008: The Dare

479 Words
"Laro tayo spin the bottle tapos dare lang," sabi ni Clare isa sa kaibigan ko. "Sige sali ako total wala naman si Ma'am e," sabi ni Dianne, kaibigan ko din yan. 'Ako din,' 'Ako din,' 'Sali din ako,' Ginilid nila ang mga upuan at pumwesto na sila, halos lahat ng mga kaklase namin ay nakisali. "Hoy Faith sali ka," sabi ni Clare. "Ha, ahm hindi na," sabi ko. "Ang kill joy mo," sabi ni sabay hila niya sa akin at pinaupo. "Eh ayaw ko nga sumali," nakanguso kong sabi. "Sumali ka na lang Faith," nakangiting sabi ni Carl ang crush ko. "Ha s-sige," nauutal kong saad. "Uy nagblublush si Faith," tukso ni Dianne na sinundan naman ng mga kaklase ko. "Maglaro na tayo," sabi ko sa kanila Tumawa lang sila at pinaikot na ni Dianne ang bote. At tumapat iyon kay Clare ngumisi naman si Dianne. "Isigaw mo ang name ng crush mo," ngising sabi ni Dianne. "Hoy walang ganyanan," sabi ni Clare habang nakatingin ng masama kay Dianne. "Nah dare is dare," sambit ni Dianne. "Mark Fernandez," sigaw ni Clare at tinukso naman siya ng mga kaklase namin. Pinaikot na ni Clare ang bote and sa akin tumapat yun sa akin. Alam kong may binabalak ang dalawang ito. "Magpretend kayo ni Carl na mag jowa in one month," nakangisi niyang sabi. "What? No, iba na lang," sabi ko sa kaniya. "Ako nga ginawa ko e kaya gawin niyo din one month lang naman e," sabi niya. "No-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Carl. "Sige game ako diyan," sabi ni Carl na nakapatigil sa akin. --- Bukas matatapos na ang pagpapanggap namin. Oo, ginasa namin ni Carl ang dare. Pupunta na sana ako sa garden ng makita ko si Carl may kasamang babae. Inaamin ko nasasaktan ako mahal ko na eh. Ang sakit sobra napatulo yung mga luha ko. Lalakad na ako palayo ng may humawak sa kamay ko. "Faith let me explain, she is Veinna-" "Wala kang dapat na e-explain kasi in the first place walang tayo. Lahat ng ito ay dare lang naman diba?" nakangiti kong sabi. "S-Sorry kasi hindi ko man lang nasuklian yung pag mamahal mo. Pumayag ako sa dare kasi akala ko mamahalin din kita but I was wrong. Sorry sorry-" "Don't say sorry Carl hindi mo naman mapipilit yung puso mo na turuan na mahalin ako. It's okay." sabi ko sa kaniya sabay ngiti. "Faith-" "Shhh okag na yun ahm sige alis na ako tsaka pala ngayon na din natin tapusin yung dare," sabi ko sa kaniya. "No, bukas pa yun ah," "Tapusin na natin ngayon sige na alis na ako," Umalis na ako at dumiretso sa banyo. Tinignan ang reflection ko sa salamin. Tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal at kahit kailan hindi niya ako mamahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD