ngiti sa labi nito. “You’re late, hija.” Carinna pouted her chili-red lips. “Sorry, I got stuck in traffic.” Nilaro ng daliri nito ang hawak na car key bago ihinulog sa sling bag. “It’s okay. Pero kilala mo naman

