“I have a meeting with the CEO at 8:30. I’m Caroline Weber.” Naputol ang ginagawang pagtitipa ni Lalka sa keyboard. Hinarap niya ang babaeng lumapit sa reception desk. Mabilis niyang itinago ang maasim na simangot sa likod ng kanyang maayos na ngiti. The woman looked… breathtakingly gorgeous. Malinis ang pagkakapusod ng buhok nito. Sopistikadang manamit at pinong kumilos at magsalita. The frown behind her lips grew deeper. Wala bang pangit sa sirkulasyong kinabibilangan ni Athelstan Giamatti? Halos lahat ng taong nakapaikot dito ay pulos magaganda ang mukha. “I’ll inform the CEO of your meeting with him. Please, sit down.” Iminuwestra niya ang sofa sa lobby. Id-in-ial niya ang numero ni Zarra. “Pababa na kami. Thank you, Lalkha,” ani Zarra. Pasimple niyang kinilatis si Caroline sa i

