Nanginginig ang tuhod ko dahil sa sobrang kakatakbo at pagmamadali. Mabilis akong pumasok sa loob ng building.
Umuwi muna ako kanina bago dumiretso dito saglit na nagpalit muna ng damit at nagligo. Hindi naman pwedeng tatawagan ko lang si Mr. Ingrid sa telepono para sabihin na may emergency lang.
BOSS ko siya and I'm his slave, that's our deal and no one could break it. I have a huge debt to him which I am needed to pay.
"I'm sorry" pasinghal kong paumanhin sa taong nabangga ko.
Nagmadali ko itong tinulungan sa pagpulot ng mga papeles folders na nahulog sa sahig. Nagtataka naman ako dahil may mga litrato ng mga babae ang laman ng isang folder. Ganunpaman ay wala akong oras para magtanong.
"Pasensiya na po ulit" saad ko tsaka inabot sa kanya ang mga papeles at yung folder. Kaagad akong yumuko.
Nagtataka ako kung bakit naiwan parin sa kawalan ang inabot kong mga papeles dahil hindi parin niya ito kinuha.
Kunin mo na ho, nagmamadali po ako.
"Your sorry is not accepted" Malumanay na boses na ang pagkakaalam ko ay galing sa taong kaharap ko.
Tumingala ako sa kanya at tinaasan ko naman siya ng kilay. Nagtataka ako sa biglaan nitong pagngiti sa akin na ikinagulat ko.
"But, I will accept the papers" dagdag pa niya saka pa niya kinuha ang mga papeles na hawak ko.
Nakatitig lang ako sa kanyang maamong mukha. His angelic face can make you feel at ease. Iyan ang aking nadama nung nakita ko ang kanyang ngiti.
"Po?" wala sa sarili kong tanong.
Doon ko pa na realized na kaibigan pala siya ni Mr. Ingrid. Si Mr. Jeyo Lauret. Malalim lang niya ako tinitigan bago siya nagsalita.
"I guess you should show up yourself to your hot-headed boss" he informed me.
Kalmado pero bakas sa mukha niya ang pangingisi. Nagsimula na siyang lumakad at iniwan akong nakatangenga. My eyes followed him walking away from me.
Hindi ko inaasahang na nakangiti na pala ako.
I guess you should show up yourself to your hot-headed Boss
Nawala bigla ang ngiti sa aking labi. Wala na akong sinayang na oras at sigundo bago tinahak ang daan papunta sa opisina ni Mr. Ingrid.
Kagat labi ako ngayon na nakayuko sa harap ni Mr. Ingrid, nanginginig na ang mga tuhod ko at ramdam na ramdam ko na ang pagkawalan ko ng enerhiya.
"Mr. Ingrid, h-hindi na po mauulit" buong lakas loob kong usal sa kanya.
Ilang beses naba ako nakaulit? kanina pa ako humihingi ng paumanhin sa kanya pero hindi man lang ito nag-abala para sulyapan ako.
Ni hindi nga niya randam na medyo matagal na akong nakatayo sa harap ng kanyang table dahil nasa mga papeles at sa kanyang laptop ang kanyang atensiyon.
Hindi ko maiwasan hindi isipin ngayon si baby Ameerah. Hindi ko man lang ito pinuntahan kanina dahil mas inuna ko aking trabaho.
Ano na kaya nangyari sa kanya? okey na ba siya? hindi ko kakayanin kung merong masamang mangyayari sa kanya. Si Lola at si baby Ameerah lang ang dahilan kaya ako nabubuhay ngayon at sila din ang aking lakas at kahinaan.
Napakurap ako dahil sa tunog na naririnig ko mula sa tiyan ko. Nagugutom na ba ako? mukang mag-iisang araw na kasi akong hindi pa kumakain.
Dumidilim narin ang paningin ko pero hindi ko nalang ito pinapansin. This is not the perfect time to be sick. Stay strong Rinne, kaya mo to. Pinagdidikit ko nalang ang tuhod ko para hindi ako mawalan ng balanse.
"You're fired" kalmadong boses ni Mr. Ingrid. "You may leave now"
Tumingala ako sa kanya kaagad dahil sa gulat at takot.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Halos hindi ako maka pagsalita at makagalaw dahil sa anunsiyo niya. Saka pa ako natauhan nang nagsink-in sa isip ko ang sinabi niya.
"Po? pinapaalis nyo na po ba ako?" tanong ko sabay turo ko sa aking sarili.
Inangat niya ang kanyang paningin sakin.
"What do you think? I hate repeating my words Ms. Sandievo. But I guess someone's out there deserves more your position right now and who's potential enough to do your job" walang ka emosyon niyang panayam pero bakas ang authoridad nito.
Lumunok ako saglit at nilakas ang loob.
"Sir I know I've done such very stupid mistake. Hindi ko na po iyon uulitin at handa akong gawin ang lahat basta huwag niyo lang po ako sasantihin" lumapit na ako sa kanya at bakas sa aking boses ang pag-mamakaawa.
Ang totoo, gusto kong sabihin sa kanya ang dahilan ko. Pero nahihiya na ako. Hiyang hiya na ako baka isipin niya na nag-aabuso na ako. I don't want him to think that I'm taking advantage of his generosity.
Hindi parin niya ako pinapansin.
Napahinto ako dahil sa papel na kasalukuyang inabot nito sa akin. Dahan-dahan ko naman iyon kinuha at Resignation Letter pala ang binigay niya.
Siya pa ang gumawa nito?
Patatalsikin na ba niya ako? Is he damn serious?
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko idagdag mo pa ang pagka-dismayado ko sa aking sarili. Seryoso na ba talaga siya?
Nanginginig ko naman inabot ang papel at dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Tuluyan na ako nawalan ng pagasa dahil sa mga titig niya na nagpapahiwatig na seryoso nga talaga siya sa kanyang sinabi.
"I need you to sign that paper. I don't tolerate a stupid employee Ms. Sandievo. You've made a vowed to do your task sufficiently but you failed me" bakas sa kanyang boses ang disappointment. "Or you're just taking advantage of my generosity?" patanong at nakataas kilay niyang saad.
Umiwas ako ng tingin at nagkurap-kurap pa ako dahil ramdam na randam ko na kasi ang mga luha ko. No, don't cry Rinne. Mga mahina lang ang umiiyak.
Nasabi na niya ang bagay na ayaw kong isipin niya.
"No Sir, I didn't take advantage of your generosity" pagdedefend ko naman, totoo talaga yung sinabi ko. "Sir please don't fire me, I badly need this job for the survival of my family" bagkus man ay binigyan niya lang ako ng blankong mukha.
Umiiling ito at kumunot pa ang noo niya.
"5 million isn't enough huh?" sarkastikong tanong niya.
Umiwas ulit ako ng tingin. Dahil sa sinabi niya pakiramdam ko ang babaw ng tingin niya sa akin.
Pero bakit ba ganun? hindi man lang ako nakaramdam ng galit sa kanya. Pilit ko parin tinatanggap ang bawat masasakit na salita na naipukol niya sa'kin.
Ganun ko na ba talaga siya kamahal? lahat nalang ba ng sakit kailangan kong konsintihin?
"About the 5 million, I'll give you 1 year to pay back Ms. Sandievo. So, take your time and please get out" malamig niyang wika at hindi nakatingin sa akin.
I thought, I don't need to payback?
Dumidilim na namn ang paningin ko, ang ulo ko naman ay halos mabugto na dahil sa sakit pero ganun parin dinededma ko nalang ulit.
Saka ko pa lang namalayan na nakatayo na pala ito at tinahak ang direksyon patungo sa pintuan.
No. He can't be.
Hindi pwedeng mawala ang trabaho ko sa akin.
Ang totoo, wala ng natira pa sa akin. Mahigit 2.5 million ang ginastos namin sa pag-oopera kay Ameerah at 2 million ang naibayad ko sa utang na iniwan sa akin nila Mama at Papa . Yung natira naman ay nirenta ko na ng bahay.
Bahala na... wala na akong ibang pwedeng applyan na kompaniya except sa company niya. At isa pa malaki ang sahod dito upang maipagpapatuloy ko ang pag-papagaling kay baby Ameerah.
Hinabol ko siya at mabilis na lumuhod.
"Mr. Ingrid, nagmamakaawa na po ako, wag niyo po akong sasantihin. Hindi na po mauulit ang mga pagkakamali ko and I'll do everything and the best that I can do Sir" halos pasinghal kong saad sa kanya saka yumuko.
Nagsilabasan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan pero agad ko rin pinunasan.
"F*ck" pagmumura niya at nahinto sa paglalakad.
Sumulyap ako sa kanya habang nakapamulsa pero ganun pa man ay blanko lang ito na nakatitig sa akin. Ganyan kana ba ka heartless?
Nagkurap-kurap ako para pigilan ulit ang mga luha ko. Nakita ko itong tumatango-tango at napangiwi ang kanyang mga labi.
"You will do everything? tama ba narinig ko?"
Tumango ako "Yes Sir"
"Stand up" narinig kong utos niya at agad ko naman itong sinunod habang nakayuko. I heard his footsteps walking towards me.
"You said, you will do everything" sinikap kong nilaban at mga nakakatakot niyang titig.
Napakurap ako nung nakatayo na siya sa aking harapan.
"Then what, if I say you should owe me a kiss then warm my bed?" wala sa sarili ko siyang tiningala at tinaasan ng kilay.
Seryoso ba siya?
Napakagat-labi ako dahil sa mabango niyang hininga. It's too late for me to think, he roughly kissed me so hard.
Marahas niya akong hinawakan sa beywang ko at hindi sinugpo ang marahas niyang paghalik sa akin.
Pakiramdam ko lasap na lasap ko ang dugo mula sa labi ko dahilan kaya ako mas naging mahina. Buong lakas ko siyang itinakwil kasi hindi ko na kakayanin pa. Pwede niya naman ito gawin sa malumanay na paraan hindi yung saktan niya ako.
I prolonged those pain that I've felt before pero hindi ako robot para hindi masaktan at mahihirapan.
Galit na galit siyang nakatitig sa akin.
"Stupid! iyan ba ang doing everything na sinasabi mo?" he said while gritting his teeth. "I don't want to see your face here anymore, just go away and never come back" saka niya ako tinalikuran.
"Sir I just can't" I tried to trailed off until everything's went black.
***
"Ouch" napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.
Nilibot ko ang tingin ko kung nasaang lupalop ako nakarating.
Bakit pala ako nasa loob ng rest room ni Sir Heiden?
Anong ginawa ko dito?
May nangyari ba?
Nabaling sa tumutunog na cellphone ang atensiyon ko. Nagmadali ko itong kinuha at pinindot ko kaagad ang accept.
"Hello?" panimula ko.
"Hello Rinne? ako to si Lola Maring mo. Anak asan kana ba? kanina pa kita tinatawagan Rinne, kailangan mong pumunta ngayon dito sa hospital" biglang huminto si Lola Maring sa pagsasalita. Humihikbi na ito na nauwi sa hagulhol at halos hindi ko na nga maiintidan ang mga pinag-sasabi niya.
"La bakit ho kayo umiiyak? ano po ang nangyayari diyan?" bakas sa boses ko ang pag-alala.
"Rinne anak, nag--aagaw buhay ngayon si Ameerah" rinig na rinig ko ang t***k ng aking puso na sumasabay sa hikbi ni Lola.
Please lord, heal her. I need you to save her.